Chapter 18

1K 40 1
                                    

Chapter 18
Melchora’s POV

Pulang pula ang mukha kong sinoft block si Atlas. Hiniram ni Indigo ang phone ko kanina dahil ang sabi niya’y wala na siyang load pang ml dahil mabait naman akong kaibigan, hinayaan ko dahil abala rin ako sa pagmemake up sa mga kaklase pero dahil sa hinayupak na ‘yon nagkakatrust issue ako.

Kinabukasan ay talagang nakahanda akong sugurin siya pagkalabas ko ng kwarto ko dahil narinig ko na ang tinig ni Mima na pinapasok.

“Alam mo, bwakang ina ka, Indigo! Lumapit ka sa akin at nanggigil ako sa’---“bago ko pa matuloy ang sasabihin ay napahina na ang tinig nang makita ko kung sino ang nandito. Napatakbo tuloy ako pabalik sa loob ng kwarto ko sa sobrang pula ng mukha nang mapagtanto kung sino ang kausap nina Mima. Pucha naman, Chora, mayroon ka pa lang tinatagong hiya.

Kung noon ay wala akong pakialam dahil alam niya naman kung gaano ko siya kagusto pero ngayon, pakiramdam ko’y gusto ko na lang magkulong dito sa kwarto sa sobra kong hiya dahil sa mga tweet ko. Aba’t hindi ko siya pinapansin sa school pero siya naman ang laman ng tweet ko sa private account. Ano ba kasing ginagawa niya rito?

“Chora! Aba’t bakit ba bumalik ka pa diyan sa kwarto mo! Bumaba ka na’t kumain, malelate ka na!”nahihimigan ko ang pang-aasar mula sa tinig ni Mima. Mas lalo ko lang na hindi gustong lumabas. Tinignan ko pa ang mukha sa salamin, maayos naman ang mukha ko dahil kahit paano’y nagpapaganda naman ako para sa sarili.

“Good morning.”bati niya sa akin. Talagang good ang morning ngayong nandito ka, pero shet naman why naman ngayon? Kung kailang tataguan ko talaga ito dahil sa kahihiyan.

“Good morning din.”tipid akong ngumiti. Nilagpasan ko pa siya sa kaba ngunit may naalala.

“Ano pa lang ginagawa mo rito?”tanong ko sa kanya.

“Sinusundo ka.”aniya kaya halos masamid ako sa sariling laway, I mean ano pa nga bang gagawin niya rito, hindi ba? Saka sino pa nga bang ipupunta niya kung hindi ako, I’m sure si Indigo ang may kagagawan nito.

“Kain muna kayo!”ani Mima dahil gusto ko na agad lumabas ng bahay, paniguradong mang-uusisa ang mga ito, mas nakakatakot pa kaysa kapag nagtutungo kina Aling Tessie. Kita ko pa ang ngisi ng tatlo.

“Ang gwapo mo, Hijo, marami ka pang choice.”pagbibiro ni Mima Lena kaya kinurot siya sa magkabilaan ni Mima Sunny at Mima Joan.

“Aba’t tiba tiba na siya sa junakis ko no! Ang ganda ganda nitong anak ko at hindi lang ‘yon magaling din maghugas ‘yan… ng brush.”natatawang saad ni Mima Joan kaya napanguso ako.

“Ayaw na ayaw niyang nasisira ang kakanail polish na kuko kaya hindi hunahawak ng pinggan.”pagkukwento ni Mima Sunny. Nagtawanan pa sila maski rin si Atlas ay napapatawa na lang habang nakatingin sa akin.

“Duh, humahawak po ako, Mima, kapag kumakain.”ani ko na napanguso.

“Kung liligawan mo ‘tong junakis namin, magtiis ka.”sambit pa nila.

“Mima!”nakakahiya, baka ano pang isipin ni Atlas. Bakas isipin niyang nagmamafeeling ako rito.

“Maraming kaartehan ‘yan sa buhay kaya kung wala kang mahabang pasensiya pupwede ka ng tumakbo.”sambit pa ni Mima Lena.

“I don’t mind po. I can handle… I think.”nakangiti pang saad ni Atlas kaya kumunot ang noo ko. Paasa talaga ang isang ‘to. Nakakainis.

“Pasensiya ka na kina Mima.”ani ko nang makasakay kami sa kotse niya pagkatapos ng mahabang kwentuhan. Napakagat pa ako sa aking labi dahil nakakaramdam nanaman ng hiya. Si Chora ka ba talaga, Girl?

“Ayos lang, I don’t mind.”aniya.

“Si Indigo ba ang nagsabing sunduin mo ako? Ang hinayupak na ‘yon…”bulong bulong ko habang nag-iisip na ng paraan kung paano pumatay ng kaibigan. Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa school. Kung normal na Chora lang ako’y baka naikwento kp na ang buong buhay ko. Nagpasalamat lang ako sa kanya at nagmamadali na rin nang makarating sa classroom.

“Nasaan si Indigo?”tanong ko agad sa kanila.

“May training sila hanggang bukas, Loads.”anang mga kaklase ko. Agad naman akong napangiwi nang maalalang varsity nga pala ng soccer ang hinayupak kaya pala ang lakas ng loob ifollow si Atlas sa twitter account ko at iaccept ang follow request nito. Saka kaya rin siguro ako sinundo ni Atlas dahil do’n.

“Ang alam ko 3 days sila sa training camp.”anila sa akin. Napatango naman ako dahil alam ko naman ‘yon, nawala lang talaga sa isip ko sa sobrang excited na makita ito at makurot sa tagiliran.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang guro namin kaya kanya kanya na kaming balik sa mga pwesto namin. Palihim ko namang inaayusan ang ilang kaklase ko habang nagdidiscuss ang guro.

“Ms. Benavidez, hinahanap ka ni Mr. Garcia. Aba’t napapadalas ang pagpunta mo rito, Atlas, may natitipuhan ka rito?”nakangising tanong ng guro namin kay Atlas na siyang nakatayo sa may harap. Parang natatandaan ko ang ganitong eksena ngunit ako ang nasa kanyang kinatatayuan.

May sinabi si Atlas sa guro na hindi naman namin narinig. Nasa akin naman ang tingin nang mga kaklase ko, mapang-asar ang tingin nila.

“Si Chora ang pinopormahan niyan, Sir.”natatawang sigaw ng isa sa mga tropa niya rito sa classroom. Napailing naman ako roon. Ako ang pumoporma rito noon.

“Anong kailangan mo?”tanong ko kay Atlas dahil pinapalapit na ako ng guro.

“Papel.”aniya kaya nanliit ang mga mata ko ngunit napanguso na lang din na pinanghingi siya sa mga kaklase ko.

“Hindi rin ako nagdadala ng papel, next time sa iba ka na manghingi.”ani ko at tinalikuran na siya. Parang gusto kong mainlove sa sarili ko. Ulol, Chora, hindi charismatic, kabastusan ‘yan. Nilingon ko siya muli dahil hindi ko talaga magawang sungitan ‘to. Nakatayo pa rin siya roon kaya napatikhim ako at nag-iwas na lang ulit ng tingin dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.

Bago pa matapos ang klase ko’y nakita ko ang tawag mula kay Indigo.

“Hi, Loads.”nakabungisngis na agad ito ng tawagan ako, hindi ko naman mapigilan ang pagngiwi dahil sa kanya. Nakakapikon din kasi ang tawa niya, parang gusto kong manakit.

“Magtutuos tayo pagdating mo.”ani ko sa kanya.

“Hoy, grabe! Miss mo na agad ako?”natatawa niyang saad.

“Ulol mo, nanggigil talaga ako sa’yo, huwag kang tumawa.”ani ko kaya nagpigil naman siya kaya napairap ako.

“Inaccept ko lang naman!”sabi niya sa akin.

“Lolo mo inaccept lang! Ang sabihin mo finollow mo kaya nakita ang private account ko!”sambit ko sa kanya kaya tumawa siya, ibig sabihin ay ganoon nga ang nangyari, kaya pala pabalik balik din siya sa phone niya.

“Sorry na, Loads, libre na lang kita pagkauwi ko, hehe.”aniya kaya inirapan ko siya. Nagpaalam na rin naman siya dahil may training pa sila. Ganoon din naman ako dahil uuwi na. Kinawayan ko na ang mga kaklase habang papalabas ng classroom ngunit natigilan ako nang makita si Atlas na siyang nakatayo rito sa labas ng room. Hindi naman ako nagmafeeling na ako ang hinihintay nito, nagpatuloy na ako sa paglalakad ngunit nahawakan niya agad ang palapulsuhan ko.

“Chora…”tawag nito.

“Ihahatid na kita.”aniya kaya agad kong umiling.

“Huwag na, pupunta pa ako kina Aling Tessie.”sambit ko ngunit katulad kahapon ay sumama pa rin siya sa akin. Malapad tuloy ang ngisi nina Manong Toni nang madaanan namin siya, as usual ay inaasar nanaman ako nito, ganoon din si Aling Tessie nang makarating kami sa stall niya.

“Mukhang napapadalas ka rin dito, Pogi, ahh.”nakangiting saad ni Aling Tessie kay Atlas na siyang ngumiti lang naman.

Bahagya akong napangiti nang marinig itong nakikipagkwentuhan kay Aling Tessie. Well, mukha naman siyang friendly but not to the point na siya ang unang lalapit, kahit ata’y sino, makikipagkaibigan sa kanya.

“Are you busy?”tanong niya sa akin. Kahit busy ako’y mawawalan ako ng gagawin kung siya ang magtatanong.

“Do you want to watch some movies?”tanong niya sa akin. Namula naman ang mukha ko nang maalala ang holding hands naming dalawa, medyo matagal na rin no’ng mangyari ‘yon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan.

“I thought you’re not that fond of movies?”tanong ko naman sa kanya.

“But you like it tho…”aniya kaya napatitig ako sa kanya. Napatikhim naman ako at napakibit na lang ng balikat. Sumakay naman na ako sa kotse niya. Nagtext lang ako kina Mima na manonood ako sa sinehan, gora lang naman ang mga ito pagdating sa kalandian ko. Nangangati naman ang dila kong magkwento ng magkwento sa kanya ngunit pinanatili ko na lang din na kalmado ang mukha.

Maya-maya lang ay nakarating din kami sa sinehan. Napatikhim naman ako nang maalala ang eksena sa parking na ‘to.

“I’m sorry if I ruin your kiss.”seryoso kong saas habang naglalakad kami papasok. Nahinto naman siya roon at napatingin sa akin.

“I just kiss someone I like.”aniya kaya ngumisi naman ako, hindi naniniwala.

“You don’t believe me, don’t you?”tanong niya na nakataas pa ang kilay sa akin. Napakibit naman ako ng balikat.

“Sa itsura mong ‘yan, baka hindi lang halik ang kaya mong ibigay, baka ihagis mo pa sa kama—“bago ko pa naituloy ang sasabihin ay nasandal niya na ako sa kotse sa malapit. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n, ginamit niya ang tiyansa para halikan ako sa labi. Ang nanlalaki kong mga mata’y dahan dahang napapikit. Naitulak ko naman siya nang binusinahan kami ng kotse mula sa tapat.

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil do’n. Putangina, hindi ko alam kung ano nga ba ang uunahin ko sa dalawa, ang kilig ba o ang hiya.

“Mga kabataan talaga ngayon kung saan saan na napipiling magmomol.”anang dumaan sa gilid namin. Momol agad, halik lang ‘yon! Nanlaki naman ang mga mata ko nang may mapagtanto.

“Gago ka, first kiss ko ‘yon! Panagutan mo ako.”nanggigil kong bulong sa kanya. Ngumisi naman siya sa narinig ngunit masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya. Ang hiya ko’y hindi pa rin humuhupa lalo na’t nang marinig pa ang sinabi ng isang matanda.

“’Tong mga kabataang ‘to kay babata pa lang ay ang haharot na samantalang ako noong bata ako’y hindi naman ako ganyan.”anito kaya bahagya na lang akong napairap bago nagpatuloy sa paglakad at tinatakpan ang mukha ko kay Atlas na hindi ko alam kung tintubuan ba ng hiya o hindi.

“Ang hilig talagang ikumpara lalo na kapag sila ang angat,”bulong bulong ko kaya naman napatawa si Atlas. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil do’n.

“Huwag kang tumawa, kasalanan mo ‘to. Bakit ba ang harot mo? Bakit ka ba nanghahalik?”gusto ko sanang isunod sunod ang tanong dito ngunit hindi ko rin naman nagawa dahil nagustuhan ko rin naman ‘yon at kapag naalala’y parang nakikipagkarera ang tibok ng puso sa sobrang bilis.

Sobrang tahimik ko kahit na sobrang dami kong gustong sabihin sa kanya. Maski nang nasa sinehan na kami’y nanatiling naguguluhan ang utak ko. Pinilit ko namang magpokus sa pinapanood ngunit kapag napapatingin sa kanya’y agad ding nawawala ang pokus ko sa ibang bagay at nanatili na lang sa kanya. Nakakainis. Bakit ba ang laki ng epekto ng isang ‘to sa akin?

Natapos ang movie na wala man lang akong naintindihan sa pinapanood namin dahil naglalakbay ang isip ko patungkol sa kanya. Nagawa pa naming kumain bago niya ako napagpasiyahang ihatid. Parehas lang kaming tahimik habang nasa sasakyan. Nang makarating na sa tapat ng bahay, alam kong hindi ako matatahimik hangga’t hindi ito naitatanong kaya nilingon ko siya nang pinagbuksan niya ako.

“Bakit mo ginawa ‘yon? Akala ko ba’y hindi mo naman ako gusto? Inis na inis ka pa nga sa akin, hindi ba?”kunot noo kong tanong sa kanya dahil alam kong hindi ako makakatulog kung hindi maririnig ang sagot nito.

“I told you, I don’t kiss someone I loathe.”aniya. Ano? Kung hindi namam siya inis sa akin, gusto niya ba ako? Gusto kong itanong ngunit ayaw ng bumuka ng bibig ko kaya nanatili na lang akong nakatayo roon.

“Good night, Melchora…”pabulong niyang saad. I used to hate my name pero dahil sa kanya’y parang hinehele ako kapag naririnig ang ngalan galing sa bibig niya.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now