Chapter 45

926 26 0
                                    

Chapter 45
Melchora’s POV

“Cho.”tawag ni Atlas nang makita akong palabas na ng salon. Napatingin pa siya kay Aaron na kasama ko. Si Aaron ay nagtataka rin habang nakatingin sa kaniya.

“Bukas na tayo mag-usap, may dinner kami ni Aaron.”sambit ko sa kaniya, kita ko kung paano nagdismaya ang mukha nito nang sambitin ko ‘yon ngunit nilagpasan ko lang siya siya. Hinawakan niya naman ako sa palapulsuhan at wala pa sanang balak na bitawan ako kung hindi ko lang siya sinamaan ng tingin.

“Ano ba, Atlas? Bukas na nga, hindi ba?”masungit na saad ko. Mukha naman siyang maamong tupang binitawan ang mga kamay ko. 

Sinenyasan ko lang si Aaron na magpatuloy sa paglalakad para makaalis na kami roon, alam kong nakasunod ng tingin si Atlas ngunit hindi siya humabol o ano.

“Sino ‘yon, Cho?”tanong ni Aaron sa akin na nakatingin pa rin sa gawi ni Atlas. Hindi ko naman sinagot ang tanong niya at iniba lang ang usapan naming dalawa. Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa kfc.

Umorder lang kami ng makakain, pinilit ko namang pasiglahin ang tinig kahit na marami ring bumabagabag sa aking isipan.

“Cho, naalala mo no’ng first time mong tumira sa bahay?”tanong ni Aaron sa akin.

“Halos lahat no’ng mga kapatid ko mailap sa’yo pati sina Mama.”pagkukwento niya. Napangiti naman ako nang maalala ‘yon.

“Naalala mo ba na ako lang ata ang pumansin sa’yo no’n?”patanong na pagkukwento niya pa.

“Hindi ko pa ‘to nasasabi sa’yo pero noong mga oras na ‘yon… gusto na kita…”aniya kaya natigilan ako sa pagsubo at napatingin sa kaniya.

“Joke time ba ‘to, Aaron? Kailangan ko bang tumawa ngayon?”natatawa kong tanong sa kaniya. Umiling lang naman siya sa akin dahil do’n.

“Seryoso ‘to, Cho…”aniya kaya nawala ang ngiti mula sa mga labi ko.

“Gusto kita. Kaya ako nandito sa manila ngayon. Sinubukan ko namang walain kaya lang ay ayaw talaga. Sumubok akong magnobya kapag nababasted ako sa’yo ng pabiro. Gusto kong kalimutan kaya lang ay hindi ko magawa…”sambit niya. Tuluyan ko na tuloy nabitawan ang chicken na nasa pinggan ko.

“Aaron… hindi—“bago ko pa matuloy ang sasabihin ay nagsalita na siya.

“Pupwede bang pag-isipan mo muna, Cho, liligawan kita. Sigurado ako.”aniya sa akin ngunit umiling ako sa kaniya.

“Hindi na magbabago ang isipan ko, Aaron.”sabi ko ba malungkot pang ngumiti sa kaniya. Magsasalita pa sana siya ngunit nagsalita muli ako.

“Maliban sa kapatid lang ang turing ko sa’yo, may mahal akong iba.”sigurado kong saad. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa akin.

“Sorry…”sambit ko na tumayo na sa pagkakaupo. Tulala lang naman siya ng iniwan ko siya ngunit kung aaluhin ko pa ‘to’y baka umasa lang siya sa akin. Ayaw ko siyang bigyan ng kahit na anong hope dahil sigurado akong pakikipagkaibigan at kapatid lang ang maibibigay ko sa kaniya.

Mas lalo pang nadagdagan ang iniisip ko nang umuwi ako sa bahay. Kita kong nakaupo sa tapat ng bahay si Atlas kaya napabuntong hininga ako.

“Bukas na, please, pagod ako ngayon.”seryoso kong saad sa kaniya at tuloy tuloy na pumasok sa loob. Parang wala namn siyang lakas para makipagtalo sa akin. Tahimik lang siya nang hinayaan akong makapasok.

Nakailang buntong hininga pa ata habang naglilinis ng katawan at habang nag-aayos. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon.

“Mima…”bungad ko kay Mima nang tawagan ko siya.

“Oh, anong problema, Chora?”tanong niya sa akin.

“Bakit ganyan ang tono mo? Anong nangyari? Inaway ka nanaman ba ni Georgiana? Aba’t kukutusan ko na ‘yang nanay ng ex mo, Girl.”seryoso niyang saad. Bahagya naman akong natawa dahil sa tinuran nito. Nailing na lang ako habang naglalagay ng skin care product.

“Nako naman kasi, Girl, kung ako sa’yo kay Aaron ka na lang tanggap na tanggap ka pa ng pamilya namin.”natatawa niyang saad. Unti-unti namang nawala ang ngiti mula sa mga labi ko. Lagi siyang nagbibiro ng ganoon.

