Epilogue

2K 72 11
                                    

Hi! Dito na nagtatapos ang avoid! Thanks for your time! And if ever you feel unwanted, always remember na mayroong isang taong gusto kang manatili. I hope na may natutunan kayo kay Cho kahit paano. Salamat kung nakaabot ka hanggang dito. I love you all! Mwaps!

Epilogue
Atlas’ POV

“Hi, hello, mamayang gabi, handa ka na bang mapuyat?”tanong niya kaya nagtawanan ang mga guest na nandito sa loob ng simbahan. Hindi ko rin maiwasang matawa sa kaniyang tinuran. Ang lakas magsalita ng isang ‘to ngunit napakaaga naman kung matulog.

“I can’t believe I’ll be marrying today, handa na akong maging misis mo araw araw.”aniya pa na malapad ang ngisi. Ako rin. Ang tagal kong hinintay na pakasalan siya at bumuo ng pamilya kasama siya, and finally, ngayon ang simula ng araw na ‘yon. Kahit ako, hindi pa rin makapaniwala na pakakasalan siya ngayon.

When we were in college, our relationship aren’t perfect. Madalas na magtalo sa maliliit na bagay. Parehas kaming pikon kahit na parehas ding mapang-asar sa isa’t isa.

“Ang gwapo niya no?”nakangisi niyang tanong, nang-iinis naman. Nilayo ko lang naman ang pinapakita niya sa akin. Model mula sa ibang bansa.

“Ano ba, Chora, hindi ka titigil?”inis kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin ng malapad mukha nga talagang walang balak huminto.

“May abs pa, sayang hindi ako englisher.”kung ano ano pang pinagsasabi niya, nakikinig ako ngunit nagkunwari na lang na nasa pinapanood ang tingin. Humagalpak pa siya ng tawa nang makitang pikon na pikon na ako sa kanya.

“Parang sira, ikaw lang naman gusto ko.”aniya na tinutusok pa ang tagiliran ko. Parang sira.

“Alam ko.”ani ko kaya ngumiti siya ng malapad at para nanaman kaming balik sa normal. Maraming bagay na ayaw ito. Madaling mapikon ngunit madali lang din naman magpatawad tila ba ayaw niyang nag-iipon ng sama ng loob.

“Carver, may pageant si Cho, punta kayo.”sambit ko sa kanila. Agad naman nila akong kinantiyawan dahil do’n.

“Sus, ganyan ka ba kapatay na patay kay Chora, grabe na ‘yarn, loads.”ani Carver sa akin. Malapad naman ang ngisi ko, proud ako roon.

Para akong nag-aadvertise sa mga kaibigan na magtungo sa isang concert para lang suportahan ‘to, well, marami naman din kasi talaga siyang kaibigan.

“Para saan ‘yan, Kuya?”tanong ni Madel nang makita niyang abala ako sa paggugupit ng kung ano sa kwarto.

“Banner.”simpleng sambit ko.

“Para kay Ginly?”tanong niya kaya kumunot naman ang noo ko at bahagya pang tumaas ang kilay.

“Lalaban din ang girlfriend ko, full support ako roon.”ani ko kaya matagal lang na nakatingin sa akin si Madel bago siya umalis. Ako ang nag-asikaso ng ilang t-shirt at maski ang headband na pinaghirapan kong gawin na siyang pinanood sa youtube.

“Shit, Atlas, daig mo pa ang isang fanboy sa lagay mong ‘yan.”natatawang saad nina Bren nang makita ang suot ko. Napakibit naman ako ng balikat.

“Hindi nakakabakla ang pagsuporta sa girlfriend.”ani ko kaya napatawa naman sila sa akin.

“Wala na kaming sinabi! Grabe ka, ganyan na ba ang tingin mo sa amin?”tanong pa nila na humawak pa sa dibdib, nagkunwaring nagdadrama. Napailing na lang naman ako sa kanila. Pinahawak ko pa ang ilang banner sa mga kaibigan ni Cho na kararating lang. Nagtungo ako sa backstage kalaunan. Hindi ko mapigilan ang ngiti dahil ang ganda talaga nito. Lagi.

When I saw her ramp? Gusto kong ipagmalaki sa lahat na akin ‘yan. Punong puno ng sigawan, sinisigaw ang pangalan niya. Maski ako, siya rin ang sinisigaw… ng puso.

