Chapter 7

991 44 0
                                    

Chapter 7
Melchora’s POV

“Ano ‘to?”mukhang disappointed na tanong ni Indigo nang iabot ko sa kanya ang cup na may dalawang pirasong fishball, isang kikiam, isa squid ball at isang kwek kwek.

“Street foods. Ano pa ba?”tanong ko naman na pinagtaasan siya ng kilay. Napatingin siya sa akin tila ba may ginawa akong mali. Pinigil ko naman ang tawa ko dahil sa itsura nitong tila ba bigong bigo.

“Bakit parang disappointed ka, nandiyan naman lahat, fishball, kwek kwek, squid ball, kikiam o ito pa ang gulaman.”natatawa kong saad. Bawal talagang bumili ng pagkain sa labas pero bawal lang kapag nahuli ka. May paperbag naman akong dala, hindi naman bawal ang magdala ng sarili mong pagkain.

“Napakascammer mo!”aniya na nagdrama pa habang nakatingin sa akin. Hindi ko na napagilan pa ang pagtawa sa kanya.

“Joke lang, ito naman.”natatawa kong sambit at nilabas ang paperbag na may apat na cup, isa para sa fishball, kikiam, squid ball at kwek kwek. Puno lahat ng ‘yon dahil good mood ako. Ang mukhang naluging mukha ni Indigo’y napalipatan ng tuwa kaya nailing na lang ako.

“Hoy, pahingi!”sabi no’ng mga kaklase kong lalaki, ang yayaman ngunit hindi makabili. Natawa na lang ako nang pagalit pa silang tinignan ni Indigo, parang makikipagpatayan pa ang isang ‘to para sa pagkain.

Nailing na lang ako bago ako nangalumbabang sumilip sa phone ko. Napangisi naman ako habang iniistalk si Atlas, noong una’y mga public post lang na nakatag siya ang kita ko pero ngayon ay kita ko na ang ilang post niya dahil inaccept na ako. Wala namang gaanong post, halos ilang taon na nga ‘yong iba pero gusto ko lang tignan ang mga ‘yon dahil hindi ‘to nagrereply sa mga text ko. Ang dami ko na kayang text do’n. Naalala ko tuloy ang text namin kagabi.

Ako:

Atlas, kung nakauwi ka na type ‘.’

Atlas:

.

Atleast nagreply, hindi ba? Napangiti naman ako habang tinititigan ng dot na text niya ngayon.

Cho @Prettychora: Crush kung crush mo rin ako, type ‘.’

Ken @Kennethkabinet: .

Mateo @Teonottao: dot

“Kung ano ano nanaman inaatupag mo, Chora.”natatawang saad ni Indigo na naiiling sa akin, tamang kain lang ‘to habang may pinapabasa ang mga kaklase ko. Probably my tweet.

“Sino ba ‘yang crush mong ‘yan at nang mailakad ka namin.”sabi nina Thomas.

“Hindi na kailangan, kaya ko.”sabi ko naman at ngumisi. Reto reto, hindi ko ‘yon kailangan, ang kailang ko’y ang art of harot.

“Ahh, kaya pala.”ani Indigo at tumango tango pa, inirapan ko naman siya at hindi pinansin ang mapang-asar niyang tingin. Natawa na lang din siya sa akin dahil do’n.

Maya-maya lang ay dumating na ang guro namin, tamad na tamad naman akong nakinig dito. Napangisi naman ako nang may activity siyang pinapagawa.

“Ma’am!”nagtaas pa ako ng kamay kaya akala niya’y may sasabihin akong maganda, mukha pa siyang tuwang tuwa dahil hindi naman talaga ako nakikipagparticipate sa klase niya.

“Ma’am, manghihiram lang pong ballpen sa kabilang section.”ani ko kaya agad kumunot ang noo niya.

“Bakit hindi ka na lang sa mga kaklase mo manghiram.”tinignan ko naman ang mga kaklase ko, sinenyasan ko naman silang huwag. Mayroong madadamot talaga ngunit marami rin naman ang magpapahiram. Nagmadali naman akong lumabas nang pumayag ang guro. Imbis na sa malapit na room ako nagtungo, sa room nina Atlas ako nagpunta.

“Good morning, Ma’am.”nakangiti kong bati sa guro na nagtuturo.

“Yes, Ms. Benavidez?”tanong nito na nagtaas ng kilay sa akin.

“Ma’am, excuse ko po si Mr. Garcia.”nakangiti kong saad. Sinenyasan naman ng guro si Carver ngunit agad akong umiling.

“Ma’am, si Atlas po.”ani ko. Nasermonan tuloy ito dahil mukhang natutulog nanaman. Pinalabas naman siya ng guro dahil nga inexcuse ko.

“Ano?”masungit niyang tanong sa akin.

“Pahiram ballpen.”nakangiti kong saad, kita ko naman ang pagkunot ng noo nito sa akin, hindi naman nawala ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa kanya. Napatawa pa nga ako ng mahina dahil sa naging reaksiyon nito. Nailing na lang siyang pumasok sa loob ng room nila bago siya kumuha ng ballpen at iniabot sa akin, aba’t mukhang kumpleto gamit kahit tinutulugan niya lang klase, huh?

“Thanks!”malapad ang ngiting saad ko sa kanya. Tinignan niya lang ako hanggang sa tawagin na siya ng guro niya. Pakaway kaway pa akong bumalik sa classroom ko habang malapad ang ngiti. Nanliliit naman ang mga mata ni Bella sa akin.

“Anong meron?”tanong niya. Nagkibit naman ako nang balikat bago naglakad patungo sa upuan ko.

“Saan ka galing?”tanong ni Indigo sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat habang malapad ang ngiti nakatingin sa ballpen ni Atlas. Ganado naman akong nagsulat habang nagpapalecture ang guro pero syempre hindi naman para roon ‘yon.

Dear Atlas,

Kung mapapansin mo, ballpen mo ang gamit ko sa pagsusulat nito, hehe. Infairness, ganda ng sulat ko sa ballpen mo. Gwapo mo kahit bagong gising. Pakiss nga. Half charot. AHAFSHAHAHAHA. Sinulat ko ‘to dahil gusto ko lang sayangin tinta ng ballpen mo, salamat sa pagpapahiram.

Pretty, Chora

Napatawa naman ako sa sinusulat ko. Bored na bored na ako sa klase kaya wala akong maisip na gawin. Nang dumating ang break, naglakad na ako sa classroom nina Atlas. Agad kobg nakitang nakahubad nanaman siya ng uniporme habang may hawak na gitara. Malapad naman ang ngiti ko habang pinapakinggan siyang kumanta. Maingay ang room nila dahil break time na rin, may ilan pang kumaway sa akin. Kinawayan ko lang din sila pabalik..

“Cho! Paayos akong buhok!”sabi ni Kaye na siyang nakaupo sa may pinakadulo, sa tinis ng boses nito’y dinig na dinig sa buong room nila.

“Oo, sige, haharot lang ako sandali.”natatawa kong saad.

“Oh, sino crush mo?”tanong niya naman.

“Si Atlas.”ani ko kasabay ng paghinto ng tugtog, napatingin tuloy sa akin ang kaninang nagkakantahang mga estudyante. Malapad naman ang ngiti kong lumapit sa kanila.

“Hi! Isasauli ko lang ballpen mo!”malapad ang ngiti kong saad at iniabot sa kanya ang ballpen na may kasama pang letter.

“Aba’t may palove letter pa!”natatawang saad ni Bren. Umirap lang naman ako sa kanila. Tinignan naman ni Atlas ‘yon, hihilain pa sana ng mga hinayupak ngunit bago pa nila nagawa ay nabatukan ko na.

“Kung gusto niyo ng letter, gagawan ko rin kayo, mga hinayupak na ‘to.”ani ko na sinamaan sila ng tingin. Nang lingunin ko naman si Atlas ay malapad ang ngiti kong iniaabot pa rin ang letter at pati ang ballpen ngunit hindi niya tinanggap.

“I don’t need it, sa’yo na.”suplado niyang saad bago ako tinalikuran at kasama sina Carver na lumabas ng room, ang malapad na ngiti ko’y napalitan ng pagkasimangot. Sinamahan pa ng kantiyawan ng mga kaklase nila.

“Ano ba ‘yan rejected ka na agad? Ako na lang kasi, Cho!”natatawang saad ni Ken, isa sa mga kaibigan ni Mateo. Umirap naman ako roon.

“Awwe, kung ako diyan, iyak na ako!”natatawa pang pang-aasar ng isa sa kanila. Natawa na lang din ako dahil minsan ay ako pa ang nangungunang nang-aasar sa ganyang paraan kapag narereject ang kung sino sa school. Well, medyo nahurt me pero ayos lang. Akin din naman ang bagsak no’n. Napangisi na lang ako sa naiisip, ang lakas naman pala ng loob mo, Chora, kapag ikaw ang umiyak sa huli, walang sisihan.

Imbis na umalis sa classroom nila dahil sa pagkapahiya, nanatili pa rin ako para ayusan ang mga kaibigang gustong magparetouch. Wala namang kaso sa akin dahil humupa rin naman ang mga kantiyawan nila.

“Cho, pupunta ka ba sa plaza tomorrow evening?”tanong sa akin ni Kaye.

“Oo, nandoon ang mga Mima ko.”may event kasi for make up artist tomorrow, sina Mima ang maghahandle kaya naman napilit ko silang isingit ako. Nagseminar naman ako noong nakaraan kaya kahit paano’y alam ko ang gagawin.

“Talaga? May ticket din kami for that event, ang dami raw sikat na artistang dadalo!”nakangiti nilang saad sa akin.

“Nasabi nga ni Mima.”ani ko at tumango, sa totoo lang ay mas excited akong makita ang ilang sikat na make up artist kaysa sa mga artistang dadalo. Marami rin kasing naimbita roon maski ang ilang kilalang tao. Magshoshowcase kasi ng talent ang mga make up artist, ang mga ‘yon pa naman ay maraming kilala kaya naman inimbitahan din. Fundraising din kasi ‘yon para sa mga may kapansanan.

“Kita kits na lang tayo roon kung ganoon.”nakangiti niyang saad sa akin.

“Oo ba.”nakangiti ko ring sambit. Nagpalipas lang ako ng oras sa classroom nila hanggang sa makita kong papasok na sina Atlas sa classroom, napanguso naman ako dahil sa kanina ngunit agad kong ipinagkibit na lang ‘yon ng balikat. Malapad ang ngiti ko siyang tinignan.

“Sure ka? Akin na talaga ‘to? Mukha pa namang mamahalin! Thanks!”ani ko na hindi niya naman pinansin.

“Suplado!”natatawa kong saad bago ako naglakad patungo sa labas.

Cho @Prettychora: Suplado no’ng crush ko. Pahiya akong kaunti, bawi na lang bukas AHSGSGSGSHSHAHAAHA

Tina @Indigoat: Aral aral din kasi, Loads

Cho @Prettychora: Nagsalita ang nag-aaral ng mabuti

Babawi sana ako kinabukasan ngunit masiyado akong excited mamayang gabi kaya hindi ako mapakali habang nasa upuan ko.

“Oh, Cho, bakit nanahimik ka ata ngayon dito? Nasupalpal ka ba kay Atlas?”tanong sa akin ni Carver, nginiwian ko naman siya dahil do’n.

“Bobo, hindi naman ako ganoon kababaw.”natatawa kong saad sa kanya.

“Hayaan mo ‘yan, kanina pa nagdadasal na sana’y makita ang idol niya.”ani Indigo na nilabas na ang phone ngayon.

“Ano? G na?”tanong niya pa sa akin. Tumango naman ako at tumabi sa kanila, nagsimula naman na kaming maglaro, kaysa kabahan ako para mamaya’y lilibangin ko na lang ang sarili. Napuno lang ang ingay ang room dahil sa aming tatlo. Malapad naman ang naging ngisi ko ng nanalo kami.

“Sabihin niyo, thanks, Master.”natatawa kong saad sa kanilang dalawa. Nagkatinginan naman ang mga ito at parehas pang napangiwi kaya naningkit ang mga mata ko bago sila sinamaan ng tingin. Natawa maman sila dahil do’n.

Nagbukas maman ako ng moby caramel, inabutan ko lang naman sila.

“Pucha naman, Indigo, sa’yo na kaya, tangina mo, hindi pa ako nakakasubo, ubos mo na.”sabi ko na nginiwian si Indigo.

“Oa nito, dadakot pa lang.”aniya. Nagtalo pa kaming dalawa dahil do’n.

“Alam mo kailanman hindi ka kakainin ng lungkot, kasi ang kunat mo!”ani Indigo sa akin.

“Ano?!”malakas kong sigaw sa kanya at hinabol pa siya dahil tumakbo. Madalas talaga kaming magtalong dalawa, kung gaano kadalas kaming magkasundo ay ganoon din kami kadalas mag-away.

“Oops, Sorry!”natatawa kong saad nang may mabangga. Agad namang lumapad ang ngiti ko nang mapatingin kay Atlas na nakasimangot lang ang mukha habang nakatingin sa akin.

“Hi, crush! Miss mo ako?”nakangiti kong tanong kahit na kanina lang naman ako hindi nagpakita sa kanya.

“Hala, snobber yarn?”natatawa kong tanong nang magpatuloy siya sa paglalakad, sumunod naman ako sa kanya.

“Saan mo ‘yan dadalhin? Sa library ba? Bait mo naman!”sa mukha niya, parang hindi siya ‘yong tipong mauutusan ng teacher pero ang dami niyang bitbit na libro ngayon, nasa gilid kasi ng hagdan ang room namin, patungo sa library habang ang kanila, doon ang labasan kaya lagi ko ring nadadaanan.

“Tulungan na kita!”nakangiti kong saad, hindi niya naman ‘yon sinuklian ng ngiti bagkus ay malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin.

“I can handle it myself.”suplado niyang saad, hindi naman ako nagpatinag sa kanya at patuloy pa rin sa pagngiti. Nagawa ko pang makipag-agawan sa mga libro hanggang sa nagsibagsakan ang ilan. Medyo nagulat naman ako roon at nataranta ring yumuko para kuhanin ang mga libro. Mas lalo naman siyang nairita sa akin dahil do’n, pakiramdam ko’y pinipigilan niya lang ang sariling bulyawan ako.

Napanguso naman ako nang higitin niya sa akin ang mga pinulot ko sa lapag na libro.

“Sorry, gusto ko lang namang tumulong!”ani ko na may ngiti pa rin sa labi kahit na nanginginig na at gusto ng mawala ang ngiti.

“I don’t have time to waste for someone like you, stop bothering me.”iritado niyang saad sa akin. Unti-unti namang nawala ang ngiti ko do’n.


Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now