Chapter 30

905 29 3
                                    

Chapter 30
Melchora's POV

"Chora, kain ka muna..."ani Mima Sunny sa akin ngunit umiling lang ako dahil hindi ako makaramdam ng kahit anong gutom.

"Kain ka kahit kaunti lang, Cho."ani Mima Lena ngunit umiling lang ako sa kanila.

Ang sabi nila'y matagal ng may Leukemia si Mima Joan ngunit walang ni isa sa aming tatlo ang may alam no'n. Wala man lang nakapansin sa amin na may sakit na pala 'to at malapit ng pumanaw. Hindi siya nagbakasiyon sa madrid, nagtungo lang siya sa hospital. Ni hindi niya man lang kami inabisuhan. Napakadaya... Hindi ko na namalayan pa ang pagtulo muli ng nga luha habang nakatingin sa kanyang kabaong.

"No, that's not my son, no..."ni hindi ko nilingon ang mga kararating lang. Tulala lang ako hanggang ngayon, hindi pa rin matanggap na talaga ngang iniwan niya na ako.

"No, Jonel, you're not going to leave me like that."ani nang matanda... ang lolo ko. Funny how they look at him with sadness when the truth is sila mismo ang tumalikod sa anak. Funny how they show their loves for him when he's now gone. That's just fuck up. Hindi ako tumayo para batiin ang mga 'to. Tahimik lang ako habang nananatili sa pwesto ko.

"Cho... you should eat."bulong sa akin ni Atlas na hindi ako iniwan kahit isang beses.

"Hindi pa ako gutom..."mahinang saad ko kaya napatitig siya lalo sa akin.

Nakipag-usap sina Mima kay Lolo kahit na ilang beses din silang ininsulto nito noon. Kasunod ni Lolo si Mama na siyang kasama si Ginly pati na rin ang ilan pa nilang pakatid. Nagtuloy tuloy lang sila sa pagsilip sa kabao ni Mima at patuloy na nag-iiyakan. Pinanood ko lang ang mga ito. Mima probably's laughing at them right now, ilang beses nila itong tinaboy. Ilang beses nilang hinayaang alipustahin ng mismomg miyembro ng pamilya nila but they will show here like a good family members. But who I am to judge? Baka nagsisi. Sana.

Tahimik lang akong nakaupo rito sa isang gilid. Maraming dumating, mga customer ni Mima noon, mga empleyado ng salon, mga kaibigan niya. I'm happy na marami ring dumalaw sa kanya.

"Love, tubig."ani Atlas na iniabot sa akin ang tubig. Nagpasalamat lang ako at sumisim lang ng kaunti rito.

Napatingin ako nang lumapit si Mama sa gawi ko. Nagpaalam si Atlas nang mapansin niya 'yon. Tahimik lang kaming dalawa ni Mama hanggang sa magsalita siya.

"Your sister like Atlas,"she said. Oh. Ano pa nga bang inaasahan mo, Cho. Do you expect her to comfort you?

Pero hindi ba makapaghintay ang pag-aalala niya sa anak niya? Kapatid niya rin naman ang nawala pero bakit... Nilingon ko siya. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon ng mukha nito ngayon pero alam ko na. She's probably disgusted just by talking to me. Tignan nga lang ako'y makikitaan na siya ng pandidiri.

"If I give him to her, will you like me?"tanong ko. Mapait ang naging ngiti nang matagal bago siya sumagot. Do they want to take everything from me?

"Okay. Okay po."ani ko na nag-iwas ng tingin. Kahit ano pa 'yan, basta para sa'yo po, Mama, gagawin ko.

"Siya na lang 'yong meron ako, pero sige po, ibibigay ko."ani ko na ngumiti pa sa kanya bagi nag-iwas ng tingin at tumayo na para umalis doon. Hindi ako nakipag-usap pa sa kanila lalo na nang marinig ko ang usapan mula sa labas.

"Bakit naman niya ibibigay sa ampon niya ang salon? I'll take it, ako ang magmamanage ng salon."anang isa kong Tiya.

"Akin ang bahay tutal ay malapit lang naman 'yon sa pinagtatrabahuan ko ngayon."sambit ng Tiyo ko. Fuck them all, respeto man lang sana kay Mima. Kung ang pinunta nilang lahat dito'y mga bagay na para lang sa sarili nilang kagustuhan, sana pinatapos man lang nila ang lamay o 'di naman kaya sana'y kinuha na lang nila ng tahimik. Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila. They can take anything they want.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon