Chapter 25

859 36 0
                                    

Chapter 25
Melchora’s POV

“Cho, boyfriend mo.”sambit ng mga kaklase ko sa akin at tinuro pa si Atlas na siyang naghihintay sa akin sa labas. Napairap naman ako nang makita ko siya. Paki ko? Magsama sila no’ng kaklase niya tutal ay pinagtatanggol niya naman. Nakakainis, Chora, hindi ko alam na ganito ka pala kachildish.

“Love, saan mo gustong kumain?”malambing na tanong ni Atlas na siyang pumasok na sa loob dahil hindi ko siya nilalabas. Winalk out-an ko ‘to kahapon kaya naman mula kagabi’y naglalambing. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng hindi ko maintindihang mga substance.

"Ang subject na 'to, parang ex ko! Ang hirap intindihin!"ani ko kaya nilingon niya ako.

“Sinong ex mo? Wala ka namang ex.”aniya sa akin.

“Sino bang ex ko? Edi ikaw, duh.”ani ko dahilan ng pagsama ng tingin niya sa akin

"Kailan tayo nagbreak?"tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay.

"Kahapon, noong nakipaglandian ka sa iba."sambit na inirapan din siya. Aba't akala mo'y siya pa ang galit, samantalang ako ‘tong dapat mainis sa kanya.

"I told you, I only have you."sambit niya pa sa akin.

“Lolo mo have you.”ani ko na inirapan siya.

“Cho…”tawag niya pa sa akin nang nanatili na ang mga mata ko sa binabasa.

“Ano?”inis ko siyang binalingan ng tingin.

“You should eat first.”aniya kaya mas lalo lang akong napairap.

“Hindi ka kumain? Kahapon nga natiis mong hindi ako sabayang kumain kahit gutom na gutom na ako, hindi ba?”tanong ko sa kanya na naiinis nanaman. Hindi ko alam kung bakit lahat ng gawin nito ngayon ay ikinakayamot ko.

“You were the one who left me, ikaw ‘tong pumasok ng hindi kumakain, maski ‘yong lunch na pinadala ko---“hindi niya pa natutuloy ang sasabihin nang magsalita na ako.

“So, sinisisi mo ako? Sino bang may kasalanan?”tanong ko naman na sinamaan siya ng tingin. Tumahimik na lang siya dahil lahat ng sasabihin niya’y nahahanapan ko ng mali.

“Eat. I won’t bother you, promise.”aniya na iniabot sa akin ang paperbag. Tinanggap ko naman ‘yon. Napasimangot ako nang umalis na siya. Nakakainis dahil naiinis akong narito siya pero mas nayayamot ako na umalis siya. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, maski ako’y naiinis na rin.

“Bakit mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo, Chora?”tanong ni Mima nang dumaan siya sa tapat ko habang nakahiga lang ako sa sala at tinititigan ang cellphone. Nagtetext naman si Atlas at gusto ko ng reply-an kaya lang ay hindi ko naman alam kung ano bang dapat kong sabihin sa kanya. Nayayamot na ako sa sarili dahil ako naman talaga ang mali pero hindi ko lang talaga maamin.

“Mima, should I chat him?”tanong ko kay Mima Joan na siyang dumaan sa harap ko.

“Huwag. Hayaan mo siyang manuyo.”aniya naman.

“Si Joan pa talaga ang tinanong mo, Chora, isa pa ‘yang mapride.”ani Mima Sunny na siyang abalang abala habang inaayos niya ang kit. Napanguso naman ako dahil do’n. Sabado ngayon kaya hindi ko magawang makita si Atlas at nag-away pa kami kaya hindi ko rin machat.

“Chat him, may competition kang sinalihan, ‘di ba?”agad naman akong napatayo dahil sa suhestiyon ni Mima. Oo nga! Bakit hindi ko naisip na palusot ‘yon?

Ako:

Make up. ASAP. Pero okay lang kung busy ka, huwag na lang.

Hindi ko alam kung matatawa o mahihiya ba ako sa chat ko. Nakakainis.

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita ko ang reply niya, wala pa atang ilang segundong nasend ang text.

Bf ko:

I’m not busy. Papunta na, Love.

Agad naman akong napatakbo sa kwarto kaya napatawa sina Mima sa akin. Hindi naman ako mapakali habang naghahanap ng susuotin, akala mo naman ay magdedate kami ni Atlas. Sobrang tagal ko pang nagdecide kahit pambahay lang naman ang dapat na suotin. Napanguso pa ako nang makita ang itsura sa salamin. Pawis na pawis ako kaya agad naglagay din ng make up kahit wala naman talaga akong balak kanina. Nataranta pa ako nang sabihin nina Mima na nasa labas na si Atlas, aba’t kakasabi niya lang na papunta na siya, huh?

“Kulang na lang ay maglong gown ka sa sobrang tagal mo, Chora.”natatawang saad ni Mima Joan sa akin. Tinawanan naman nila akong tatlo. Si Atlas naman ay hindi alam kung paano uupo sa sofa.

“Tara na.”malamig ko pang anyaya sa kanya papunta sa dressing room dito sa bahay kung saan kami madalas na nag-aayos. Napatango naman siya at agad na sumunod sa akin..

“I brought you some snack, kumain ka na?”tanong niya sa akin. Tumango lang naman ako at dumeretso na sa upuan. Ibinaba niya lang naman ang snacks sa lamesa malapit sa sofa bago siya naupo.

Tahimik lang kami habang inaayusan ko siya. Hindi ko magawang magsalita kahit ang sabi ko kanina’y ibaba ko na ang mataas kong pride. Titig na titig lang siya sa akin habang kinukuhanan ko siya ng litrato. Sa camera lang naman ako nakatingin dahil hindi ko siya magawang tignan sa mukha.

“Sorry na, Love…”pabulong na saad niya nang matapos ko siyang kuhanan ng litrato.

“Sorry.”ani ko at yumakap sa kanya.

“Sorry, I shouldn’t act that way…”sambit ko na napayuko pa. Nakakainis ka kasi, Chora, sobrang dami mong alam, nakakahiya ka.

“My fault, I made you feel that way.”aniya naman.

“Magtatalo ba ulit tayo kung sino ang may kasalanan?”tanong ko sa kanya. Bahagya naman kaming natawa at napailing na lang sa isa’t isa.

“By the way, are you really thay close to Anthony?”tanong niya na mukhang hindi rin mapakali.

“Huh? Hindi? Medyo? Wala kinausap ko lang, awkward naman kung hindi.”ani ko at napanguso.

“Why? Huwag mong sabihing nagseselos ka? Ikaw lang gusto ko, Loads.”natatawa kong saad. Kita ko naman ang bahagyang pagsimangot niya pero nawala rin ng sambitin ko ‘yon.

“I love you.”bulong ko.

“I love you, always.”aniya bago ako hinalikan sa labi. That ended our fight that night. It was kinda funny dahil parang walang nangyari at back to harutan nanaman kaming dalawa ng matapos.

“Ano? Ayos na kayo? Sa wakas ay back to normal nanaman ang maingay na Chora.”ani Zea kaya napatawa ako.

“Hindi ko alam kung good ba ‘yan o hindi, Zea? Rinding rindi na ako kay Cho.”ani Juls kaya inirapan ko naman siya.

“Para kanino naman ‘yan, Girl? Apology gift sa jowa mo?”tanong nila sa akin nang makita ang cookies na dala ko. Umiling naman ako at ngumiti pa. Kinawayan ko na sila at naglakad patungo sa department ni Atlas.

Naghintay lang ako sa may labas dahil may klase pa siya. Agad ko namang nakitang palabas ‘yong babae no’ng nakaraan, iiwas sana siya ngunit agag akong humarang. Tila ayaw niya namang tumingin sa akin.

“Uhh, hi, sorry if I acted that way, sorry if I made you uncomfortable, hmm, I made this cookies…”ani ko at nahihiyang iniabot sa kanya ang cookies na binake ko.

“Sorry, the truth is I really like Atlas, but now that you came here, ano… medyo nahiya rin ako dahil ganoon nga… thank you sa cookies pero huwag na… I should be the one saying sorry talaga.”aniya. Medyo nagulat naman ako nang sabihin nitong may gusto siya rito, sabi niya wala? Pero sige na nga, hindi naman na ako magtataka dahil sobrang dami naman talagang nagkakagusto sa kanya kahit sa department namin. Ang mahalaga, ako lang gusto.

“Oh… take it, l really bake it for you, sorry talaga.”nakangiti kong saad sa kanya at iniabot ang cookies.

“What about me, Cho? Wala ba akong pacookies diyan?”halos mapatalon naman ako sa gulat nang sumulpot si Carver na siyang kalalabas lang ng room nila.

“Si Atlas?”tanong ko na nagtaas pa ng kilay.

“Ayan na oh.”aniya at tinuro pa si Atlas na abalang abala sa pagtitipa sa kanyang phone. Naglakad naman ako palapit sa kanya at sinilip pa ang text mula sa cellphone niya. Ako rin ang tinetext nito, nakalimutan ko ang phone ko sa bag.

“Love, madapa ka.”bulong ko sa kanya jaya agad siyang natigilan at napatingin sa akin.