“Mima… sorry po…”pabulong na saad ko. Alam kong maraming naitulong si Mima sa akin. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kaniyang binasted ko ang kapatid niya.

“Hala, bakit? Huwag mong sabihing binasted mo na ang kapatid ko?”natatawa niya pang tanong. Natahimik naman ako roon kaya natahimik din siya mula sa kabilang linya.

“Sorry po, Mima…”hingi ko ng tawad sa kaniya. Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa bago siya tumawa.

“Bakit ka naman nagsosorry? Gaga ka.”natatawang saad niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapanguso dahil do’n.

“Nak, kahit gustong gusto kita para sa kapatid ko, hindi ko naman pilitin ‘yang puso mo at baka mamaya’y multuhin pa ako ng Mima mo.”natatawa niyang saad mula sa kabilang linya. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil do’n. Sobrang swerte ko talaga sa mga taong sobra kung mag-alaga sa akin.

“Saka gusto man kita para sa kapatid ko, alam kong may gusto kang iba. Alam kong may hinihintay ka pa rin hanggang ngayon, tama ba?”tanong niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita dahil tama rin naman kasi talaga siya. Hindi ko magawang iopen ang puso ko para sa ibang tao dahil hanggang ngayon isa pa rin ang nagmamay-ari. Isa pa rin ang hari.

“Huwag kang mag-alala roon, akong bahala sa kaniya. Huwag mo ng isipin pa ‘yon.”natatawa niyang saad sa akin.

“Mima, sorry and I love you.”sambit ko.

“Huwag kang magsorry, hindi mo kasalanan na nagustuhan ka ng kapatid ko, hindi mo rin kasalanan kung may gusto kang iba. I love you too. Lagi.”aniya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa usapan naming dalawa.

“Akala ko, Mhie, magagalit ka at isusumbat sa akin ang lahat.”sambit ko kaya nagtawanan kaming dalawa.

“Gaga ka, anong palagay mo naman sa akin? Takot ko lang na biglang umahon sa hukay ang Mima mo no! Saka alam mo ang gusto ko… gusto ko lang na mahanap mo ‘yong tunay na kasiyahan. Anong maisusumbat ko kung ikaw din ‘tong tumulong sa sarili mo. Katunayan ay kami pa ‘tong may utang na loob sa’yo. Tinulungan mo ako sa lahat.”saad niya.

“Mahal kita, Nak, kahit gusto kita para sa kapatid ko, hindi ko siya gusto para sa’yo.”natatawa niyang saad. Nagpaalam na rin naman siya kalaunan matapos ang usapan naming dalawa. Kahit paano’y nabawasan ang bigat. Mabuti na lang ay pinili ko agad na kausapin ito kung hindi’y hindi nanaman ako makakatulog.

Napagpasiyahan ko na rin na kausapin si Atlas baka sakaling mawala na rin kung ano man ang iniisip ko. Lumabas na ako ng bahay ngunit wala na siya roon, hindi katulad nitong mga nakaraang araw. Napabuntong hininga na lang ako bago nagtungo sa bahay niya. Kumatok lang ako ngunit wala rin namang sumasagot.

Napagpasiyahan ko na lang din na bumalik sa kwarto. Hindi naman ako gaanong nakatulog dahil sa mga iniisip.

Nang lumabas ako sa bahay ay punong puno ng ingay mula sa labas. Nagkakagulo ang mga tao sa bahay ni Atlas. Napaawang naman ang labi ko roon, mukhang alam na nila kung saan ‘to nakatira. Dire-diretso naman ako sa paglalakad. Mabuti na lang din talaga ay flexible ang katawan ko at nagawa ko pang sumingit sa kanilang lahat.

“Miss!”tawag sa akin ng isang reporter. Nagawa ko pang kumaway kaway sa screen, aba’t sayang din mukhang maipapalabas ako kung sakali.

“Kilala niyo ho ba si Mr. Atlas?”tanong niya sa akin.

“Sino namang hindi nakakakilala roon, Miss? Sikat ‘yon, ‘di ba?”nakangiti ko pang tanong. May itatanong pa sana siya sa akin ngunit dire-diretso na ako sa paglalakad dahil late na ako at nahahaggard ang beauty ko sa mga ‘to.

Nang makarating sa salon, napakunot din ang noo ko nang makita ang kumpulan ng mga tao sa salon. Nataranta pa ako nang mukha akong gegerahin ng mga ito nang papalapit sila sa akin kaya talagang nag-ala butiki akong naglakad papasok.

“Cho!”napatingin ako kay Juls na siyang hinihingal pa nang nanakbo palapit sa akin.

“Yes? Anong problema mo nanaman, Girl?”tanong ko.

