Chapter 31

889 33 4
                                    

Chapter 31
Atlas’ POV

“Nak, come with me, please.”ani Mommy para lang samahan mo siya sa salon na pupuntahan niya ngayon. Umiling naman ako at walang balak sumama, nagpatuloy pa rin ako sa pagsstrum ng gitara ko.

“Saka pagupitan mo na kaya ‘yang buhok mo! Malapit na ang pasukan! Ang pangit mong tignan!”aniya pa na hindi ko naman pinansin. Hindi pa naman pasukan.

“Nak, sige na!”sambit pa ni Mommy kaya wala akong nagawa kung hindi ibaba ang gitara. Natawa naman si Carver na siyang narito sa kwarto ko at abalang abala sa paglalaro.

“Lakas ni Chora!”natatawang saad niya pa.

“Guys, si Chora lang ‘to!”ana man ng babaeng nakaopen mic. Nailing na lang ako dahil mukhang pati sa ml ay nakikipaglandian pa ‘tong pinsan ko.

Tumayo naman na ako at sumunod pa kay Mama para magtungo sa salon na pupuntahan niya. Bago nanaman dahil hindi niya nagustuhan sa dati niyang salon. Ngayon ko lang ‘to pinagbigyan dahil hindi nanaman niya ako titigilan kung sakali.

Nang makapasok kami sa salon ay malapad ang ngiti ng isang babae nang matapos niyang ibaba ang phone niya. Nang lumingon siya sa amin ay ngumiti pa muli siya.

“Good morning, Sir, welcome po.”aniya na malapad ang ngiti. May isang empleyado naman na naggiya sa akin para magtungo sa kung saan.

“Mhie, si Georgiana nandito, dali!”dinig ko pang tili no’ng babae nang malaman niyang nandito si Mommy. So Mommy’s really famous, huh?

Funny how I tried to asked my Mom kung kailan muli siya babalik doon. Kung dati’y wala akong balak sumama kapag nagtutungo siya sa salon pero simula no’ng araw na ‘yon, I started being interested with that girl. She’s friendly sa lahat ng nakapaligid sa kanya. Ang dali rin niyang utuin ang ilang kliyente nila.

The first time we talk with each other, hindi ko pa mapigilang mainis sa kanya dahil sa ginawa niyang paggupit sa buhok na ang tagal kong pinahaba, wala tuloy choice kung hindi ang pagupitan ito.

“Sabi ko si Pogi!”bulong pa ng isang staff sa kanya. Agad naman siyang nagreklamo kahit na siya na ang may kasalana.

“Linawin mo kasi, Mima! Siya lang naman ang gwapo rito!”hindi ko mapigilang mapakunot ang noo at pinigil din ang sariling mangiti dahil sa tinuran nito.

“Sorry, Sir, kasalanan mo ‘yan gwapo mo e.”aniya pa, aba’t bakit parang kasalanan ko?

That day she started to notice me, hindi ko alam kung dahil lang ba sa buhok o ano. Noong pumasok din ako sa eskwela, bahagya pang nagulat nang mapagtanto na parehas kami ng school at strand. Ang liit ng mundo dahil kaibigan pa siya ng mga kaibigan ko or should I say ay kaibigan siya ng lahat? Halos lahat ng tao rito sa school ay kilala siya. Kahit nasaan siya’y may kakwentuhan at kausap but I always notice her being with certain guy.

“Hoy, crush mo si Cho?”tanong ni Carver na siyang napaupo pa sa tabi ko. Umiling naman ako dahil isa pa ‘tong malakas mang-asar, paniguradong hindi niya ako titigilan kung sakali.

“Carvs, tom ahh!”anang isang lalaki.

“G na ngayon, Loads. Pinsan ko nga pala, si Atlas. Tol, si Indigo.”malamig ko lang naman ‘tong tinignan at nagawa pangbmakipagkamay sa kanya.

“Gago, ‘tol, baka naman sikuhin ako niyang pinsan mo, parang may galit.”bulong ni Indigo kay Carver. Nagtawanan naman sila dahil do’n. Nailing na lang ako dahil mukhang alam ko na kung kanino nahawa si Carver sa pagiging maloko nito ngayon.

Kapag nakikita ko pa si Melchora’y madalas niya akong ngitian at kawayan. She’s friendly, I know that.

“Kaya pala nandito ka, nandito crush mo!”natatawang saad nina Bren sa kanya nang minsang mapunta sa basketball court kasama si Indigo na best friend lang naman pala niya.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now