Chapter 1

2.6K 63 2
                                    

Chapter 1
Melchora’s POV

“Chora!”malakas na sigaw ni Mima Lena, ang isa sa mga make up artist dito sa parlor ni Tito. Nakangisi ko naman siyang kinawayan habang tinataas pa ang hair iron na kinuha ko sa loob.

“Gaga ka! Ibalik mo ‘yan dito, Melchora!”malakas na sigaw ni Mima Joan, ang aking Tito. Hindi ko naman ‘yon pinansin at nanakbo pa habang nilalagay ang hair iron sa aking bag. Kunwari lang na ayaw akong pahiramin gayong sobrang dami kaya nilang gamit sa salon. Isa sa pinakakilalang salon ang kay Tito, madalas din kasing magtungo ang mga artista rito.

Malapad naman ang ngisi kong nagtungo sa bahay nina Jasmine, ang aayusan ko ngayong araw, mayaman ang ito, halos lahat naman ng nag-aaral sa school ay mayaman talaga.

“Good morning, Jas.”nakangiti kong saad sa kanya.

“Good morning din, Chora, kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo! Baka malate akp sa date ko nito.”aniya kaya napatawa na lang ako.

“Relax ka lang, Sis, laking panghihinayang no’n kung hindi ka niya hihintayin, lalo na’t ang ganda mo.”sabi ko na hinila siya para iupo. Nilabas ko naman na ang mga gamit na kinuha ko lang sa parlor. Pwedeng pwede itong magtungo sa parlor ngunit ayaw niya naman daw na bonggang bongga ang itsura kaya sa akin na lang.

Nagsimula naman na akong ayusan ang mukha nito. Maganda naman talaga siya kaya ang kailangan na lang ay bagayan ang mukha nito ng ayos. Nang matapos ako sa mukha’y sinunod ko naman ang buhok nito. Mas lalo ko lang denepina ang kulot niyang buhok then pak! Gora! Ganda!

Napangiti rin naman siya nang mapatingin sa salamin.

“Thanks, Chora! The best ka talaga!”aniya at niyakap ako ng mahigpit. Natawa lang akong lumayo at lumapit din naman para bulong.

“Momol proof ‘yan.”natatawa kong bulong kaya nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa akin at nahiya pang tinulak ako.

“Chora! That won’t happen!”nakanguso niyang saad kaya napatawa ako roon, kinindatan lang siya.

“Gaga ka, huwag ka ngang painosente diyan, akala mo ba hindi ko alam na nakipaghalikan ka no’n sa labi mong akala mo’y sinakmal ng lion?”natatawa kong saad. Mahina lang dahil baka marinig ng mga katulong niya at biglang magsumbong. Namumula naman ang mukha nito kaya napatawa na lang ako. Aba’t hindi naman sarado ang isip ko sa mga maagang natutunan ang mundo. Sila pa mismo ang nagkukwento ng experience nila.

“Sige na, alis na ako, Girl, ingat sa date, huh?”ani ko na nag-inat inat pa dahil nakaready ng aalis.

“Sakmalin mo agad.”sabi ko pa na natatawa.

“Paano?”sabi niya na hinawakan pa ang palapulsuhan ko. Sinabi ko naman ‘yong mga kwento no’ng ilang kaibigan sa school.

“Talaga? Ang galing mong magsalita, nagawa mo na ba ‘yan?”tanong niya na pinanliitan pa ako ng mga mata. Natatawa naman akong umiling, nasabi lang talaga sa akin.

“Zsa zsa Padilla, alis na ako, Sis.”paalam ko sa kanya.

“Alright, thanks for today.”nakangiti niyang saad at nagbulsa ng yellow bill sa akin.

“Gurl, salamat!”nakangiti kong saad. Hindi na ako magpapakipot pa dahil bakit pa nga naman, hindi ba? Barya lang naman para sa mga ito ang pera kaya sulitin na rin. Umalis na rin naman ako roon at nagtungo na muli sa salon.

Masama agad ang tingin ni Mima Joan sa akin, napanguso naman akong nagpatuloy sa paglalakad.

“Hehe, mabilis lang naman, Mima.”nakangiti ko pang saad at yumakap sa akin.

“Lumayo layo ka nga, Melchora, aba’t kung saan saan ka nanaman rumaracket!”pagalit na saad niya sa akin na siyang tinawanan ko lang.

“Mhie, huwag kang nagagalit nadadagdagan ‘yang wrinkles mo, sige ka.”natatawa kong sambit sa kanya.

Nginiwian niya naman ako dahil do’n at nagtangka pang kukurutin ako sa tagiliran ngunit agad akong lumayo. Si Mima Joan ang tumayong magulang ko simula no’ng pagkabata. Patay na ang Papa ko, hindi naman ako gustong akuin ng Mama ko dahil bukod sa may pamilya na ito, ginahasa siya ng ama ko. Hindi niya gustong makita ang mukha ko. Napangiti na lang ako ng mapait do’n. Naiisip ko pa lang ay sumisikip na ang dibdib ko. Ang sakit pa rin kapag naalala ko ang pagkamuhi nito tila ba ako ang may kasalanan.

Si Mima Joan, kapatid siya ni Mama, hindi rin tanggap sa pamilya nila dahil hindi gusto ng Papa nito ang gender niya. Sakit daw ng lipunan. Hindi ko alam kung tanga lang ang tao o ano, paanong sakit ng lipunan ang mga taong mas nagpapataas pa ng ekonomiya ng bansa? Nagtatrabaho ng marangal para sa pamilyang hindi sila matanggap tanggap?

“Ano nanaman kasi ang kailangan mo? Sabi ko naman sa’yo’y bibigyan kita ng pera!”sabi niya kaya napanguso ako at umiling.

“Ayos lang, Mhie, don’t worry about me.”ani ko.

“Oh, huwag kayo, english ‘yon.”natatawa kong saad sa mga baklang nandito sa salon. Nailing naman silang natawa sa akin.

“Lumalaki ka na talaga, kapag nagkajowa ka, huwag mo ng pataga—“bago pa masabi ni Mima Sunny ang sasabihin ay binatukan na siya ni Mima Joan. Napatawa naman ako roon, kung ano ano nanaman kasi ang ituturo niya.

“Ang ganda nga niyang pamangkin mo, Joan, pupwede mong ilaban ng pageant.”sabi no’ng isang customer namin dito.

“Ayy, hindi po ako pupwede roon, maliban po sa bobo ako, hindi naman po ako katangkaran.”natatawang saad ko sa kanya.

“Wala akong kilalang bobong tao, Hija.”nakangiti niyang saad sa akin.

“Pwes, may kilala na po kayo ngayon.”ani ko at ngumiti pa. Kinurot naman ni Mima Joan ang tagiliran ko. Hindi naman ako umalis dito sa upuan na katabi no’ng customer namin.

“Ang pretty niyo po,”nakangiti kong saad sa kanya.

“Nako, salamat, hija, ikaw talaga.”natatawa niyang saad.

“Ilang taon na po kayo?”tanong ko kaya bahagyang tumaas ang kilay niya pero sumagit din naman.

“45 na.”aniya kaya agad akong napatakip ng bibig.

“Akala ko po 30 lang kayo! Ang bata niyo pong tignan!”hindi ko makapaniwalang saad kaya napatawa siya sa akin.

“Nako, hindi naman.”natatawa niyang saad sa akin.

“Try niyo po ‘yong spa facial dito sa salon.  Mas lalo pong nakakabata ng mukha, baka po hindi na kayo makilala sa sobrang ganda niyo!”nakangiti ko pang saad.

“Talaga? Sige nga kapag natapos akong magpapedicure ay doon ako.”sabi nito kay Mima Joan. Nakangisi ko naman siyang kinindatan kaya palihim siyang natawa sa akin at nailing na lang din. Nagpatuloy naman ako sa pakikipagkwentuhan dito, nang tumayo siya’y nginitian na ako para magtungo sa loob.

“Uyy, Madame Aireen, magandang umaga ho!”nakangiti kong saad sa isang customer na kararating kasama ang anak niya.

“Oo, Hija, dito raw gusto ng anak kong samahan ako.”aniya kaya ngumiti ako at tumango.

“Pasok po kayo,”ani ko at inanyayahan sila.

“Mima Lena, nanditi si Madame Aireen!”sigaw ko kay Mima Lena dahil siya ang suki nito. Nagtungo naman si Mima Lena para salubungin ito.

“Spa massage ako, Lena.”anito, tumango naman si Mima Lena.

“My, dito na ako.”sabi ng anak niya, ngumiti naman ako nang lingunin niya ako.

“Do’n ka.”nakangiti kong saad at tinuro ang sofa rito sa waiting room. Tumango naman siya sa akin at ngumiti.

“Samaham mo na, Chora.”sabi ni Mima Lena at kumindat pa sa akin. Napangiwi naman ako room saka siya inirapan pa.

“Ilang taon ka na nga ulit?”tanong nito sa akin.

“16 po.”sambit ko kaya nginitian niya ako at tumango.

“Ilang taon lang pala ang agwat natin, kahit huwag ka ng mag’po’”aniya. Palihim naman akong napangiwi ngunit hindi ko pa rin naman ipinahalata.

“18 pa lang ako.”aniya pa. Sinong nagtanong? Nalibang ko na lang ang sarili at nakipagkwentuhan dito kahit na gustong gusto ko ng manood sa mga ginagawa nina Mima.

“Chora, halika nga rito, tulungan mo ako sandali.”sabi ni Mima Joan kaya agad akong napangiti, mabuti naman at naisipan din nila akong tawagin.

“Gaga ka talaga, kung kani-kanino mo nirereto ‘tong pamangkin ko.”kinurot pa ni Mima si Mima Lena habang binubulungan.

“Ikaw na nga ang nagsabi na gusto mong yumaman ‘yang pamangkin mo kaya mo nga pinag-aral sa st. Empire.”napatawa naman ako sa usapan nila at nailing na lang. Marami rin kasi talagang mayayaman doon. Well, si Tito lang naman ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral do’n ngayon. Mula bata ako’y hindi niya ako hinayaang mag-aral sa kung saan lang. Talagang sa abot ng makakaya niya pinag-aaral talaga ko sa kilalang paaralan.

Noong una’y mahirap talagang mag-adjust ngunit no’ng tumagal ay ayos lang din naman dahil marami rin akong naging kaibigan hanggang sa ngayon. Maraming maarte pero hindi rin naman maitatanggi na marami ring humble na mayaman do’n.

“Huwag kang mag-aalala, Mhie, maghahahanap talaga ako, kung hindi makakahanap, foreigner na lang.”natatawa kong saad kaya kinurot ako sa tagiliran ni Mima Joan.

“’Yan, maharot,”natatawang saad niya. Napatawa na lang din ako habang nag-aassist, nalilibang din ako habang pinapanood siyang nagkukulay ng buhok. Marunong naman ako, sa araw araw ko ba namang pagtambay dito sa salon kaya lang ay hindi naman magtitiwala sa akin ang ilang nandito sa salon dahil nga sina Mima ang binabalikbalikan talaga nila. Saka lang ako nakakatulong kapag ‘yong mga kasing edad ko lang din ang nagpapaayos.

Malawak ang salon ni Mima, maganda rin ang interior kaya nakakarelax talaga kapag nandito ka na sa salon.

“Chora, gupitan mo raw si Pogi.”sabi ni Mima Sunny.

“Opo, sandali lang po.”agad naman akong naexcite, marunong ako dahil pinagpapractice-an ko rin sina Mima at ang sabi nila sa akin, magaan daw ang kamay ko kaya ako ang gusto nilang naggugupit dahil mabilis humaba.

“Ayusin mo, Chora.”sabi ni Mima Joan.

“Opo, Mhie, relax, si Chora kaya ‘to.”natatawa ko pang saad kaya inirapan niya ako. Napatawa naman ako bago naglalad patungo sa gawi niya. Ilang hilera rin kasi ang upuan, marami ring stylist dito, lahat ‘yon close din ni Mima pero ang mga kasama niya na talaga noong nagsisimula pa lang ay sina Mima Sunny at Mima Lena.

“Si Pogi, low fade haircut daw.”senyas ni Mima sa gwapong nasa pinakagilid. Napangisi naman ako at kumindat pa kay Mima, nailing na lang siya sa akin, abalang abala rin sa kanyang inaayusan. Nakapikit ang lalaki, mahaba ang buhok nito, mukha ngang magpapagupit na dahil malapit na muli ang pasukan. Well, mukha kasing kaedad ko lang siya o baka naman baby face lang? Napakibit na lang ako ng balikat.

Mukhang deep sleeper din ang lolo mo dahil hindi man lang niya naramdaman nang ilagay ko ang cape gown. Sinimulan ko naman ng gupitin ang hanggang balikat niyang buhok, infairness, ang gwapo ahh. Mukha siyang hollywood star, mukhang may lahi.

“What the fuck are you doing?”tila na alimpungatan ‘to at napatayo sa akin.

Napatingin tuloy sa amin ang mga tao rito sa salon. Napatikhim naman ako dahil do’n. Inis niyang inalis ang cape at napatingin pa sa buhok niya.

“Ginugupitan ka po?”patanong na sagot ko dahil kung makatingin ito’y akala mo’y anytime kakainin ako.

“Gaga ka!”pabulong na saad ni Mima Sunny na napalapit sa akin.

“Bakit, Mima? Sabi mo gupitan ng low fade haircut?”tanong ko naman na napakunot ang noo.

“Sabi ko si Pogi!”sabi niya at tinuro ‘yong lalaking isang pagitan lang ang upuan malapit dito sa ginugupitan ko. Hindi naman gwapo, iba talaga type nitong si Mima.

“Linawin mo kasi, Mima! Siya lang naman ang gwapo rito!”nakasimangot kong saad at tinuro pa ‘yong lalaki na kunot lang ang noo habang nakatingin sa akin. Mukhang iritado pa rin dahil sa kanyang buhok.

“Sorry, Sir, kasalanan mo ‘yan gwapo mo e.”sambit ko pa.

“Sinasabi mo bang hindi ako gwapo, Miss?”tanong naman no’ng lalaki na gugupitan ko sana. Kasalan niya ‘to e! Kung sana sinabi niya na kanina pa. Tsk.

“May salamin na nga, Mister, hindi mo ba nakikita ang repleksiyon?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Kinurot naman ako sa tagiliran ni Mima Joan na kararating lang.

“Pasensiya na po, Sir. Pasensiya na talaga.”nahihiyang saad ni Mima rito.

“Gaga ka, anak ‘yan ni Georgiana, baka mamaya hindi na bumalik ‘yon dito gayong kakasubok niya lang sa salon. Laking kawalan.”pabulong na saad sa akin ni Mima Joan.

“Hala, sorry talaga, Sir… hindi ko po alam…”sambit ko na yumuko pa ng husto, aba’t hindi ko naman hahayaang mawalan ng customer si Mima no. Sayang nga rin takaga si Georgiana, sikat pa naman ‘yon, malaking exposure para sa salon kung sakaling magustuhan niya.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now