Chapter 14

929 37 0
                                    

Chapter 14
Melchora’s POV

Imbis na umuwi’y para akong tangang sumunod sa kanila. Aba’t hindi ko alam na pangarap mo pa lang maging stalker, Chora. Kapag may nadadaanan sila ay humihinto. Napairap na lang ako habang tinitignan si May na siyang patawa tawa pa habang kausap si Atlas.

Maya-maya lang ay bumili sila ng ticket para magtungo sa sinehan. Patago tago naman ako sa paper bag na hawak at lumapit din sa may counter.

“Miss, ganoon din po sa ticket nila.”ani ko at tinuro sina Atlas na kaaalis lang. Nagtataka namang nakatingin sa akin ang kahera, napatikhim naman ako roon bago nagsalita.

“Boyfriend ko po ‘yon, Miss...”ani ko at nagsimulang gamitin ang acting skill.

“Hindi ko akalaing gagawin niya sa akin ‘to.”humihikbi ko pang saad, gusto kong puriin ang sarili sa galing kong umarte.

“Minahal ko siya ng sobra pero ganito lang ang igaganti niya sa akin…”ani ko pa. Mukha namang naawa sa akin ang babae kaya ibinigay niya ang ticket sa akin.

“Kaladkarin mo, Ma’am.”aniya pa kaya napatawa ako ng mahina nang tumalikod. Hindi ko alam kung mahihiya ako para sa sarili o matatawa na lang talaga sa mga kagagahan. Agad naman akong naupo sa may dalawang pagitan mula sa likod nila. Nawala naman ang atensiyon ko sa kanila dahil maganda pala ang movie. Infairness, kung sino man ang namili sa kanila’y kahit paano’y may taste naman when it comes to movies.

Nalibang na rin ako sa pagkain ng popcorn, ni hindi ko na nga alam kung ano bang pinaggagawa nila Atlas ngunit nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Huwag mong sabihing naghoholding hands din sila sa ngayon.

“Miss, tabi!”anang isang lalaki, hindi ko na namalayan na napatayo na rin pala ako. Agad akong napatago sa upuan ko nang makita kong napatingin sa gawi namin kung saan ang komusiyon sina Atlas. Doble doble naman ang kaba ko, ilang segundo pa akong ganoon kaya kita kong nawiweirduhan na sa akin ang mga tao sa sinehan. Hindi ko naman pinansin ang mga tingin nito.

Natapos naman ang movie at agad akong sumunod sa papalabas ng si Atlas at May. Napatawa pa ako sa sarili dahil hindi ko mabitawan ang hawak hawak kong paperbag, maya-maya rin akong sumisilip doon dahil sa takot na may mahulog.

Maski noong kumain sila’y nakasunod lang ako. Aba’t napakain din tuloy ako ng wala sa oras. Hindi ko alam na ganito pala kagastos ang pangsstalk, nakakatakam kapag kumakain ang mga ito kaya naman napapagastos din ako.

Nang matapos sila’y nagtungo pa sa mga botique, para pa akong action star na kapag napapalingon sila sa gawi ko’y mabilis akong nakakatago sa mga damitan. Takang taka tuloy ang mga sales lady sa akin. Hindi nila alam kung matatawa ba sila o ano. Maski ako’y natatawa na lang sa sarili sa kung ano anong ginagawa ko.

Maski nang magtungo na sila sa parking lot ay nakasunod pa rin ako. Napatago pa ako nang mapatingin sila sa gawi ko. Mabuti na lang ay mabilis ako, napasilip pa muli ako. Agad na nanlaki ang mga mata nang makitang tumingkayad si May para halikan si Atlas at kung minamalas ka nga naman, talagang sumakto pa ang malakas na pagriring ng cellphone ko.

Agad akong napatago nang lumingon sila sa gawi ko, napapikit na lang ako habang pinapatay ang tawag. Lupa, kainin mo na ako please. Idagdag mo pa ang nagkandahulog na make up dahil sa sobrang taranta ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang habang pinupulot ay may paang nakita sa harapan, matatakot na sana ako dahil akala ko’y multo ngunit mas natakot nang makitang si Atlas ‘yon habang nakataas ang kilay sa akin. Kita ko rin sa gilid niya si May na siyang masama ang tingin na para bang gusto niya na akong patayon. Parang gusto na akong gilitan nito ng buhay.

Napatikhim naman ako, pinulot muna ang mga product na nahulog bago tumayo, tinago ko naman ang kabang nararamdaman at ngumiti pa ng malapad sa kanila.

“Uyy, hi! Nandito pala kayong dalawa! Nagdate kayo?”nakangiti kong tanong.

“Why don’t you ask yourself, mukha namang kanina ka pa nakasunod.”nakangising saad ni May.

“Uyy, grabe, kailan? Kakakita ko lang sainyo.”maang-maangan kong saad.