“What are you doing here?”tanong niya na malapad ang naging ngiti sa akin.

“I brought cookies to your friend, nagsorry na rin sa inasal ko.”ani ko na napakibit ng balikat.

“Asan akin?”tanong niya.

“Wow, may gana ka pang maghanap. Minukbang mo na nga labi ki kagabi.”sambit ko kaya napatikhim ang ilang kaibigan niya na nakikinig sa amin. Natawa naman ako sa mga ito.

“Tangina niyo, mga pavirgin.”natatawa kong sambit.

“Cho…”ani Atlas na nilalayo na ako sa mga ‘to. Natawa na lang ako sa kanya. Umalis na rin naman kami roon at nagtungo na sa cafeteria para kumain.

Kinabukasan naman ay maaga siya sa bahay dahil final na ang pag-aayos namin at interview na rin. Habang inihahanda namin ang sarili’y hindi ko maiwasang magtanong kay Atlas.

“Love.”tawag ko sa kanya.

“Hmm?” tanong niya habang nagsstrum ng gitara, pinapagaan niya ang atmospera.

“What’s your dream?”hindi ko maiwasang itanong. Napahinto naman siya roon at napatingin sa akin.

“When I was young I really want to be like my Dad until now… I want to be a great Dad and a great businessman I think?”tanong niya na napakibit pa ng balikat.

“Sobrang close talaga kayo ng Daddy mo no?”tanong ko sa kanya at ngumiti. Actually, naikwento niya sa akin kung gaano sila kaclose lalo na’t sa Dad niya rin siya nakatira for years, marami rin kasi silang business doon, ngayon lang lumipat sa pilipinas noong wala ng kasama ang Mommy niya sa Villa Garcia.

“My Mom is always busy with her work kaya ‘yon.”aniya kaya nagtanong pa ako ng kung ano ano. I love it when he’s talking, ang dami kong natututunan tungkol sa kanya.

Maya-maya lang din naman ay huminto na kami sa pagkukwentuhan dahil magsstart na kami sa mga gagawin ngayong araw.

“May I ask kung ano para sa’yo ang make up?”tanong ko sa kanya dahil kailangan sa video.

“Hmm, if you ask me that question years ago before I met my favourite make up artist…”nakangiti niyang saad at tumingin pa sa akin.

“I won’t be able to answer it, baka ipagkibit ko lang ng balikat dahil I don’t actually see any reason to wear it?”patanong na sagot niya. Sa mukha niya kasi’y parang wala naman talagang kailangan patunayan.

“But my perspective is kinda different now, just like the shade of it, it gave colors to someone’s face, to someone’s life.”aniya at ngumiti pa habang nakatingin sa akin. Napangiti naman ako sa naging sagot nito.

Kumuha pa kaming litrato dalawa bago nagseryoso habang nakavideo kaming dalawa. I tried to think a way kung paano ko nga ba aayusan si Atlas with my concept na art na nagsstruggle. Marami akong props dito sa loob. Napangiti naman ako nang para akong nagpipinta habang inaayusan ko siya. It was really satisfying nang matapos kong ayusan siya. Kinuhanan ko rin siya ng litrato at hindi ko mapigilang matuwa sa kinalabasan. Madali niya lang naiintindihan ang concept ko at wala man lang siyang kakaba kaba habang kinukuhanan siya as if he was born in front of camera.

“Kinakabahan ako!”hindi ko mapigilang sambitin habang inaattached ang mga files at balak ng isubmit ‘yon.

“You did well, no matter what the decision is, you’re good.”aniya sa akin kaya hindi ko mapigilang mapanguso at sinend na ngbtuluyan ‘yon.

“Thank you, Love…”pabulong kong saad sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Hmm, you’re always welcome,”aniya at ginulo pa ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam na alam talaga ng isang ‘to kung paano ako inisin.

“Atlas!”inis kong sigaw kaya nanatawa na lang siyang napatakbo. Para lang kaming tangang naghabulan sa loob ng araw na ‘yon.

“Cho!”tawag ni Hannah sa akin nang magtungo siya sa room, ilang linggo makalipas.

“Oh?”tanong ko naman na nagtataka sa kanya.

“Congrats! Galing mo talaga!”anila na niyakap pa ako ng mahigpit. Kunot noo ko naman silang tinignan. Napatingin naman ako sa pinto nang makita ko si Atlas na malapad din ang ngiti sa akin.

“You won!”aniya pa kaya napatigil ako sandali. Hindi naman ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. May dala dala pa itong bulaklak to congratulate me.

“You deserve it, Love, I know you’ll make it.”aniya na niyakap pa ako. I won my first competition and that was the climax of my 1st year in college.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon