Chapter 46

939 30 1
                                    

Chapter 46
Melchora’s POV

“Girl, pinaglihi ata sa sama ng loob ‘yang si Jana.”bulong sa akin ni Ava na narinig naman ni Jana kaya napatawa ako ng mahina.

“Ano?”kunot noong tanong ni Jana na masama pa ang tingin kay Ava. Napatawa naman kami ng mahina ni Juls do’n ngunit ang ending maski kami ay sinupladahan nito.

“Tigil tigilan niyo ako.”aniya na nagwalk out pa ngunit tinawag din naman si Ava para sumunod sa kaniya.

Maya-maya lang ay nagstart na rin naman kaming maging abala sa trabaho. Nakikita ko pa ang ilang tinginan sa akin ng mga katrabaho namin, hindi naman na rin kasi lingid sa kaalaman ko na ayaw ng mga ito sa akin dahil akala nga ng iba nakapasok lang ako dahil kay Ms. Lea. Mas lalo na panigurado ngayong naissue ako bilang isang third party pa.

Knowing people pa naman? Paniniwalaan lang ng mga ito ang gusto nilang paniwalaan, wala silang pakialam kung totoo ba o hindi basta ang gusto’y may napag-uusapan. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil nga artista si Atlas at sikat na sikat pa naman ang isang ‘yon.

“Tatayo ka na lang ba riyan?”kunot noong tanong ng isang artista sa akin. Isa sa mga vip ito rito sa salon kaya halos lahat ay takot sa kaniya. Sikat na sikat din kasi, kung matatandaan ko’y nakasama ni Atlas ito sa isanh shoot. Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag ngayon dito.

Agad akong dumalo sa tabi niya, napatingin naman si Jana na siyang katabi ko ngayon dito, ako ang assistant niya ngayon. Bahagyang kumunot din ang noo nito.

Uumpisahan ko na sana ang paglalagay ng toner sa mukha nito nang tabigin niya ang kamay ko kaya nalaglag ang hawak.

“Tanga ka?”tanong niya sa akin kaya bahagyang kumunot ang noo ko sa inasta nito. Nagpigil na lang ako at nagawa pang ngumiti sa kaniya. Baka natabig lang at hindi sinasadya ngunit nainis lang nang magpatuloy siya sa ginagawa. Halatang sinasadya niya, may galit nga ata sa akin. Kumunot pa ang noo ko nang malakas niyang hinampas ang mga kamay ko.

Nagulat na lang din ako nang nasa tabi ko na si Jana. Napakagat ako sa aking labi dahil paniguradong ako nanaman ang sisisihin nito.

“Ano ba? Tatanga tanga ba talaga ‘yang empleyado niyo, huh?”kunot noong tanong niya kay Jana.

“Sobrang sensitive ng skin ko! Namumuls na! Stupid!”aniya na inirapan pa ako.

“Talagang mamumula ‘yan kapag sinampal kita kaliwa’t kanan.”bulong bulong ko na narinig niya kaya nagawa ko pang ngumiti.

“Kita mo na?! Ganyan kabastos ang empleyado niyo rito!”malakas na sigaw niya at agad nanlaki ang mga mata ng dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Kita ko naman ang galit sa mukha ni Jana kaya inihahanda ko na ang tainga rito.

Wari’y papasukan na ng langaw ang bibig nang makita kong sampalin pabalik ni Jana ang kliyente namin dito. Nilapit niya pa ang mukha habang hawak hawak ang baba nito, pinagmamasdan mabuti ang galit na mukha ng babae.

“Parang hindi naman e? Isa pa para talagang mamula.”anito kaya walang sabi sabing hinila no’ng vip ang buhok nito. Dahil likas naman na sa dugo ni Jana ang pagiging maldita, nakipagsabunutan din ‘to.

Nakita ko naman ang patakbong si Ava na siyang hinihingal pa nang pumasok.

“Anong nangyari?”tanong niya na pumagitna pa. Lumabas ang pagiging bonifacio ni Gaga ng ihiwalay niya si Jana sa batikang artista.

“Pasensiya na po, Miss. May lahi po talagang maldita ang isang ‘to.”hingi ng paumanhin ni Ava.

“Bakit ka hihingi ng paumanhin gayong hindi naman pinapahintulutan sa salon na ito ang pang-aabuso?”malditang tanong naman ni Jana pabalik. Kumunot naman ang noo ni Ava at nilingon ako na para bang nagtatanong. Nagkibit balikat lang naman ako at hindi siya sinagot.

“Sinampal lang naman ng isang ‘yan ang best friend mo pero kung pipigilan mo talaga ako ay sige.”ani pa ni Jana kaya kumunot ang noo ni Ava at nilingon pa ako pabalik sa babae.

“Aba’t gaga ka pala e!”malakas na sigaw ni Ava at hinila pa ang buhok no’ng babae. Ganoon din si Jana na siyang hindi rin nagpaawat kahit na anong awat ko sa kanilang dalawa. Halos kaladkarin na kaya nila ito.

Kumalma lang nang dumating na sina Ms. Lea sa loob. Walang katutak na sermon ang inabot naming tatlo, winarning-an din kami nito na kapag daw nagreklamo ‘yon at siniraan ang salon kami raw ang mananagot. Naawa naman ako kina Jana at Ava na siyang nakipag-away lang naman dahil sa akin.

“Ako po ang may kasalanan, Ms. Lea, ako po ang mananagot kung sakali man pong may mangyaring kung ano.”sambit ko kay Ms. Lea ngunit pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Laging mabait si Ms. Lea sa akin ngunit mukhang hindi ngayon.

“Talagang ikaw. Hindi porket tinanggap kita rito, Ms. Benavidez, you’ll take it for granted. Akala mo ba ito ang unang beses na may nagreklamo tungkol sa’yo? Ang dami kong natatanggap na reklamo galing pa sa mga vip client!”aniya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang pagkagat sa aking mga labi.

“This is a warning for the three of you.”seryoso niya pang saad bago kami iniwanan dito. Umalis na rin naman si Jana, minamalditahan pa rin kami.

“Gaga, kung masisisante rin naman ako, sana pala ay sinulit ko na, mabait pa akong kaunti at hindi ko siya kinaladkad.”ani Ava na siyang hinampas ko na.

“Magtigil ka nga riyan, Ava. Ewan ko sa’yo.”sabi ko na naiiling na lang din sa kaniya. Lumabas na rin naman kami at balik nanaman sa pagtatrabaho. This day is extra long, bukod sa mga katrabaho akong kung magbulungan ay dinig na dinig ko rin, ang nga kliyente namin ay talagang pinag-iinitan din talaga ako.

Ang dami ring hindi pamilyar na mukha na nagagawa pa akong tanungin kung ano nga ba ang relasiyon ko kay Atlas. Hindi ko naman ‘yon magawang sagutin dahil maski ako hindi sigurado kung ano nga ba talaga kami pero sabi ko nga once na malaman ko na sila talaga ni Ginly, ihihinto ko kaya lang ay mukhang doon naman ako nagkamali dahil hindi nga sila. May article kasi na nilabas ang agency ni Atlas na nagsasabing hindi sila ni Ginly.

“Pero, Sis, bakit ngayon lang? Ang daming beses niyang pwedeng ideny na hindi sila.”ani Ava nang palabas na kami. Napaisip naman ako roon, bakit nga ba? Hindi ko rin alam.

“Pucha!”tili ni Juls kaya napatingin agad ako sa kaniya. Gulat siya nang may magbato ng itlog ngunit mukhang naduling lang dahil para sa akin talaga ‘yon.

“Walanjo, kakaretouch ko lang!”inis na sambit ko na napatakip pa sa mukha. Hindi lang ata limang dosena ang dala ng mga ‘to dahil sunod sunod ang pagbato nila sa gawi namin nina Melly. Pati tuloy silang tatlo ay nadamay. Talagang nag-abang ang mga ito sa paglabas ko rito sa salon at may baon pang itlog. Sinubukan ko pang sumalo tutal ay madungis naman na ako para may pang-ulam bukas, sakto at wala na akong stock. Marami silang pera para magtapon.

May mga hawak hawak pang banner na mukhang kabilang sa fansclub nina Ginly at Atlas. Nakasalo ako ng limang itlog nang matapos sila. Aba’t mabuti na lang ay may supot ako sa bag para kung sakaling biglang makikipalanit ay pupwedeng magbalot. Half joke.

Hindi pa nakuntento ang isang babae nang lapitan niya ako at hilain ang buhok na puno ng itlog.

“Walanghiya ka talaga, napakalandi mo!”malakas na sigaw niya sa akin. Pucha, ilang beses ba akong madadali ngayong araw? Hindi ako nakatiis at hinila ko rin ang buhok nito.

“Pucha, bukod sa kakacurl ko lang, hindi prituhan ang buhok ko, Sis!”malakas kong sigaw. Ang mga kaibigan ko’y nagawa ring makipagsabunutan sa ilan pang fans. Ang ending tuloy, imbis na may maiuuwing itlog, sama ng loob ang iuuwi ko ngayon.