“How will you explain this then?”tanong pa ni May at pinakita ang picture na palihim niyang kinuha kay Atlas habang nasa likod naman ako at sarap na sarap pa ang kain ng burger. Napatikhim na lang ako dahil ang dami niyang stolen na kinuha at halos lahat ay nandoon ako.

“Aba’t ang kapal din ng mukha mong kumuha ng litrato kay Atlas!”ani ko na ayaw ding magpatalo, aba’t hindi ako magpapatalo kung kay May lang din. Masamang tingin naman ang ibinigay niya sa akin. Ganoon din ako sa kanya.

“Stop it, Chora, why are you following us?”kunot noong tanong sa akin ni Atlas, napanguso naman ako dahil mukhang iritado na ito ngayon.

“Let’s go, May, stop following us, Melchora.”seryosong saad ni Atlas sa akin, ngumisi naman si May dahil sa tinuran nito, mukha pa siyang tuwang tuwa dahil siya ang kinampihan nito, hindi ko naman mapigilan ang pag-irap doon habang pinapanood silang tinatalikuran ako at sumakay na sa kotse. Naging mahigpit naman ang hawak ko sa mga paperbag nang ipaharurot ni Atlas ang kotse niya, nilagpasan ako. Ramdam ko naman ang pangingirot ng puso dahil do’n. Hindi ko kailanman naramdaman ito sa mga ex crush ko, ayos lang sa akin kahit may gusto silang iba dahil crush ko lang naman.

Gusto niya ba si May? Of course, Chora, hindi naman siya mag-aaksaya ng oras kasama ito ngayon kung hindi. Medyo naguilty naman ako dahil mukhang nasira ko ang date nila. Ang tanga mo, Cho, bakit ba kasi sumunod ka pa? Kahit gaano mo kagusto ‘yong tao, hindi tamang para kang stalker na sunod ng sunod sa kanila. Creepy mo.

Bagsak ang balikat na lang akong naglakad palabas ng parking lot. Napanguso ako nang makitang tumatawag muli sina Mima, hindi ko nasagot ang tawag ng ito kanina dahil nga abala pa sa pagtatago.

“Hello po, Mima?”bati ko kay Mima Joan.

“Aba’t bakit mo ako pinatayan ng tawag na bata ka? Saka nasaan ka na? Anong oras na? Hindi ka pa rin umuuwi! Ano pang ginagagawa ko diyan? Hindi ka pa ba tapos?”sunod sunod na tanong nito.

“Pauwi na po ako, Mima, dideretso na rin po ako diyan.”ani ko. Ganoon na nga ang ginawa ko pagkagaling ko sa mall. Tuwang tuwa naman sila habang tinitignan ang mga binili ko habang ako naman ay medyo namomroblema tungkol kay Atlas. Sinubukan ko naman ‘tong itext dahil kinakain ako ng konsensiya dahil sumunod sunod pa talaga sa kanila.

Ako:

Hi, sorry kung sinundan ko kayo kanina :(

Ako:

Hehe, sorry din kung naudlot kiss niyo

Well, sa part na ‘yan, hindi ako guilty. Napanguso naman ako sa sariling naisip, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sarili o ano.

Ako:

Enjoy your remaining hours

Ako:

I mean enjoy sa date

Ako:

Sorry ulit

Ang dami kong text noong gabing ‘yon ngunit hindi niya rin naman nireply-an kaya ngayon ay nandito ako sa kusina namin habang nagbebake ng cookies. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagtungo pa sa village sure, well, sinundo naman ako ni Jasmine, aayusan ko rin kasi siya at dadaan na rin ako kina Carver mamaya dahil nakita ko ang my day niya kanina na nasa bahay nila si Atlas.

“Para sa akin ba ‘yan?”tanong pa ni Jasmine habang malapad ang ngiting nakatingin sa cookies ko. Agad ko namang nilayo sa kanya kaya pinaningkitan niya ako ng mata.

“Ang daya naman nito!”natatawa niyang saad at hindi na rin naman kinuha pa ‘yon.

“Para nanaman ba ‘yan kay Atlas? Aba’t hindi ka ba nagsasawa kakahabol sa isang ‘yon? Parang wala rin ‘yon balak gustuhin ka.”aniya kaya diniin ko ang bulak na hawak sa pimple niya. Napanguso naman siya dahil do’n.

“Yes, Ma’am, mananahimik na po.”natatawa niyang saad kaya marahan ko na lang siyang inayusan. Aba, alam ko naman na wala nga talagang balak si Atlas na gustuhin ako katunayan ay mukhang madalas pa siyang inis kapag nakikita ako pero ano nga ba kasing magagawa ko? Siya ang gusto ko.

“Pero, Sis, hindi ba nakakapagod?”tanong niya pa sa akin. Napakibit naman ako ng balikat doon. Minsan. Madalas hindi, worth it kaya kapag nakikita ko siyang ngitian ako. Aba, Chora, ang galing mong mag-advise na dapat alam nila ang worth nila pero eto ka ngayon, pabalik balik sa tapat ng bahay nina Carver.

Ayaw kong magdoorbell, nakakahiya, baka isipin ay bigla bigla na lang akong nagtutuwa sa kani-kaninong bahay. Hintayin ko na lang na lumabas. Nagdadalawang isip din ako kung ichachat ko ba si Carver o ano.

“Chora, anong ginagawa mo rito?”napatalon naman ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Binuksan ni Carver ang gate ng bahay nila, mukhang ilalabas ang kanyang kotse.

“Nandiyan ba si Atlas?”tanong ko sa kanya. 

“Ahh, kaalis lang din kaninang alasais, pero ang sabi naman niya’y babalik siya, hindi ko lang alam kung anong oras.”ani Carver kaya napatango ako.

“Bakit?”tanong niya.

“May atraso ako, Loads.”atatawa kong sambit at napakibit ng balikat. Pakiramdam ko kasi’y nilabag ko ang privacy nito.

“Oh? Sure ako, ayos lang do’n ‘yon, sanay na ‘yon sa’yo. Kulit mo kaya.”natatawang saad niya kaya inirapan ko siya.

“Hihintayin mo ba? Baka matagalan ‘yon, pasok ka muna.”aniya ngunit ngumiti lang ako at umiling.

“Hindi na, hintayin ko na lang dito.”sabi ko naman.

“Ang init diyan.”aniya kaya umiling ako, mukhang nay lakad din kasi ito. Nakakahiya naman kung mang-iistorbo ako.

“Hindi na, pupunta rin naman ako kina Jasmine.”ani ko at ngumiti sa kanya.

“Sige na, alis ka na. Alam kong may lakad ka pa, may date ba kayo ni Bella?”tanong ko sa kanya.

“Wala na kami ni Bella, Loads.”natatawa niyang saad kaya nanlaki ang mga mata ko.

“Gago? Sinaktan mo? Sasaktan din kita.”banta ko sa kanya.

“Sira, hindi, maayos naman kaming naghiwalay, mas magandang magkaibigan na lang.”aniya kaya naman pinaningkitan ko siya ng mata.

“Siya imimeet ko.”natatawa niya pang saad, kaya pala hindi rin nagdadrama ang gaga, akala ko naman ay talagang hiwalay na. Mukhang friends with benefits pa. Half joke.

“Sure ka ba?”tanong niya pa na nag-aalinlangan pang umalis.

“Oo, pupunta rin ako kina Jas.”ani ko ulit. Palusot lang para naman hindi siya makonsensiyang iwanan ako rito.

“Pasensiya na…”aniya pa kaya tinawanan ko na lang.

“Ayos lang no! Ako naman ‘tong kusa na lang nagpunta rito.”natatawa kong saad at tinaboy na siya. Nag-aalinlangan naman siyang umalis ngunit malapad lang ang ngiti ko sa kanya para naman hindi ito makonsensiya gayong wala naman siyang dapat ikabahala.

Naupo naman na ako rito sa kalsada. Nagawa ko pang magscroll sa social media ko. Napanguso ako nang makita ang post ni May, mukhang magkasama sila ni Atlas ngayon. Ramdam ko ang kirot ng puso ngunit ipinagsawalang bahala ‘yon, kapag napatunayan kong gusto niya ito’y titigil din ako sa pangungulit. Wow, ano pa bang gusto mong patunayan, Chora? Kita mo naman na sa litrato, hindi ba?

But I’ll wait, ibibigay ko ‘tong cookies at itatanong mismo sa kanya kung gusto niya ito. Gusto kong marinig mula sa bibig nito.

Hindi ko na namalayan pa ang oras sa paghihintay ko, ni hindi na ako nakakain pa ng tanghalian at maggagabi na pala.

“5 mins pa, Cho.”bulong ko sa sarili. Kanina ko pa nga pala sinasabi ‘yon.

“Uyy, Chora, nandito ka pa rin?”gulat na tanong ni Carver nang alas siete na’y naghihintay pa rin ako sa labas ng bahay nila.

“Dumating ba si Atlas?”tanong niya kaya ngumiti ako.

“Hindi ko lang alam, uuwi na rin ako. Huwag mo na lang sabihin na napadaan ako, kakabalik ko lang din naman, galing ako kina Jasmine sabi ko naman sa’yo.”natatawa kong saad tila ba kababalik nga lang. Hindi ko alam kung naniwala ba siya o ano pero napakibit na lang ako ng balikat at nagsimula ng maglakad palabas ng village.

Ramdam ko ang pananakit ng paa sa sobrang tagal na naghintay at lalo na ang puso habang nakatingin sa litrato nila ni May. Bakit kasi naghintay ka? Hindi ko alam na ganyan ka pala katanga, Melchora…

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now