“Saka bakit sobrang daming tao riyan sa labas? Akala mo’y may artista? Well, alam ko naman na maraming artista rito pero bakit hindi na ata nakaya nina Manong Guard?”tanong ko.

“Sino nanaman ang may issue?”tanong ko pa muli dahil saka lang naman punong puno ng mga reporter diyan kapag may inaabangan.

“Girl, nasa news ka na!”ani Ava sa akin kaya kumunot naman ang noo ko sa kaniya. Ang bilis naman?

“Oo, girl, ang daming tao sa amin kanina, alam na ata na roon nakatira si Atlas.”sabi ko kaya kumunot naman ang noo nila sa akin. Napatikhim ako dahil hindi ko nga pala naikwento ‘yon sa kanila.

“Gaga ka! Nasa news ka! As third party sa relasiyon ni Atlas at Ginly!”sabi ni Juls sa akin. Napaawang naman ang labi ko dahil do’n.

“Ano? Paanong—“gulong gulo naman ako dahil do’n.

“Hindi updated ang gaga! Ito oh!”aniya sa akin at pinakita pa ang isang article na nagsasabing ako raw ay third party, mayroon ding mga article na nagsasabing alam nilang mahilig talaga akong manira ng relasiyon. Pucha, sirain ko mukha ng mga ‘to e, paanong may alam silang hindi ko naman alam? Nailing na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa.

Mayroon pang video na magkasama kami ni Atlas na naglalakad sa kalsada at mayroon ‘yong naglalakad kami sa eskinita habang pinapapasok ko siya sa loob. Mayroon din ‘yong nasa set kami at inaayusan ko naman siya. Maraming litrato na halatang mayroong namamagitan sa aming dalawa.

“Alam mo bang instant sikat si Ginly dahil sa issue niyo ni Atlas?”tanong ni Ava sa akin.

“Ang daming interviews, saka huwag ka, Sis!  Nagawa pang umiyak ni Ginly doon akala mo’y sila nga talaga ni Atlas.”ani Juls na pinakita pa ang interview ni Ginly na umiiyak.

“Hindi ko alam kung saan kami nagkami… kung saan ako nagkulang. Kung bakit niya pa nagawang maghanap ng kalinga galing sa ibang tao…”aniya na humahagulgol ng iyak.

“Hindi ko rin alam kung paanong umabot kami sa ganito… mahal na mahal ko siya…”umiiyak na saad ni Ginly, hindi ko naman maiwasang maawa roon ngunit kahit ako’y nasasaktan din.

“Huwag mong sabihing naawa ka?”tanong ni Melly sa akin.

“Sis, hindi sila! Maniwala ka! Fake news naman kasi ‘tong Juls na ‘to!”sabi ni Melly na halos kurutin si Juls na siyang napanguso lang. Kumunot naman ang noo ko sa kanila dahil do’n.

“Bakit?”tanong ko. Ngayon lang kasi pumasok ang mga ‘to kaya ngayon ko lang nakakausap.

“Madalas silang magkasama oo. Pero madalas na si Ginly lang ‘tong sunod ng sunod kung nasaan si Atlas. Saka, Sis, huwag mong sasabihin ahh pero kasi naman no’ng jijingle sana ako sa may damuhan, narinig kong nirereject ni Atlas si Ginly kaya lang ay nagpupumilit ang gaga.”pagkukwento ni Melly. Hindi ko naman mapanguso dahil do’n.

“Girl! True ‘yan! Ang Mommy na mismo ni Atlas ang nagsabi.”ani Ava kaya tumaas naman ang kilay ko. Bakit ang sabi nila ni Madel ay sila?

“Kailan?”tanong ko.

“Kahapon. Nandito, nakausap ko. Gusto ka nga sanang kausapin e.”aniya sa akin kaya naningkit ang mga mata ko roon.

“Ano namang pag-uusapan naming dalawa? Ayaw niya rin naman sa akin para sa anak niya.”ani ko na napakibit ng balikat.

“Kaya lang ay gusto ka naman ng anak niya para sa sarili. Wala rin siyang magagawa roon.”natatawang saad naman ni Juls. Napailing na lang din ako roon. Kung hindi nga sila’y ang tanga ko pa rin dahil hindi ako nagtiwala sa kaniya. Hindi ko na talaga alam dahil sobrang gulo naming dalawa. Paano ako magtitiwala kung wala namang assurance na kami talaga? Hindi ko rin naman kasi nilinaw dahil masaya ako sa kung anong mayroon kami, kasalanan ko rin talaga.

“Aba’t patuloy na lang ba kayong magchichismisang apat diyan?!”napatingin naman kami kay Jana na siyang masama na agad ang tingin sa amin. Kaniya kaniya naman kaming tikhiman at nagtungo na rin sa aming mga trabaho. Naghagikhikan pa kami dahil back to normal nanaman ang pagiging suplada ni Jana.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon