Chapter 29

755 31 1
                                    

Chapter 29
Melchora’s POV

Hindi ko naman na namalayan ang pagpatak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan ng yakapin niya ako ng sobrang higpit. 

“She saw me… nakakahiya ako…”umiiyak kong saad sa kanya.

“Shh… ang daming taong hangang hanga sa’yo, Love, isang subok mo lang ay nag-uwi ka na ng korona.”bulong niya sa akin.

“Koronang para lang sa mga talunang tulad ko.”umiiyak kong saad.

“It’s still a crown, it’s not a crown for loser, Love. It’s a crown for someone who fight fair and square for someone who did her best…”aniya na hinahaplos ang buhok ko.

“You did well…”sambit niya pa na hinayaan lang akong umiyak ng umiyak. Pakiramdam ko’y sirang sira na ang make up ko sa kakaiyak ngunit gusto ko lang iiyak ang lahat.

“She’s always been disgusted… sa akin… tangina naman… sabi ko I’ll make her proud of me pero bakit ganito? Kabaliktaran sa gusto kong mangyari…”humihikbi kong saad. Mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin. Nakinig lang siya sa mga gusto kong sabihin. Hinayaan niya akong ibuhos ang lahat. Nang kumalma na ako’y kinuha niya ang baby wipes sa pouch ko na dala dala niya.

“I know you don’t want to be seen looking like that…”aniya habang inaalis ang make up sa mukha ko.

“Don’t think too much, you’ll make your Mom proud someday. Kami nga proud na proud sa’yo.”sambit niya pa oara pagaanin ang loob ko.

“I don’t care if you won or even lose. For me you’re still Chora… My Cho…”aniya na ngumiti pa sa akin. Hindi ko naman magawang ngumiti dahil pakiramdam ko’y maiiyak nanaman ako.

Ang tagal naming nanatili sa dilim. Nang matapos magdrama’y tumayo na rin oara magtungo sa backstage. Mukhang wala naman na ang mga tao roon, ang ilang organizer na lang at sina Mima.

“Cho, saan ka nanggaling?! Magpapapicture pa lang kami, aba!”hindi mapigilang sambitin ni Mima Sunny. Hindi ko naman mapigilang mapanguso dahil paniguradong sesermonan nila ako dahil nag-alis na ng make up. Alam kong alam na nila ang nangyari nang makita ang itsura ko ngunit tinrato nila ako kung paano nila ako tratuhin ng normal. It’s their way para pagaanin ang loob ko. Medyo effective naman.

“Cho! Dali picture sandali.”aniya kaya naman napatango na lang ako. Niretouch nila ako sandali, napatingin pa kami kay Atlas nang magsalita si Mima.

“Sige na, Atlas, umuwi ka na.”sambit nina Mima dahil kanina pa may tumatawag kay Atlas.

“I want to celebrate with you, Cho, date tayo tonight.”aniya sa akin.

“Aba’t mukha ka nang wawarlahin ng Mama mo.”ani Mima Lena dahil kitang kita ang pangalan ng Mommy niya sa screen.

“I’ll answer this po but I’ll wait here, I really want to celebtrate with Chora po.”sambit ni Atlas. Nakatingin lang naman kami sa kanya habang nag-aayos ng madalian. Pinapanood ko lang ang ekspresiyon ng mukha niya, mukha na talaga siyang pinapauwi. Nang matapos ‘yon ay lumapit siya sa amin at ngumiti.

“Ayos lang kung tomorrow na tayo magcelebrate tutal ay medyo late naman na.”ani ko sa kanya ngunit umiling siya sa akin.

“Ayos na.”aniya na napakibit pa ng balikat.

Pagkatapos naming kumuha ng litrato, kanya kanya na rin kaming alis. Akala ko’y simpleng dinner lang ngunit nang makarating kami sa bahay ay may pasurprise sila. Mas lalo lang tuloy akong naguilty dahil hindi ko naman nagawa ng tama ngunit may paganito sila.

“Congrats, Cho!”malapad ang ngiting saad ng ilang kaibigan na nandito. Maya-maya lang ay may iniabot pa si Atlas ma bulaklak sa akin kahit na sobrang dami ko ng bulaklak na natanggap.  Our dinner became really fun. Thankful ako sa mga nakipagcelebrate sa akin. Kahit paano’y gumaan ang pakiramdam ko ngunit nang mahiga na’y hindi ko nanaman maiwasang isipin ang nangyari. I felt empty. Pakiramdam ko’y kahit na ano pang gawin ko’y hindi na maibabalik ang confident na Chora na mataas ang kumpiyansa sa sarili.

For days, ganoon lang madalas ang nararamdaman ko. Kapag nakikipag-usap sa ibang tao’y nawawala ‘yon ngunit kapag mag-isa na lang para kang kinakain ng lungkot at disappointment sa sarili.

Ngayong araw ang balik pasok muli namin sa school, I was walking in the hallway nang may mga narinig na mga bulungan tungkol sa akin.

“Maganda nga, bobo naman.”kung hindi lang ako masiyadong apektado sa mga katagang binibitawan nila ngayon baka sumabat na ako sa mga usapan ng mga ito at sambiting ‘Girl, atleast may ganda.’

“Mas bagay talaga si Atlas saka si Ginly,”

“Nakakahiya talaga siya.”

Nagsitawanan pa sila ngunit wala na akong panahon pa para balingan sila ng atensiyon. Dire-diretso lang ako sa paglalakad patungo sa classroom namin.

“Cho…”tawag sa akin nina Hannah.

“Kita mo ba post ni Ginly?”tanong nila sa akin at pinakita pa ang post ni Ginly sa ig niya. Litrato nila ni Atlas, mukhang celebration din. Mukhang hinintay talaga nila na dumating ito, they were trying to hard. Napakibit naman ako ng balikat dahil alam ko ‘yon, ayaw pa sanang umalis ni Atlas ngunit hindi siya tinatantanan ng kapatid at ng Mama niya kaya ako na rin mismo ang nagpaalis sa kanya. Mukhang hindi titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.

“Nagfefeeling nanaman siya, Sis, gustong gusto ata ng atensiyon.”natatawa nilang saad sa akin. Nailing na lang ako roon. Deserve niya rin naman dahil maganda at matalino siya. Mas bagay nga talaga sila ni Atlas…

Nakatanggap ako ng congrats mula sa mga kaibigan ko sa department namin, full support talaga ang mga ito. Hindi naman din kami halos nagklase kaya nagtungo na ako sa department nina Atlas ngunit hindi na rin tumuloy nang madatnang inaasar silang dalawa ni Ginly. Nakita ako ni Ginly ngunit malapad pa rin ang ngiti niya. Sa paraan ng pagtingin nito’y parang minamaliit ako o ganoon lang talaga ang nararamdaman ko? Hindi ako sigurado.

Imbis na tumuloy pa’y hindi na ako nagtungo pa sa department nila. Umuwi na lang din ako nang itext ko si Atlas.

“Mhie, hindi mo ba ako pupwedeng isama diyan sa bakasiyon mo?”tanong ko kay Mima nang sabihin niyang magbabakasiyon sa madrid. May fashion show kasi siyang pupuntahan at doon mananatili ng ilang araw.

“Gaga, may klase ka. Tapusin mo muna ‘yan at magbabakasiyon tayo sa bakasiyon.”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko at halos mapatalon pa sa tuwa.

“Really? Hindi ka talaga magpapalunod sa salon mo?”tanong ko pa sa kanya. Tumango naman siya kaya dinamba ko siya ng yakap.

“Mimas! Dinig niyo ‘yon, huh? Madrid here I am!”malapad ang ngising sambit ko kina Mima na siyang natawa lang. Sila ang maghahandle ng salon ngayon habang wala si Mima.

“Mhie, pero bakit mas lalo kang pumapayat? Huwag kang magdiet sa madrid, nako! Maghanap ka na ng Papi para naman busog lusog ka.”ani ko kaya kinurot niya ako sa tagiliran. Napahagalpak lang naman ako ng tawa dahil do’n.

“Gaga, porket pinapataba ka ni Atlas.”aniya sa akin habang nakatitig pa sa katawan ko.

“Hoy, grabe, Mhie, ang seksi ko po kaya!”natatawa kong saad sa kanya. Nagharutan lang kaming apat at kung ano ano pang mga pinag-uusapan.

For weeks wala si Mima at mas lalo namang lumala ang usap usapan tungkol kay Atlas at Ginly.

“Girl, malala na ‘yang si Ginly, kahit ata ipangalandakan ni Atlas na ikaw ang jowa niya’y hindi pa rin natitinag. Talagang umamin na, na si Atlas ang special someone niya.”sambit ni Zea habang pinapakita pa ang tweet ni Ginly sa akin.

“Alam niyo mas updated pa ata kayo sa buhay ni Ginly.”natatawa kong saad at napailing na lang sa kanila. Hindi na ako nagpupunta pa sa department nila dahil sobrang daming hindi marunong rumespeto ng relasiyon doon, kapag nadadaan ako’y talagang pinaparinig kung gaano nila kagusto si Ginly para kay Atlas. The fuck? May jowa ‘yong tao, sana naman kahit kaunting hiya’y magkaroon sila. Hindi ko pa nga alam kung sinasadyang iparinig sa akin o ano.

“Cho, sorry hindi ako makakasabay ngayon sa lunch. Research po.”ani Atlas nang sagutin ko ang tawag niya.

“Hmm, alright. Study well, Loads.”nakangiti kong saad.

“I love you, Loads!”aniya pa kaya napatawa ako ng mahina.

“I love you, always.”ani ko bago pinatay ang tawag. Dahil wala naman akong gagawin, I’ll just buy food for Atlas, mukhang abalang abala sila.

“Hindi nanaman sasabay sa’yo jowa mo, napapadalas na ‘yan ahh? Baka mamaya’y hiwalayan ka na niyan dahil mayroon namang reserba.”ani Hannah sa akin.

“Hay nako, ewan ko sa inyo!”ani ko na naiiling na lang. Madalas akong bantaan ng mga ito, palibhasa’y hindi pa ata nakakahanap ng matinong lalaki. Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang kilitasin si Atlas ngunit wala naman akong napapansin na iba sa kanya. Ganoon na ganoon pa rin siya sa dati. Minsan ay hindi talaga maiiwasang maging abala dahil parehas naman kaming may sariling buhay, hindi naman kailangan na nasa isa’t isa lang ang ikot ng mundo.

Nang makabili na ako nang makakain. Wala na akong pakialam pa sa mga tao sa department nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa room nito. Agad ko naman siyang nakita kasama si Ginly. Matagal akong natigilan sa pagkakatayo ko at hindi rin sigurado kung dapat ko ba siyang lapitan. Humigpit lang ang pagkakahawak ko sa paperbag, akala ko ba’y abala ‘to sa research. Bakit sila magkasamang kumakain ni Ginly kung ganoon?

Maraming katanungan ang gustong itanong ngunit walang lakas ng loob para kwestiyunin ito. But still, I trust Atlas, he’s my boyfriend after all. Palapit na rin sana ako nang makitang may tumatawag mula sa cellphone ko. Napakunot naman ang noo ko nang makitang si Mima Sunny ‘yon.

“Cho!”dinig na dinig ko ang hagulgol nito kaya hindi ko maiwasang magtaka at mag-alala.

“Mima, bakit po? Iniwan nanaman po ba kayo ng boyfriend niyo?”tanong ko pa sa kanya dahil madalas naman siyang umiiyak sa akin ngunit this time, hindi siya nagbiro o tumawa man lang ng tanungin ko ‘yon.

“Chora, ang Mima Joan mo…”umiiyam niyang saad na halos hindi pa maintindihan. Doon naman lumakas ang tibok ng puso ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang banggitin niya ang Mima ko.

“Ano pong nangyari?”tanong ko. Hindi na mapakali sa kinatatayuan.

“Ang Mima Joan mo, Nak…”hindi niya maituloy tuloy ang gustong sambitin. Hindi ko naman alam kung paano ako kakalma dahil maski ako’y kinakabahan na rito.

“Wala na ang Mima mo, Cho… iniwan niya na tayo…”humahagulgol na saad ni Mima. Natigilan naman ako roon at nabitawan na ang mga hawak. Ang luha’y hindi na nagpaawat pa habang nananakbo ako palabas ng department nina Atlas.

Walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko habang naghihintay ng masasakyan. I can’t lost her… the person who know me the most. The person who’s always there for me… ‘yong taong hindi ako iniwan noong mga panahong walang may gustong kumuha sa akin… noong mga panahong walang gustong magmahal sa isang tulad ko.

No… please no… I don’t want to lost my Mima… huwag naman po, please… huwag naman po…

Ulit ulit lang ipinagdadasal habang tahimik na umiiyak sa isang gilid. No… please… ayaw ko… paano ako? She promise me na magmamadrid pa kami. Ang sabi niya’y hindi niya ako iiwan. I want to see her reaction when she’s the proudest among the crowd kapag nakilala na ako. Bakit? Bakit naman mawawala sa akin ‘yong isang taong sobrang importante sa buhay ko… bakit? Bakit lahat na lang ay iniiwan ako?

“Mima, no… huwag po…”umiiyak kong saad nang makarating sa bahay. Paulit ulit hinihiling na pinaglalaruan lang nila ako. Na nang-aasar lang ang mga ito. Na sana… sana hindi totoo…

Nang makapasok ako sa loob, kita ko sina Mima Sunny na umiiling lang sa akin. Parehas silang humahagulgol ni Mima Lena. Para akong nanghinang napaluhod na lang sa sahig ng bahay habang patuloy lang sa pag-iyak.

Sabi nga nila, kahit paulit ulit mong hinihiling, kapag hindi para sa’yo, kapag nangyari na hindi na maibabalik pa…  ang daya dahil sa araw na ‘yon. Nawala ‘yong isa sa mga taong kakampi ko sa putanginang mundo…

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now