“Shit, girlfriend ko ‘yan.”bulong ko sa sarili habang nakatitig sa kanya. Para akong nabalik sa pagkalove at first sight dito.

Noong question and answer at nakita ko siyang nakatingin lang sa direksiyon ng Mama niya? Gusto kong umakyat doon at sabihing ayos lang ang lahat. Pumalakpak ako, I’m proud her to stand there bravely.

Alam na alam ko kapag malungkot ‘to, sinusubukang mas ilapad ang ngiti kahit ang totoo? Gusto niya ng umiyak. Gusto niya ng magpahinga. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Sobrang galing niya, hanga ako sa kanya. I’ll be always that one person who will support her no matter what. I’ll do whatever I can to be that person.

“Kuya, tapos ka na riyan? Paturo naman ako rito, hindi ko gets!”ani Ginly nang lumapit sila sa akin ng mga kaibigan niya. Tumayo naman ang ilang kasama ko sa research dahil kanina pa namin ‘to ginagawa at ayaw din ng distraction.

“Next time na lang, Ginly. Abala kami ngayon.”ani ko sa kanya.

“Oh… ganoon po ba, Kuya? Sige po…”aniya sa akin. Hindi ko naman pinansin ang lungkot sa tono nito. Napakunot naman ng noo ko nang bumalik siya na siya na lang mag-isa, ni wala pang ilang minuto.

“Kuya, pinabibigay pala ni Manong photographer ‘yong pic ni Ate Chora.”sambit niya na pinakita pa ang litrato ni Chora mula sa pageant. Kinuha ko naman ‘yon sa kamay niya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa litrato ni Chora. Ang ganda talaga. Ang lapad ng ngiti niya rito at hindi man lang makikitaan ng kaba ang mukha.

“Thanks.”hindi na mawala ang ngiti ko sa kabila ng pagod na nararamdaman. Ngumiti rin naman siya pabalik sa akin.

“Cho?”

Napatingin ako sa tumatakbong si Chora palabas ng department namin, agad akong napatayo sa kinauupuan ko at pinulot muna ang phone niya. Natapon na rin ang laman sa paperbag na dala niya. Pinulot ko ang phone dahil may nagsasalita pa roon. Kita ko ang name ni Mima Sunny sa screen.

“Hello po, Mima?”patanong na sagot ko. Napag-alaman ko na wala na ang Mima nito.

“Atlas! Saan ka pupunta?!”malakas na sigaw ng ilang kasama ko sa research.

“Kailangan ako ni Cho.”takbo ko habang palabas ng department namin. Naabutan ko siya sa mismong bahay na nila. Kita ko siyang halos nakasubsob na sa sahig sa panlulumo at panghihina. Hindi rin siya huminto sa paghagulgol. Si Chora laging malakas ‘yan, kahit na umiiyak na’y pigil na pigil pa rin kaya ngayong nakikita ko siyang mahina, para rin akong nawawasak sa tunog ng iyak niya. Ganoon lang siya buong araw. She’s just crying the whole day at no’ng magsawa na. Tulala na lang sa kabao ng kanyang Mima.

“Kuya, pinapauwi ka na ni Mommy.”ani Madel mula sa kabilang linya.

“Dito muna ako, Madel, pakisabi kailangan ako ni Chora.”ani ko sa kanya.

“Kuya, panay Chora na lang ang naririnig ko sa bunganga mo!”hindi ko pinansin ang naging turan nito.

And when Cho tried to broke up with me? I don’t know what to do. Hindi ko gusto ang ideyang makipaghiwalay sa kanya.

“Ano, Atlas? Hindi ka nanaman papasok?”tanong ni Mommy sa akin nang makota patungo ako kina Chora para pakiusapan muli ito na huwag niya akong hiwalayan. Alam kong pagod lang siya.

“Kuya, huwag ka ng magpakatanga pa!”ani Madel sa akin. Paulit ulit na nilang sinasabi ni Mama ‘yon, hindi ba sila napapagod?

“She’s giving you to Ginly because her Mom ask her to!”ani Madel sa akin. Doon ako natigilan. Agad naman ngumisi si Madel tila ba sinasabing tama siya.

“Talaga bang pinamigay mo ako?”tanong ko, agad nalaman ang mga sagot sa tanong nang makita ang mga mata nito.

“Fuck, Cho… hindi mo ako pagmamay-ari na pupwede mong ipamigay na lang sa ibang tao.”or so I thought?

Akala ko hindi nga ako nito pagmamay-ari ngunit nakita ko na lang ang sarili na naglalakad nanaman patungo sa kaniya. Gumagawa nanaman ng paraan para balikan niya ako.

“Alam mo kung nasaan siya?”tanong ko kay Indigo, tikom lang naman ang bibig nito. Walang balak magsalita.

Hindi siya active sa social media kaya itong si Indigo lang ang source ko, minsan ay mahirap pang kausapin.

“Nasa probinsiya ‘yon ngayon, bigay ko sana sa’yo number kaya lang ay baka bukas lang ay paglamayan na ako.”natatawa niyang saad sa akin. Kalaunan ay nalaman ko rin kung nasaan siya, wala akong balak manggulo o puntahan ‘to, basta ang gusto lang ay malaman kung nasaan ‘to. Isang taon na ganoon, madalas ay nakikibalita lang ako ng tungkol sa kaniya.

“Sama ka, Nak, huh?”tanong ni Mommy sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya. Ayaw niyang magpadrive ngayon para sa shoot kaya ako ang kinukulit nito.

Nang makarating kami sa pagdadaungan ng shoot, naroon na rin ang mga tao, tahimik lang ako habang hinihintay si Mommy. Binabalikan ang tweets ni Cho sa twitter, hindi ko maiwasang matuwa kapag tinitignan ko ‘yon. Naalala lang kung paano kami nagsimula.

“Nak!”tawag sa akin ni Mommy nang makalapit siya. May kasama ‘tong matandang babae. Mukhang director dito sa shoot.

“This is Direct Kate, kailangan ng magkacameo sa isang scene baka gusto mo.”ani Mommy sa akin.

“Sige na, Hijo, bagay na bagay ka sa scene na ‘to.”nakangiting saad sa akin no’ng director. Tatanggi na sana ako ngunit napatingin ako sa poster ng movie na gagawin nila. This type of movie ‘yong mga gusto ni Chora. Sa hindi ko malamang dahilan, napapayag ako.

Tumunog ang pangalan ko dahil sa movie’ng ‘yon hanggang sa marami ng nag-ooffer sa akin, ang mga tao’y naging kuryoso pero isang tao ang gusto kong makaalam.

“Hoy, kita ko si Chora, pinapanood ka.”ani Indigo sa akin. Hindi ko alam kung pinagtitrip-an lang ako nito but knowing I still have connection with Chora makes me alive.

Naging abala ako sa mga shoot, minsan ay nagagawa kong magtanong kay Indigo ngunit panay kamuritan lang ang sinasabi nito.

“Huwag ka ng umasa, may boyfriend na ‘yon na kasama, kita ko noong pumunta ako roon.”aniya. Nagkunwari lang ako na wala lang ‘yon pero ang totoo? Kuryosong kuryoso na ako tungkol sa kaniya.

Nabalitaan ko rin na nagtatarabaho na ito, hindi ko lang maiwasang humanga lalo na nang malaman na nagtatrabaho na siya sa Gina’s Salon. Mukhang hanggang ngayon ay inaabot niya pa rin ang pangarap niya.

“What do you think, Atlas? What do you like? Mima’s Salon?”tanong no’ng producer namin. Salon ng Mima niya ‘yon, doon ako madalas dahil akala ko, roon siya babalik. Isa pa sikat ang salon ng mga Mima niya hanggang ngayon.

“Hmm, can we have Gina’s Salon instead?”tanong ko. Bahagya silang nagulat ngunit tumango rin kalaunan.

“What’s wrong, Atlas? May mali ba sa service namin? Bakit biglaan naman ata ang paglipat mo?”tanong sa akin ng Tita ni Cho, ang nagmamanage nitong salon.

“I just want something new.”sabi ko naman at napakibit ng balikat.

Hinabol naman ako ni Mima Lena nang palabas na ako.

“Balitaan mo ako.”aniya tila alam kung bakit ako lilipat ngayon. Tumango naman ako roon.

Noong nakita ko siya muli? Hindi ko maiwasang matulala dahil ang ganda niya pa rin, mas lalo lang lumabas ang ganda. Hindi na ako magtataka kung tama nga si Indigo na may boyfriend na ‘to pero sana… sana wala.

“Good morni—“hindi niya natuloy ang sasabihin at halos mapatulala sa akin, hindi ko maiwasang matuwa dahil do’n kahit paano’y may epekto pa rin pala ako sa kaniya. Hindi ko tuloy maiwasang itanong kung bakit niya ako iniwan kung ganoon?

And just like that, ang tadhana na ang gumawa ng sunod sunod na interaksiyon naming dalawa. Well, ako rin pala.

“Uyy, Atlas, ano?”tanong sa akin no’ng kasama kong artista nang mawala ako sa linya ko dahil nanonood siya. Kita ko pa na nasa akin ang titig nito, paano ako kakalma kung ganoon?

Nakakainis pa dahil hindi ko maiwasang makialam lalo na kapag nakikita ko ‘tong may kasamang iba. Tangina naman, Atlas, ex ka na nga kung makapagreact ka pa riyan.

Tawang tawa siya habang nakikipagwisikan ng tubig kasama si Cruix sa dagat, napasimangot na lang ako dahil akala ko ba’y boyfriend niya ‘yong Aaron? Ang dami masiyadong nagkakagusto sa kaniya. Hindi ko sila masisisi dahil bukod sa maganda ‘to, mabait pa at masayang kasama. Kaya lang kahit anong pigil kong mainis, hindi ko magawa.

Ang ending tuloy ay sinubukan kong pahirapan ‘to ngunit hindi rin naatim nang makota na siyang umiiyak habang sinusumbatan ako.

“Is it really that good to use your power over me? Oo na, Atlas! Alam ko ng mas mataas ka pero putangina naman, ang tagal kong pinaghirapan na makapasok dito!"aniya. That’s when I realize na putangina, oo nga pala, hindi nga pala sa akin ‘to. Hindi ako pupwedeng umastang ako mo nobyong selos na selos dahil una sa lahat hindi niya ako nobyo.

Bukod sa guilty ako, gusto ko ring bumawi sa mga pinaggagawa ko.

“Ano? Hindi ka pa rin pinapansin? ‘Yan, tanga ka e.”natatawang saad ni Indigo nang tawagan niya ako. Nailing na lang ako dahil kahit kailan ay chismoso talaga ang isang ‘to.

“Suyuin mo, hindi naman ‘yon nagtatanim ng galit kahit kanino.”aniya. Alam ko. Knowing Chora? Mapatawa mo lang ‘yon, bati na kayong dalawa. Hindi nga ako nagkamali, hindi ko maiwasang matawa dahil hindi pa rin pala nagbabago ang ugali niyang ganoon.

Nang magkaayos kami’y hindi ko siya tinantanan pa, aba’t pakiramdam ko’y nagiging boarder ako ng bahay niya.

Cho @Prettychora: Tangina nitong ex ko, patay na patay pa rin ata sa akin amp.

Hindi ko mapigilang magulat nang makita siyang nagtweet, nakanotify sa akin ang twitter account nito. Napangiti na lang ako dahil do’n. Medyo lang. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang reply niya kay Carver na hindi lang daw ako ang ex niya, sino pa?

“Atlas, shoot na, mamaya na phone diyan.”sambit sa akin ng manager ko. Tumango na lang ako at inayos na ang scene ko para mabilis matapos.

Cho @Prettychora: Did you know? Kapag daw niregaluhan mo ng sapatos ang isang tao, maari ka raw takbuhan #funfact #Dagdagkaalaman #Badluck #hehe #walalang #kasabihan

“Kuya Franco…”tawag ko kay Kuya Franco nang mabasa ko ang tweet ni Cho.

“Bakit, Atlas?”tanong ni Kuya sa akin.

“Totoo bang kapag binigyan mo ng sapatos ang isang tao, tatakbuhan ka?”tanong ko sa kaniya. Natawa naman siya dahil sa tinuran ko.

“Tinakbuhan ka na ba ni Chora, Atlas?”tanong niya. Alam niya dahil nakita niyang dala dala ko ‘yong sapatos noong nilagay ko sa tapat ng kwarto nina Chora. Sinubukan ko pa tuloy na magtanong sa ibang tao.

“Bakit? Sino namang magtatangkang takbuhan ka?”natatawang tanong sa akin ng isang staff sa akin.

“Believe me, Ate, kahit ilang beses ay kayang kaya niya ‘yong gawin.”sambit ko kaya naman nang-aasar nila akong tinignan.

“Ang sabi ng mga matatanda. Ganoon nga ang paniniwala nila, hindi nga lang ako sigurado.”sambit ng isang staff. Napatango naman ako dahil do’n.

Sinubukan ko tuloy kunin kay Cho ngunit tinawanan lang ako ng isang ‘to. Halatang nang-aasar lang sa kaniyang tweet.

Nang magtungo kami sa abroad, hindi ko maiwasang matuwa dahil kahit paano ay napunan ko ang pangarap nitong makakita sa personal ng snow. It was one of the most memorable trip na nagawa ko.

“Sinong kasama mo sa london?”tanong ni Mommy nang makauwi kami ni Cho galing ng london.

“Si Chora, My. Future manugang mo, My.”natatawa kong saad bago ako naupo sa sofa para magpahinga. Agad naman nanliit ang mga mata nito nang tignan ako.

“Ano?”tanong ni Mommy sa akin at lumapit pa. Natawa na lang ako at napailing sa kaniya. Mas lalo naman siyang nangulit.

“Paano si Ginly?”tanong ni Mommy sa akin.

“Anong gagawin ko kay Ginly, My?”tanong ko naman na nasa phone ang tingin, ang ganda kasi ng ngiti ni Atlas dito. Ramdam ko ang tingin nina Mommy sa akin kaya tinignan ko sila. Kung sino sino ang nirereto ni Mommy sa akin, kahit mga kasama siya sa showbiz ngunit hindi rin naman niya ako magawang mapilit. Hindi ko na lang din pinansin ang tingin nila sa akin.

“Saan ka pupunta, Atlas?”tanong ni Kuya Franco nang makitang nagmamadali akong umalis.

“Uuwi na ako, Kuya.”sabi ko dahil nabasa ang text ni Cho.

Cho:

Let’s end it.

Ayos pa lang kami bago ako umalis kaya hindi ko maiwasang isipin kung anong mali, ano na naman ang dahilan kung bakit gusto niyang ihinto ang namamagitan sa aming dalawa.

“Hindi pupwede, Atlas, ako ang malalagot nito panigurado.”seryosong saad ni Kuya Franco sa akin ngunit mas desidido akong umalis ngayon.

Paalis na ako ngunit walang mahanap na sasakyan at hinarang din ni Kuya Franco ang lahat, dumagdag pa ang producer naming ayaw magkaroon ng problema.

“Matagal pa ba ‘yan?”tanong ko dahil nakakainip habang naghihintay dito sa set lalo na’t hindi nagrereply sa text ko si Cho, ganoon din kapag tinatawagan ko siya. Hindi naman mapakali dahil sa akin si Kuya Franco, paano’y kada minuto ata’y tanong ako ng tanong.

Gusto pa nila akong isama sa party ngunit hindi na ako nagtungo pa, agad akong dumeretso sa bar kung nasaan si Cho, nalaman ko lang kay Carver dahil chismoso rin ang isang ‘yon.

Nang makarating sa bar, agad kong nakita si Chora na siyang nakikipagtawanan sa mga kaibigan namin noong senior high. Dire-diretso ako nang lumapit do’n. Agad naman akong binati ng mga kaibigan at tinanong kung bakit hindi ako sumama party.

“Hindi ako dumalo, I have some business here.”ani ko at nilingon pa si Chora na siyang hindi man lang ako nilingon. Umupo ako sa tabi niya ngunit hindi man lang ako pinansin. Hindi siya uminom o ano, katunayan ay tahimik lang siyang nakamasid sa mga kaibigan. Ni hindi ako nito nilingon kahit ng maiwan kaming dalawa. Gustong gusto ko siyang kausapin ngunit maski nang makauwi na kami’y hindi niya ako hinayaang kausapin siya.

Sinabayan pa ng issue sa media ang away naming dalawa, away na hindi ko naman alam kung ano ang pinagmulan, hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. Naging abala ako sa pag-asikaso ng gusot dahil pinatawag ako ng agency, gusto pa nilang ideny ang tungkol sa amin ni Cho at palabasing wala lang ang lahat ng ‘yon.

“Mas maganda kung ganoon ang gagawin, Atlas.”seryosong saad sa akin ng president ng agency. Hindi naman ako pumayag doon. Hindi ko gusto ang ideyang ‘yon. Si Chora ang dahilan kung bakit ako sumali sa showbiz, I won’t fucking deny that I like her, katunayan ay ‘yon pa nga ang gusto kong mangyari.

Gusto akong pabalikin ng manager ko sa condo kung saan ako nakatira dahil masiyadong maraming reporter sa pinagtutuluyan ko ngayon ngunit gusto kong makausap si Chora. Sinubukan ko na ring kausapin pa ang kaibigan nitong si Juls.

“Hay nako, Atlas, huwag ako ang kausapin mo, alamin mo kung anong mali sa’yo, aba.”sermon nito.

“Ang dami mong kasalanan kay Chora, maliban sa sumugod ang Mommy mo at binuhasan siya ng tubig. Saka may girlfriend ka na’t lahat lahat nagagawa mo bang lumandi kay Cho! Huwag mong paasahin ‘yong tao dahil tahimik na ang buhay niya.”aniya pa. Sermon ang inabot ko roon. I’m glad na may mga kaibigan siyang lubusan kung mag-aalala sa kaniya. Gulat naman ako sa balitang sumugod si Mommy roon.

“My, did you really do that to Cho?”seryosong tanong ko kay Mommy nang pumasok ako sa loob ng sala at nadatnan ko sila ni Madel. Ngayon ko lang nalaman ‘yon.

“Do what?”tanong naman niya na tumaas pa ang kilay.

“Sumbungera pala talaga ‘yang---“hindi naituloy ni Madel ang sasabihin nang makita ang mukha ko.

“Ituloy mo.”sambit ko kaya tinikom niya ang bibig niya at hindi na nagsalita.

“My, sinabuyan mo po ng tubig? Para ano? Para lumayo sa akin?”tanong ko sa kaniya.

“Ginawa ko lang ‘yon para sa’yo, Anak!”aniya naman.

“My, kahit hindi mo gawin, ipinagtatabuyan na po ako, baka sa susunod maski buhok no’n hindi ko na masulyapan pa…”mahinang sambit ko sa kaniya bago tumalikod. Ayaw kong saktan si Mommy at magbitaw ng masasakit na salita.

“What happened?”kunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Chora na punong puno ng itlog, pakiramdam ko’y ako ang dahilan no’n.

Nilinaw ko ang lahat sa media, I don’t want anyone to bother her dahil wala naman siyang ginawang masama, ginusto ko lang naman kasi siya.

“Fuck, I miss you, Cho…”sambit ko nang sa wakas ay nagkaayos na kami. Pagkatapos kong ipagsigawan sa buong mundo na nililigawan ko siya. Balik ulit kami sa dati ngunit ngayon ay hindi ko na kailanman gusto pa siyang bitawan kaya noong kausapin siya ng Mommy niya, hindi ko maiwasang kabahan dahil alam ko kung gaano niya ‘to kamahal to the point na kaya niya akong ipamigay. Mabuti na lang ay hindi dahil hindi ko alam kung ano pang gagawin ko kung sakali.

And now, she’s my wife, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. She’s really mine. Finally.

“Nak, sorry sa nagawa ko… I just really want the best for you… kita ko kung paano ka nabigo dahil ay Melchora, nakita ko rin na iba ang tingin mo sa kaniya, siguro’y ayaw ko lang talagang mawalan ng baby boy pero syempre darating at darating ka sa puntong ‘yon…”sambit ni Mommy sa akin.

“Congrats, Anak, magiging asawa ka na…”aniya sa akin kaya napangiti ako.

“Thank you, Mommy.”sambit ko at niyakap din ‘to. Ilang guest pa ang bumati sa akin at pasasalamat lang naman ang sinukli ko.

Si Chora’y abalang abala sa pakikipag-usap sa ilang kaibigan niya, hinayaan ko dahil mamaya lang ay akin ‘to. Napangiti ako nang makita ang ngiti nitong noon lang ay nagsisilbing kaniyang maskara ngunit ngayon ay isang napakagandang palamuti mula sa kaniyang mukha.

Shit.

Is she really my wife?

That’s my home… my Cho…

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now