Chapter 3

1.3K 47 0
                                    

Chapter 3
Melchora’s POV

“Tita, wala pa po si Indigo?”tanong ko sa Mama ni Indigo. Kanina pa ako nandito sa sala ng bahay nila. Ang tagal niya!

“Nandito na, Loads.”nakangisi niyang saad at tinakip pa ang kamay sa akin.

“Kakatae ko lang.”aniya pa kaya nanggagalaiti ko siyang tinignan.

“Pucha naman, Indigo!”malakas kong sigaw nang makalabas kami ng bahay nila at halos masuka suka ako dahil dito. Kadiri talaga ang hinayupak na ‘to. Patawa tawa naman siya habang nakatingin sa akin.

“Susuntukin ko ‘yang mukha mo, bobo!”sigaw ko na nanakbo pa para lang suntukin siya. Natatawa naman din siyang tumakbo patungo sa court dito sa village not.

“Oh, bakit nagsama ka ng girlfriend? Daya! May cheerleader!”sambit ni Bren.

“Baka malas kamo.”sabi pa ni Indigo kaya nginiwian ko siya. Nilibot ko naman ang mga mata para hanapin ang ipinunta ko rito. Malapad agad ang naging ngiti ko nang makita si Atlas na siyang nagwawarm up na. Agad ko siyang nilapitan kaya kunot noo niya akong tinignan habang nasa gilid niya.

“Hi, tagarito ka pala?”tanong ko habang nakangiti sa kanya. Hindi niya naman sinuklian ang malapad na ngiti ko bagkus ay nagshoot lang siya sa ring. Napanguso naman naman ako dahil do’n.

“Lagi ako rito!”nakangiti ko pang saad.

“Hindi ako tagarito,”aniya kaya napangisi ako.

“Sabi ko na nga ba e! Edi sana nakikita kita, ang gwapo mo kaya!”malapad ang ngiting saad ko sa kanya. Hinila naman ako ni Indigo.

“Bobo, paano kapag hindi na ‘yan nakipaglaro sa amin dahil nagpakita ka?”tanong niya sa akin.

“Edi wala na akong libre?”tanong niya, ‘yon lang pala ang inaalala ng hinayupak.

“Bobo, hindi ‘yan, crush din ako niyan.”natatawa kong saad sa kanya. Nginiwian niya naman ako nang natatawa.

“Bahala ka, ayusin mo ahh, basta ‘yong libre ko sa lunes, aba.”aniya pa. Tumango tango lang ako at napailing sa kanya. Napakakuripot. Nang bumalik kami’y kita ko ang tingin ni Atlas. Sabi ko na nga ba crush ako nito e. Napatawa naman ako bago siya kinindatan, napanguso ako nang inirapan niya lang ako at hindi pinansin.

“Oh, Cho, nandito ka pala.”nakangiting bati sa akin no’ng ex crush ko, tropa ni Indigo na malapit lang ang bahay dito, si Mateo.

“Kaya pala nandito ka, nandito crush mo!”natatawang saad nina Bren sa akin. Alam nilang crush ko noon si Mateo, hindi na updated ang mga ‘yan.

“Oo, kaya umayos kayo.”natatawa ko namang saad sa kanila at nilingon pa ulit si Atlas na parang wala namang pakialam sa lahat. Mukha lang siyang napilitan na sumama dahil niyaya. Hindi ko naman tinatanggi na mahilig ako sa gwapo, sino bang hindi? Ang dami kayang fafa sa St. Empire.

“Uyy, nandito ka pala, Cho!”nakangiting bati sa akin ni Lara. Kapatid ni Bren, mukhang may crush din dito kaya napangisi ko siyang pinalapit sa akin.

“Sino diyan?”tanong ko na malapad ang ngisi sa kanya.

“Anong sino diyan, Ate?”nakanguso niyang tanong.

“’Yong crush mo?”pabulong kong tanong.

“Si Kuya Atlas, Ate…”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko at mas lalong lumapad ang ngisi.

“’Di ba? Ang gwapo! Tapos tignan mo pa ‘yong bicep, Mhie, parang kayang kaya kang ihagis sa kama.”natatawa kong saad.

“Ate!”nanlalaki ang mga matang saad nI Lara at napatakip pa sa kanyang tainga. Napahagalpak naman ako ng tawa sa nagong reaksiyon nito.

“Hoy, Cho! Ano anong tinuturo mo diyan sa kapatid ko ahh?!”malakas na sigaw ni Bren. Napatawa naman ako roon.

“Pero akala ko ba si Kuya Mateo ang crush mo, Ate?”tanong niya sa akin.

“Hindi na, ex ko na ‘yan.”ani ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

“Naging kayo? Bakit hindi mo po ata naikwento?”tanong niya sa akin.

“Ex crush.”natatawa ko namang saad kaya nawala ang excitement niya at nailing pa sa akin.

“Minsan gusto ko na lang talagang maging tubig.”ani ko kay Lara habang pinagmamasdan si Atlas do’n.

“Baka bottle, te.”natatawa namang ani Lara. Umiling naman ako.

“Tubig para kapag makikita niya ako’y tila ba’y uuhawin siya.”nailing na lang si Lara sa akin. Parang gusto na rin nitong takpan ang tainga niya kaya napatawa ako.

“Uuwi na kayo?”tanong ko kina Atlas nang matapos silang maglaro, bakit ang bango pa rin nito kahit pawis? Ang gwapo pa rin.

“Oo, sabay ka na sa akin?”nakangiting tanong ni Mateo, kung crush ko pa ‘to’y talagang matutuwa ako kaso hindi na. Napatingin naman ako kay Atlas na inihahanda na ang gamit.

“Sa salon ka, Cho? Sabay ka na kay Atlas palabas ng village.”sabi sa akin ni Indigo kaya napangisi ako. The best talaga kapag sa kalandian ‘tong bestfriend ko.

“Oh, sige!”sabi ko na napatango pa.

“Pwede namang ihatid ka nanamin.”sabi nila sa akin. Agad naman akong umiling, please lang, huwag kayong manira.

“Ayos lang ba, pre?”tanong ni Indigo kay Atlas. Nilingon ako ni Atlas, malapad ang ngiti kong tinignan siya.

“I don’t think so, medyo malayo rito ang amin.”aniya, kasama rin ang pinsan niyang si Carver, hindi nagsasabi ang isang ‘to na may gwapo pala siyang pinsan. Napanguso naman ako, gusto pa sanang ipilit ang sarili ngunit hinila na ako ni Indigo.

“Awwe, sige kung ganoon.”sabi niya at tumango.

“Ako na ang maghahatid.”sabi niya kina Mateo kaya napanguso akong sumunod sa kanya.

“Sayang!”reklamo ko habang pabalik kami sa bahay nila.

“Don’t push your luck so much, next time naman.”natatawa niyang saad. Napairap na lang ako, sana nga may next time pa dahil baka hindi na bumalik pa ‘yon.

Katulad nga nang inaasahan ko, hindi na ito nakilaro pa kina Indigo sa mga sumunod na linggo, bored na bored tuloy ako, wala man lang kasing gwapo. I mean may itsura naman ang mga ito kaya lang ay iba talaga ang mukha ni Atlas, kahit na hindi ko siya nakikita, nakakakalap naman ako ng impornasiyon tungkol sa kanya galing sa pinsan nitong si Carver, ang sabi’y kababalik lang daw nito galing sa ibang bansa at tagakabilang village lang, sa village sure. Nag-isip naman ako kung sino ang madadalaw do’n.

“Pwwde rin si Caroline.”nakangisi kong saad sa sarili. Mahilig sa make up ‘yon, paniguradong gugustuhin niya akong isama sa bahay nila lalo na kung makikipagdate siya.

“Si Caroline na?”tanong ni Indigo na nasa tabi ko.

“Balak kong magpunta sa village sure, may kilala ka ba do’n?”tanong ko.

“Huwag ka ng mangarap diyan, Cho, ang lawak ng village sure, hindi mo rin makikita si Atlas do’n, hindi ‘yon lumalabas ng bahay, maliban na lang kung kasama si Carver.”aniya kaga napanguso ako.

“Ang lakas mong magpayo sa mga kaibigan mong babae na huwag maghabol pero hobby mo na, kapag nagustuhan ka naman ay turn off ka na agad, ano na lang ba ang gusto mo?”tanong ni Indigo na naiiling habang nagmomobile legends nanaman.

“Si Atlas.”natatawa kong saad at kinuha na lang ang plantsang dala ni Bella, ako na ang nagplantsa sa buhok nito.

“Girl, matayog ang standard ni Atlas, hindi tayo pasok do’n.”sabi ni Bella habang inaayusan ko siya.

“Edi pababain.”natatawa ko namang sambit.

“Pero, Mami, huwag ka, mukha palavarn ‘yon. Yummy pa ng lips.”ani Bella kaya napatawa ako.

“Sinabi mo pa.”ani ko.

“Wait, natikman mo? Kailan? Saan? Bakit?”tanong ko sa kanya.

“Gaga, hindi pa no!”napatawa naman kaming parehas doon.

“O, pak, ‘yarn na, ang pretty mo lalo.”sabi ko nang iharap siya sa akin.

“Cho! Ako rin, pa retouch naman, Sis!”ani Michelle na mula sa kabilang section. Agad namang lumapad ang ngiti ko roon. Papasok na sana siya sa loob ngunit agad ko siyang hinarang at inilingan.

“Let’s go to your room instead.”nakangisi kong saad kaya pinanliitan ako nito ng mga mata.

“Sino nanaman ang gusto mo roon, Chora?”natatawa niyang tanong sa akin.

“Si Mateo pa rin ba? Nako, huwag ka na roon.”aniya pa habang naglalakad kami patungo sa room nila.

There's somebody out there who's looking for you
Someday he'll find you I swear that its true
He's gonna kiss you and you'll feel the world stand still
There's somebody out there who will

Natigilan naman ako habang naglalakad sa classroom nila, agad akong napatingin sa kumakantang si Atlas. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso habang nakatingin sa kanya. Ano ‘yan, Melchora? Love at first hear? Napatitig ako kay Atlas na siyang hindi nanaman nakabutones ang uniporme habang ang may hawak na gitara, napapalibutan siya ng mga kaibigang lalaki.

Ang mga kaklase niyang babae’y nakatingin lang sa kanila, hindi ko naman mapigilang mapanguso habang nakatitig sa kanya. Nang lingunin niya ako’y agad lumapad ang ngiti ko at kumaway pa sa kanya. Huminto naman siya sa pagkanta at napairap na lang bago umupo sa upuan niya. Malapad naman ang naging ngiti ko na sumunod kay Michelle.

“Mat, binibisita ka ni Chora.”kinurot ko naman sa tagiliran si Michelle dahil napatingin sa amin ang grupo nila Atlas. Si Atlas lang ata ang hindi lumingon. Suplado talaga.

Nang-asar naman ang mga kaibigan ni Mateo ngunit wala na akong gusto rito, expired na.

“Sana all may bumibisita, baka naman pupwede mo akong ireto kay Bella, Cho.”sabi sa akin ni Jay.

“Pasensiya pero ‘di ko nirereto ang kaibigan sa babaero.”ani ko na napakibit ng balikat. Naupo naman na ako para simulang ayusan si Michelle. Kinuha ko lang ang pouch nito at nagsimulang ayusan siya.

“Girl, last night, nahuli ko ang jowa ko na may kinakasamang iba. May kahalikan pa sa kalsada.”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Ano? Aba’t anong ginawa mo?”tanong ko habang inaayos ang eyelashes niya.

“Wala, hinayaan ko na pero nakipagbreak na ako,”aniya kaya agad akong napangiwi.

“Bago ka sana nakipagbreak gumanti ka sana muna sa boyfriend mong cheater.”ani ko sa kanya.

“Gaga, hindi na, hayaan mo na.”sabi niya kaya mas lalo akong napangiwi. Inayos ko ang make up niya bago ko siya hinila patayo.

“Halika, punta tayong stem.”ani ko at ngumisi.

“Hindi ko gusto ‘yang iniisip mo, Cho.”sabi niya na agad umiling sa akin.

“Saan kayo pupunta, Cho?”tanong ng ilang klase nila sa amin.

“Hoy, hindi ko gusto ‘yang ngisi mo, tawagin niyo si Indigo, may gagawin nanamang kung ano ang best friend niya!”ani Carver na tinawanan ko lang.

Nagtungo naman kami sa stem, parehas pang napaawang ang mga labi naming dalawa nang makitang may kaholding hands na ito.

“’Yan ba ‘yon?”tanong ko sa kanya.

“Hindi ko alam na si Liana pala ‘yon…”naluluha na saad ni Michelle. Aba’t best friend niya ‘tong si Liana mula grade 10 sila at alam nito na sila ni Michelle.

Ang turo sa akin nina Mima, kapag niloko ka, iwan mo pero bago mo iwan gupitin mo muna ang ari ng mga asong hindi makuntento sa isa.

“Oh, Mhie,”nilahad ko ang gunting na nasa pouch niya kanina. Mukhang gamit niya ‘yon panggupit para sa mga stationary arts niya. Naupo naman ako sa isang upuan habang nakangising pinanood si Michelle, malaki ang simpatya ko sa mga taong naloko kaya naiintindihan ko sila, sa araw araw ba namang umiiyak ang mga Mima ko dahil sa mga lalaking walang bayag na gusto lang ay pera at kasikatan ng mga ito. Hindi na nahiya, ang papangit naman.

“Nagawa mo pa talagang magloko, sa pangit mong ‘yan?”natatawa kong saad sa boyfriend ni Michelle. Napatingin naman sila sa amin. Nanlaki agad ang mga mata ni Liana at inalis ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki. Aba’t alam naman pala. Galit na galit namang hinila ni Michelle ang buhok no’ng babae at ginupitan ang mahaba nitong buhok. Hindi ko naman maiwasang natawa roon.

“’Yang boyfriend mo next, kalbuhin mo, ‘yan ang panggigilan mo.”natatawa pa akong pumalakpak. Nagsisitilian naman na ang nga estudyante sa loob dahil sa ginawang paggupit ni Michelle. Napangisi naman ako bago ko siya hinawakan sa palapulsuhan dahil mukhang wala pang balak huminto kahit nagkapanot na ang boyfriend niya.

“Next time, ari mo na ang puputulin nito, tangina mo.”sabi ko nang natatawa bago kami lumabas sa classroom nila. Napatikhim naman ako nang makitang nasa labas sina Atlas, kasama sina Carver na siyang nanlalaki ang mga mata kay Michelle. Si Atlas ay nasa akin naman ang nga mata. Napatikhim naman ako at tinago ang gunting na kinuha kay Michelle.

Hala, baka matakot ‘to, hindi na ako jowain. Half joke.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now