Chapter 42

896 33 0
                                    

Chapter 42
Melchora’s POV

“Opo, Ms. Lea.”ani ko at nagmamadaling nagtungo sa vip room.

“Uyy, Asterin!”hindi ko mapigilang mapangiti nang makita si Asterin, isa rin ‘tong artista, siya ‘yong kauna-unahang artista na naayusan ko. Sikat na sikat na rin ‘to pero para sa kaniya, nagsisimula pa lang siya at hindi pa ganoon kakilala. Humble ‘to.

Kilala ko na siya noon pa pero siya’y nakilala lang ako noong nakaraan-raan pang month. Patay na patay dito si Esai, ‘yong kaklase ko noong grade 11 kami. ‘Yong photographer. Ang ganda naman kasi. Kahit ako’y magugustuhan din ‘to e.

“Chora!”ngumiti siya ng makita ako. Noong una ko ‘tong makausap ay sobrang ilap sa mga tao pero dahil talagang hindi na mawawala sa akin ang pagiging madaldal, kinausap ko pa rin siya kahit noong una’y halos hindi niya ako gustong kausapin. Sobrang simple niya lang at mabait din.

“Saan ang shoot mo ngayon, Girl?”tanong ko at ngumiti. Iniwasan ko namang matanong ang tungkol kay Esai dahil bali-balita kong hindi ata sila nagkatuluyan. Gustuhin ko mang makichismis, binibigyan ko rin kahit paano ng limit ang bunganga ko.

“Sa caloocan ngayon, Chora.”aniya. Tipid lang ang mga naging sagot nito pero ayos lang sa akin ‘yon, aba’t si Atlas nga noon sa isang daang words na sinabi mo, isang salita lang ang isusukli sa’yo.

Nagpaalam na rin naman siya sa akin kalaunan. Malapad naman ang ngiti ko ng kinawayan siya.

Napatingin ako kay Jana nang palabas na, pinagtaasan niya lang ako ng kilay at hindi rin pinansin. Nandito siya sa salon ngayon dahil tapos na ang shoot ng movie nina Atlas, ipapalabas na ‘yon sa susunod na linggo. Speaking of Atlas, nakita ko ang missed call at text galing sa kaniya.

Atlas pogi:

Cho, tapos na shoot, dinner tayo later, huh? Sunduin kita.

He was the one who change his name noong magpalitan kami ng numero pagkauwing pagkauwi sa pilipinas. Mas lalo lang kaming humarot na dalawa kahit hindi ko naman sigurado kung ano nga talaga kami. Nagreply naman ako sa text niya sandali.

Ako:

Okay, see you later! Trabaho ka muna para sa pamilya natin.

Natawa pa ako sa text ko bago ko ‘yon pinatay dahil tinatawag na ako ni Ms. Lea. Papasok na ako sa vip room nang matigilan. Agad kong nakita ang Mama ni Atlas na siyang nakataas ang kilay habang pinapanood ang galaw ko.

“Are you an assistant here?”tanong niya sa akin. Sa ilang buwan ko ng nagtatrabaho rito, hindi ko kailanman nakitang magtungo si Georgiana rito. Ngayon lang talaga. Akala ko ba’y suki na ito ng salon ni Mima. Dati pa’y doon na talaga siya nananatili at tumagal pa dahil close naman sila ng pamilya ni Mama.

“Yes, Ma’am, how may I help you?”tanong ko. Kita ko naman sina Ms. Lea na natataranta nang mapatingin kay Georgiana, mukhang hanggang ngayon ay vvip pa rin talaga siya sa paningin ng lahat.

“Ma’am, this way po.”ani Ms. Lea na iginiya siya sa isang room. Sumunod naman ako dahil ako ‘tong assistant ni Ms. Lea.

“Be careful, Cho. I’ll be back.”ani Ms. Lea sa akin. Tumango naman ako at lumapit na kay Georgiana para ilagay ang base ng make up.

“When did you start working here?”tanong ni Georgiana sa akin.

“Last last month po.”magalang ko pang sagot habang sinisimulan siyang ayusan.

“So pumunta ka rito dahil alam mong dito nagpapaayos si Atlas, ganoon ba?”tanong niya na ngumisi pa sa akin. Pinigil ko naman ang pagngiwi dahil mamaya’y magtalo pa kaming dalawa kahit na ang totoo’y gusto ko na rin naman talagang sumagot.

“Pangkain po ang ipinunta ko rito, Ms. Georgiana.”seryoso kong sambit. Gusto kong ibalik ang tanong sa kaniya. ‘Pumunta ho ba kayo rito upang insultuhin ako?’

It’s been years but I still can vividly remember how they disrespect me. Baka nakalimutan na nila pero sa akin ay kabisadong kabisado ko pa ang bawat linya ng mga ito.

Mukhang madagdagan pa ang stress ko nang makita pa ang isa pang papasok na babae. Si Madel. Nagtaas agad ‘to ng kilay nang makita ako. Hindi man lang nagpahalatang nagulat. Hindi ko tuloy alam kung ako nga ba talaga ang ipinunta nila rito o sadyang assuming lang ako. Umupo pa siya sa tabi ng upuan ng Mommy niya. Maarte niya pa akong tinignan. Ibinalik ko lang din ang tingin niya sa akin. Aba’t wala ako sa mood para makipagplastikan sa kanila ngayong araw.

“So you’re working here, huh? Anong klaseng panlalandi nanaman ba ang ginawa mo sa kapatid ko?”tanong ni Madel sa akin habang nakangisi. Napangisi naman ako sa tanong nito. Bakit kaya ako ang hilig nilang ginugulo?

“Kung nilandi ko ang Kuya mo baka hindi mo na ako naabutang Benavidez pa rin ngayon, magulat ka kapamilya mo na pala ako.”natatawa kong saad kaya kumunot ang noo ng Mama niya habang si Madel naman ay salubong na salubong ang kilay ngayon. It’s so funny dahil mukha silang pinagsakluban ng langit at lupa. I don’t really care about that dahil umpisa pa lang ay sila naman na ang nauna.

“Ang kapal talaga ng mukha mo no?”tanong sa akin ni Madel. Kita ko naman ang paghilot ni Georgiana sa sentino niya. Mabuti nga’t hindi niya pa ako naiisipang saktan. Nagpatuloy lang naman ako sa pag-aayos ng mukha niya. Kunot na kunot pa rin ang noo hanggang ngayon.

“What did you two do in london?”tanong pa ni Madel. Best friend ni Madel si Ginly kaya imposibleng hindi rin alam ni Ginly na magkasama kami, depende na lanh kung itatago ni Madel kahit hindi naman totoo, hindi ba?

“Every detail ba?”mapang-asar kong tanong sa kaniya kaya napipikon niya akong tinignan.

“Ang landi mo! Alam mong may girlfriend ‘yong tao!”aniya pa sa akin. Ngumisi naman ako dahil alam ko na ang style ng mga ‘to. Girlfriend sa isip.

“Lolo mo girlfriend.”sabi ko ng wala ng masagot. Aba’t atleast may naibalik lalo na’t hindi naman ako matalino para magbalik ng mga rebut.

Nagulat na lang ako nang buhusan ni Georgiana nang tubig, aba, akala niya ata nasa movie siya, punyeta. Nagbaon pa ng mineral water. Masama naman ang loob ko na napalayo dahil do’n. Kita ko naman ang ngisi ni Madel dahil sa ginawa ng ina. Hindi ko alam kung saan nagmana si Atlas dahil hindi naman ganito ang ugali no’n, hindi lang sa akin dahil pati sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

“Ano bang klaseng mga empleyado ang mayroon kayo rito?”nanggigil na tanong ni Ms. Georgiana sa kakapasok na si Ms. Lea. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib para bang nahihigh blood talaga sa akin. Aba’t sila ‘tong humanap ng ikahahighblood nila. Nailing na lang ako roon.

Napatingin sa akin si Ms. Lea nang makita niyang basang basa ako pero napakagat na lang ako ng labi nang humingi siya ng tawad kay Ms. Georgiana.

“Pasensiya na po, Ma’am.”aniya na hindi na sigurado kung anong gagawin. Baka siya ang masisante ng big boss kung sakaling pakakawalan niya ‘to kaya naiintindihan ko naman.

“You should know how to handle your employee. Hindi ‘yong ganito.”galit na saad niya pa at tumayo. Kasunod nang anak niyang si Madel na nginisian pa ako. Nakasunod pa si Ms. Lea sa kanila. Dinaluhan naman ako nina Ava na siyang nakasilip sa labas kanina.

“Gaga, anyare?”tanong nila habang inaabutan ako ng pamunas. Napakibit naman ako ng balikat.

“Wala, hayaan mo na.”natatawa kong saad at kinuha ang panyo sa kaniya.

Nang bumalik si Ms. Lea ay tinanong niya ako sa kung anong nangyari, hindi ko alam kung anong napag-usapan nila pero laking pasasalamat ko na lang na hindi niya ako sinesante.

Para tuloy akong lantang gulay nang umuwi sa bahay, nawala tuloy sa isip ko na susunduin ako ni Atlas. Napakagat ako sa aking labi nang tinawagan ko ‘to.

“Hello, Atlas.”bati ko.

“Cho, saan ka na?”tanong niya.

“Ipagluluto na lang kita ng dinner dito sa bahay, Atlas, sorry, nasa bahay na ako.”ani ko sa kaniya.

“It’s fine. I can cook if you’re tired.”aniya na mukha pang napansin ang pagod sa tinig ko. Nakakastress naman kasi ang ina at kapatid nito, sila ang naghahanap ng ikakayamot nila, aba.

Nagluluto na ako nang kumatok si Atlas mula sa labas.

“Hi, I brought some dessert.”sambit niya. Hindi ko naman na namalayan na gumanda na ang mood ko dahil sa kaniya, aba’t dapat lang kasalanan ng Mommy at kapatid niya kung bakit bad trip ako no?

“Bukas na ang shoot niya sa ilocos, hindi ba?”tanong ko kay Atlas habang sinusuklay niya ang buhok ko. Tapos na kaming kumain kaya abala na kami sa panood dito sa sala.

“Yup, I don’t want to go, huwag na kaya?”patanong na saad niya.

“Huwag ka ngang ano riyan, ilang araw mong tinalikuran ang trabaho mo, nagrereklamo na si Kuya Franco sa’yo, aba.”natatawa kong saad sa kaniya.

“Sama ka na lang.”sambit niya kaya umirap ako.

“Hindi pwede, busy kami sa salon sa mga susunod na araw.”ani ko.

Hinarap ko naman siya at kinuha ang Cho Cosmetic na pang skin care. Nagsimula naman akong lagyan siya no’n. Hindi ko mapigil ang ngiti dahil hindi siya nagreklamo. Kung dati’y nagtatanong tanong pa siya kung para saan ‘yon.

“Himala, hindi ka nagreklamo ngayon?”nakangisi kong tanong sa kaniya, nagkibit naman siya ng balikat dahil do’n.

“Remember when you said to me noong nagtatanong tanong ako kung kailangan pa ba ng kung ano anong cosmetic na ‘yan? Then you said na putting these things won’t make me less of a man. Tahimik ako no’n kasi medyo supalpal.”natatawang pagkukwento niya. Hindi ko naman mapigil ang tawa ko dahil naalala niya pa ‘yon. Ang dami dami niya kasing tanong like ‘Bakit pa kailangan niyan e lalaki siya?’ ‘Bakit pa kailangan niyan e chuchuness chuchuness?’

“And starting that day I think putting some cosmetic is just like caring about yourself… caring about your skin and face.”aniya kaya napangisi ako. Ginulo ko pa ang buhok niya na akala mo’y bata.

“Wow, very good. May natutunan ka nga kay teacher Christine.”natatawa kong saad kaya sinamaan niya ako ng tingin. Napahagalpak naman ako ng tawa dahil do’n. Kumuha pa kaming litrato na dalawa nang matapos din akong mag-apply ng akin.

Halos ayaw niya na ngang umuwi kahit magkapitbahay lang kami dahil daw aalis siya bukas at matagal nanaman niya akong hindi makikita. Isang linggo kasi sila sa ilocos para sa shoot. Maaga siyang umalis dahil nabasa ko ang text niya kinabukasan. Aba’t parang wala pa siyang tulog dahil kaaalis niya lang sa bahay noong mga oras na ‘yon at halos katutulog ko lang naman.

Atlas Pogi:

Hi, nasa byahe na ako. Sleep well, dream of me, lodicakes <3

Napahagalpak naman ako ng tawa sa text nito, aba’t may paheart pa ampotek. Siguro’y nalalasing na sa antok na nararadaman. Hindi nanaman makapag-isip mg maayos at dahil ako si Chora na mapag-asar. Natatawa ko naman ‘tong nireply-an na may pang-iinis.

Ako:

Okay <3

Ako:

Ingat <3

Ako:

Isipin mo lang ako <3

Ako:

Tulog ka na, mukha kang sabog <3

Ako:

Sa akin pa rin ang uwi, huh? <3

Ako:

Papasok na rin ako, Lodicakes <3

Ako:

<3

Nagawa ko pang magsend ng picture ko at nilagyan ng heart ‘yon.

Kanina niya pa sinend ang text niyang ‘yon kaya sure akong medyo nakatulog naman na siya kahit sa byahe lang at paniguradong nandoon na rin. Ibaba ko na sana ang phone ko nang tumawag siya.

“Parang sira amp.”bungad niya kaya tumawa ako.

“Good morning! Less than 3.”ani ko. Sobrang babaw ng kaligayahan ko kaya tawang tawa lang ako habang imaasar siya.

“Nandiyan ka na?”tanong ko.

“Yup.”sambit niya.

“I miss you already.”aniya kaya napairap ako.

“Kapag hindi lang consistent ‘yang pagkamiss mo, tutusukin ko ‘yang bunganga mo.”ani ko kaya napatawa siya sa akin. Akala ata nagjojoke ako. Well, alam ko naman na ganyan talaga siya. Subok ko na kaya maniwala kayo.

“Ang ganda mo.”aniya pa mukhang nakita ang sinend na picture ko.

“Your eyes is extra cute today and your lips, your whole make up too.”pamumuri niya.

“Ano ba ‘yan? Patay na patay ka nanaman sa akin.”natatawa kong biro.

“Medyo.”aniya pa kaya nagtawanan kami. Medyo kinilig ako, mga 34 %.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now