Chapter 21

905 34 4
                                    

Chapter 21
Melchora’s POV

After completing grade 11, naging abala lang ako sa salon, well, nag-enjoy naman ako dahil nagagawa ko na ring mag-ayos ng ilang kliyente namin. Hindi ko nga lang masiyadong nakita si Atlas dahil nagtungo siya sa california para magbakasiyon.

Hindi man kami nagkikita, hindi pa rin naman nawawala ang madalas na pag-uusap namin, sa chat man o ‘di kaya sa call. Madalas siyang tumawag kapag nakakakuha siya ng oras. Minsan nga lang ay hindi ko nasasagot dahil abala rin ako sa sarili kong buhay. Libang na libang din kasi ako sa pageenhance ng skill ko pagdating sa make up. Parang pinagsisihan ko tuloy bigla na ibang strand ang kinuha ko.

Well, tatapusin ko pa rin ang abm, kaya lang ay nagdadalawang isip pa rin ako sa kung anong kukunin ko.

“Pinag-iisipan mo pa rin ba kung anong gagawin mo after senior high?”tanong ni Atlas nang makita niyang nakatitig lang ako sa make up ko. Magkaklase na kami ngayong grade 12, maski sina Carver ay ganoon din. Si Bren lang talaga ang nahiwalay.

“Hmm, yup,”tango ko at napasandal sa kanya.

“I think you don’t have to think twice, you are the happiest when you’re painting someone’s face.”aniya kaya napatawa ako sa term na ginamit nito. Tumaas naman ang kilay niya dahil do’n.

“I’m not yet sure…”ani ko at napanguso.

“I know how much you like make up, Cho…”aniya.

“Choose the thing that will make you happy.”sambit niya.

“Hmm.”ani ko habang pinaglalaruan ang mga daliri nito.

“The truth is kinuha ko lang naman talaga ang abm dahil gusto ko sanang magbusiness dahil gusto kong may mapatunayan… sa Mama ko…”nawala ang ngiti sa mga labi ko habang nagkukwento.

“I really want her to see me as a succesful business woman…”pabulong na saad ko.

“I want to see how proud she is… baka sakaling mas masaya…”ani ko sa kanya. Pansin ko naman ang pagtitig niya sa akin. Kaya napatikhim ako. I never really tend to tell anyone about my past but with him… kahit hindi magtanong parang pupwede mong sabihin sa kanya ang lahat dahil maliban sa hindi ka niya huhusgahan, makikita mo talagang willing siyang makinig. Maybe that’s also the reason why I’m attracted to him… kahit na madalas niya akong itaboy, kapag nagkukwento na ako, nakikinig siya sa bawat katagang aking sinasambit.

“Hoy, nakikinig ba kayong dalawa?”napatingin naman kami kay Bette na siyang may sinasabi pala sa amin.

“Huh? Ano?”tanong ko naman.

“’Yan, harot pa, Cho!”aniya kaya napairap ako.

“Sus, bitter, wala lang kasi jowa mo rito!”natatawa kong saad sa kanya.

“Correction, ex na.”natatawang saad ni Bella kaya nagtawanan kami. Tinapunan naman kami ng masamang tingin ni Bette. Parang pinaglihi ‘yan sa sama ng loob this past fews days dahil lq ata sila ni Bren. Hindi lang namin alam ang dahilan.

It’s actually fun pala na may kaharutan sa classroom ngunit madalas na kami naman ang pinagiinitan ng mga walang jowang kaklase namin dahil madalas maglampungan. Ang sabi nila baka magsawa rin agad ako kay Atlas but that’s not the case, mas lalo lang lumalim.

“Sus! Sa una lang naman ‘yan sweet, try mong sagutin, Chora, makita mo, iba na ang trato sa’yo!”sambit pa ni Bette. Ubod ng kabitteran ang taong ‘to ngayon but she have a point tho… ang sabi nila baka kapag sinagot ko ito’y magbago na lang ang lahat.

Hindi naman din ako tinatanong ni Atlas kaya hindi ko rin siya sinasagot. Kontento rin naman ako sa kung anong meron kami ngayon. Landian without the label. Parang kami na rin naman kaya baka hindi na rin kailangan? I don’t know. Hindi ko pa rin naman naranasang magkaroon ng jowa.

“Ang crush ko parang 21st century, ang sarap pag-aralan.”nakangiti kong saad habang nangangalumbabang nakatingin sa kanya. Natawa naman siya sa akin dahil do’n.

“Huwag mo kaming lokohin dito, Melchora, tinutulugan mo lang ang 21st.”aniya kaya napairap na lang ako.

“Tangina naman oh, sawang sawa na ako sa pagmumukha niyong dalawa, hindi ba kayo nagsasawa?”natatawang saad ni Indigo na siyang napadaan sa lamesa namin para makihingi ng orange sa kumakain sa likod. Aba’t ang lakas ng pang-amoy ng hinayupak na ‘to.