“Ang hirap kumaibigan ng maganda, aba’t instant war ang hanap.”sabi ni Melly na pabiro pa akong inirapan. Napatawa naman ako ng mahina dahil do’n. Napailing na lang ako dahil dito. Nagawa pa naming mag-asaran kahit iba iba na ang landas. Sinamahan pa ako ni Juls nang pauwi na para raw may kasama akong makipagsabunutan kung sakali.

“Ate, masamang tao ka ba?”tanong sa akin nang isang babae nang makaupo sa jeep, ang daming lumalayo sa amin ni Juls dahil parehas kaming punong puno ng itlog sa katawan, kulang na lang ay harina at pupwede na kaming gawing friend people.

“Huh? Bakit mo naitanong?”tanong ko sa kaniya.

“Mukha kang corrupt na pinababa sa sa pwesto.”natatawang saad nito.

“Deserve kung ganoon.”natatawa ko ring saad pabalik. Kung corrupt ako at hahagisan ng ganito, kulang pa, Sis. Nagawa ko pang makipagchikahan sa babaeng nakatabi sa jeep.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa eskinita papasok sa apartment.

“Hoy, thank you!”sambit ko kay Juls na hindi alam kung paano siya pasasalamatan.

“Lakas mo sa akin e. Saka may bayad ‘to! Ilibre mo ako bukas!”aniya kaya inirapan ko lang. Umalis na rin naman siya kalaunan.

Nagpatuloy naman na ako sa paglalakad. Mayroon pa ring mga taong nang-uusisa mula sa labas ng eskinita ngunit marami na ang guard ngayon at mukhang ang ibang reporter naman ay nasa tapat ng agency na nina Atlas. Mabuti na lang ay may alam pa akong daan kaya nang makarating sa loob ay mas lalo lang akong nanlagkit lalo na’t malapit na sa bahay.

Hinahalughog ko na ang susi ng apartment ko nang matigilan dahil sa taong nasa tapat.

“Atlas…”gulat na bulalas ko nang makita ko siyang nasa tapat ng apartment ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawang takasan ang ilang reporter na nasa labas?

Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin.

“What the hell happened to you?”tanong niya sa akin. Napakibit naman ako ng balikat nang tuluyan ko nang makuha ang susi sa bag. Dire-diretso na sana ako sa pagpasok sa loob ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.

“Ano?”kunot noo kong tanong at hinila pa ang kamay bago ako nagpatuloy sa pagpasok.

“Who did that to you?”masama ang tingin niya habang nasa akin ang mga mata. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa, nakaramdam naman ako ng kaunting kahihiyan dahil dito. Bakit naman kung kailang nandito siya, ganito ang itsura ko?

“Hulaan mo.”natatawa kong biro at hihilain pa sana muli ang kamay ngunit mukhang wala siyang balak makipagbiruan sa akin ngayon.

“Tigilan mo ako, Melchora.”aniya sa akin na seryosong seryoso ang mga mata.

“Wala ‘to, ano ba? Nakipaglaro ako kina Ava kanina, nagdive kami sa itlog.”pagpapalusot ko na alam ko namang hindi makakalusot lalo na sa itsura nito ngayong parang handang handa na makipag-away. Parang bawal ding magjoke sa itsura niya ngayon.

“Papasok na ako at madaming reporter sa labas baka mamaya’y malink nanaman ako as your kabit. Pakyu ka, hindi mo man lang ako ininform na kabit pala ako, ang lakas ko pang magmafeeling na hindi pa rin nawawala ‘yang feelings mo sa akin.”natatawa ko pang biro. Iniiba na ang usapan.

“I told you, I don’t have aby relationship with Ginly. I don’t do cheating, Cho.”lumamlam ang mga mata nito habang nakatingin sa akin ngunit napatikhim lang ako at nagtangka sanang papasok muli ngunit naharang niya na ako.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap, Melchora.”sambit niya.

“Pucha, kailan ka ba matatapos? Lagkit na lagkit na ako!”inirapan ko pa siya dahil do’n.

“Who did that?”tanong niya na nanliliit ang mga mata.

“My fans?”seryosong tanong niya.

“Oo, fans mo. Ano? Pupwede na bang pumasok?”tanong ko muli sa kaniya. This time, hindi niya ako hinarang o hinawakan man lang ang palapulsuhan ko. Dinig ko ang buntong hininga galing sa kaniya bago ako tuluyang makapasok sa loob.

Nagawa ko pa siya muling silipin ngunit mukhang wala na siyang balak pang kausapin ako dahil tuloy tuloy na siya sa paglalakad paalis ng apartment ko. Hindi ko alam kung ani nga ba talaga ang trip niya sa buhay.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now