“Mas sawa kami sa mukha mo, huwag kang mag-alala.”ani ko kaya napairap siya sa akin.

“How long have you been friends with Indigo?”tanong ni Atlas sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses niya na ba itong naitanong..

“Noong elem, napaihi pa ‘yan sa short niya sa sobrang takot sa malalaking aso na nasa tapat ng salon.”natatawa kong saad, hindi ko pa naikwento sa kanya ang part na ‘to. Natawa rin naman siya dahil do’n.

“Cho, sinisiraan mo ba ako?”tanong ni Indigo dahil napatawa pa kami ni Atlas nang dumaan siya. Natatawa naman akong umiling kaya mas lalo lang nanliit ang mga mata niya.

Nang matapos ang klase’y kanya kanya na silang tungo sa kani-kanilang lungga.

“Atlas! Halika na!”tawag ni Indigo, magkasama sila sa research ngayon.

“Cho, ayos lang ba talaga?”tanong ni Atlas, natatawa ko na lang siyang tinulak.

“Research muna bago landi, Loads!”sambit ko at kinawayan siya.

Nagstay lang ako sandali kina Aling Tessie bago ako nagtungo sa salon. Naging abala naman ako sa pagtulong doon. Nang umuwi kami’y excited akong nagtungo sa kwarto at nag-ayos na para mag-aral ng panibagong ayos. Hindi ko madalas makuha ngunit nadadaan naman sa aral ang lahat.

Maya-maya lang ay tumatawag na si Atlas, inilagay ko lang naman sa tapat ko ang phone.

“Hindi ka pa tapos?”tanong nito sa akin.

“Hindi pa…”sambit ko naman, hindi niya naman pinatay ang call at pinanood lang ako habang inaayusan ang sarili. Napasimangot naman ako nang makitang hindi ko nakuha ang gustong look.

“Maganda naman…”aniya para pagaanin ang loob ko.

“Ang pangit! Hindi ko makuha!”nagbubugnot ko ng saad. Napairap pa ako nang ngumiti siya sa akin.

“What do you want to eat? Pupunta ako riyan…”sambit niya ngunit agad ko siyang inilingan.

“Huwag na, tom na lang. Hmm, sing me a song na lang!”nakangiti kong saad habang binubura na ang make up ko. Inayos niya naman ang phone niya at kinuha ang gitara. Nangalumbaba ako at pinanood itong kumanta. Ang sarap talaga sa tainga ng boses nito. Nagpatuloy naman ako sa pag-aayos at medyo ginanahan sa tinig niya. Nang matapos ay nakangiti kong pinakita ang mukha ko.

“You’re pretty.”aniya kaya pinanliitan ko siya ng mata.

“Ang your make up too.”sambit niya pa at tumango tango. Binura ko na rin naman ‘yon nang matapos ako, nagtungo na rin ako sa banyo para makapagpahinga na rin. Nang matapos ay kinuha ko ulit ang phone at tinawagan si Atlas na siyang mukhang naghihintay lang naman.

“Sing me a song again, Atlas…”ani ko sa kanya mula sa kabilang linya.

“What do you want?”tanong niya sa akin.

“Baby blue eyes!”ani ko dahil ‘yon ang pinakapaborito kong kinakanta niya. Hindi ko alam ngunit nagagawa kong makatulog tuwing kinakantahan niya ako.

Baby, baby brown eyes
Stay with me by my side
'Til the mornin', through the night
Well baby
Stand here, holdin' my sides
Close your baby brown eyes
Every moment feels right
And I may feel like a fool
But I'm the only one, dancin' with you
Oh oh oh oh

Just like that, I fell asleep and also fell with the person singing the song.

The next day, narito si Atlas dahil pinangakuan ko siya ng movie marathon.

“I brought you some food.”nakangiting saad niya sa akin. Nagabot din siya sa mga Mima ko.

“Thanks!”sambit ko na malapad ang ngiti sa kanya. Nagtungo na rin kami sa sala habang inaayos ko ang panonoorin namin.

“I really like to let you watch this one. Napanood ko na ‘to pero gusto ko lang ipanood sa’yo.”sambit ko habang sinisimulang iplay ang movie.

Naupo naman ako sa tabi niya at excited na manood kahit na napanood ko na ito. Well, may mga movies kasi na kahit napanood mo na, gustong gusto mo pa ring ulit ulitin kahit na sa point ka na, na memorize mo na ang bawat linya.

Pinaglalaruan ko lang naman ang mga daliri niya habang nanonood kami.

“Fave part ko ‘yan, sobrang pretty no’ng bida riyan and sobrang deserve niyang malaman na niloloko lang siya no’ng lalaki. I mean, ang ganda ganda niya, bakit kasi sa pangit pa siya pumatos? Alam mo ‘yon? Kung sino pa pangit sila pa ‘tong malakas ang loob na magloko. Hindi ko rin naman sinasabing kapag gwapo ka’y may karapatan ka na, huh? Is just that, nakakabawas pogi points mga cheater.”mahabang lintanya ko.

“Kahit gaano ka pa kagwapo, ekis na agad.”dagdag ko pa. Hindi niya naman alam kung saan siya magpopokus, sa palabas ba o sa akin.

“Cho… mamaya ka na magkwento.”natatawang aniya kaya napabitaw ako sa kamay nito. Edi wag! Sino bang nagsabing makinig siya? Aba, Melchora, bakit ba kasi ang daldal mo? Nasa kalagitnaan kayo ng movie. Kahit na! Iritado pa akong lumayo kaya alam kong nasa akin na ang buong atensiyon niya. Wala na sa movie’ng pinapanood.

Hindi ko naman siya pinansin, nanatili lang matigas ang ekspresiyon habang nasa movie ang tingin.

“Cho…”tawag niya sa akin at hinawakan pa ang kamay ko. Nakasimangot ko namang winasiway ang kamay niya.

“Ano ba? Nanonood tayo, hindi ba?”pagsusungit ko. Naiinis talaga sa kanya.

“Sorry na…”aniya pa na hindi ko naman pinansin.

“Cho.”tawag niya pa na kinakalabit ako. Natapos ang movie na nakasimangot lang ako.

“Chora, sorry…”sambit niya pa.

“I just want to watch the whole movie so I can talk it with you…”aniya kaya napairap ako.

“Lolo mo watch.”bulong bulong ko. Hindi niya naman ako tinigilan sa pangungulit, hindi rin naman siya umalis dahil marami pa kaming panonoorin, humupa rin naman ang inis ko nang manood ng comedy. Well, hindi naman talaga ako palatanim ng sama ng loob, kaunting minuto lang ay nawawala na rin ang inis ngunit mabilis lang talagang mayamot.

“Bati na ba tayo, Cho? Sorry na.”aniya pa sa akin. Umirap lang ako sa kanya.

“Oo na, parang kasing tanga, next time hindi na talaga ako magkukwento!”inis kong sambit sa kanya.

“Sorry, gusto ko lang naman makarelate, loads.”bulong niya naman kaya umirap na lang muli ako. Maya-maya lang ay balik nanaman kami sa dati na tamang landian lang. Holding hands habang nanonood ang movies.

“Aba’t ang haharot, hindi pa rin kayo sa lagay na ‘yan, huh?”tanong nina Mima na kararating lang. Natatawa naman akong lumayo kay Atlas.

“Kumain ka na muna rito, Atlas, bago ka umuwi sa inyo.”ani Mima sa kanya. Parang anak na nga rin ang turing nila sa kanya.

“Hinayupak talaga ‘yang ex mo, Lena, isa ka rin naman kasing tanga na nagpapauto pa rin.”ani Mima Sunny sa kanya. Sanay na sanay naman na si Atlas sa mga usapan nilang ganito.

“Isa ring hayok sa tt ang gaga kaya hindi rin matigilan.”sabi naman ni Mima Joan. Napairap lang naman si Mima Lena sa kanila.

“Nagsalita ang hindi. Mas tanga ka pa sa akin noon, Joan, baka nakakalimutan mo.”sambit ni Mima Lena. Nag-angilan naman na silang tatlo.

“Ikaw.”napatalon naman ako nang nasa akin na ang mga mata nila.

“Huwag ka ring isang tatanga tanga, talagang iuutog ko ‘yang ulo mo.”ani Mima Sunny sa akin. Napatawa naman ako roon, sila kaya ‘tong sobrang rupok.

“At ikaw, subukan mo lang.”ani Mima Joan kay Atlas at sabay sabay pa silang umarteng kinikitil ang leeg. Hindi ko naman maiwasang matawa roon. Ang hilig hilig kasi nilang takutin si Atlas. Kita ko ang paglunok ng crush ko at sinamaan niya pa ako ng tingin nang halos mamatay na ako kakatawan habang pinapanood siya.

Natapos naman din ang gabing ‘yon na kwentuhan at tawanan lang kami. Nakakahiya pa dahil ikinukwento pa nila ‘yong mga pagrarant ko tungkol sa kanya noon. Malapad lang naman ang ngiti ni Atlas habang nakatingin sa akin at nakikinig sa mga kwento nila.

“Bye! Ingat sa pag-uwi, text mo ako!”sambit ko at kumaway pa.

“Good night, Cho.”aniya na hinalikan ako sa noo.


Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now