Chapter 35

946 31 0
                                    

Chapter 35
Melchora’s POV

“Wow, sobrang arte ni Atlas, Sis, mabuti’t gusto ka niya.”ani Olin sa akin.

“Si Chora lang ‘to, Olin.”natatawa kong biro sa kanya ngunit inis na inis talaga kay Atlas. Aba’t may paasap asap pa siya.

“Mukhang suplado rin ‘yon no?”tanong pa nila sa akin. Suplado raw, sobrang isip bata niya kaya noon kahit college na kami. Wow, Cho, kung makapagsalita, isa ka rin. Humingi lang ako ng paumanhin kay Cruix na natawa lang.

“Oks lang, Cho, retouch na lang naman. Sige na.”aniya kaya ngumiti ako sa kanya. Well, vip kasi ‘yang Atlas na ‘yan e. Very Inutil Person. Joke lang, lodicakes.

Nagtungo naman na ako sa tent nito. Kasama niya sina Kuya Franco, ‘yong manager niya saka si Ate Rea, ‘yong PA niya. Nakikipagtawaman pa siya sa mga ito habang nakikipagkwentuhan ngunit nang makita niya akong pumasok ay nawala ang ngiti niya. Palihim naman akong napairap dito. Aba’t ano nanaman bang ginawa ko?

Lumapit naman na ako at nagsimula siyang ayusan. Nang lagyan ko ‘to ng highlighter, pansin ko ang titig niya.

“Ano, Loads? Crush mo ulit ako?”natatawa kong bulong sa kanya ngunit agad din na nawala ng magsalita siya.

“Of course not, why would I?”aniya na nagsusuplado nanaman. Daig niya pa ang may regla sa kasungitang taglay niya. Akala mo naman, hindi ako crush noon.

Nagpatuloy lang ako paglalagay ng highlight sa mukha niya. Nang matapos ako sa pag-aayos dito’y tinitigan ko lang siya sandali bago ko inayos ang kit ko.

Paalis na ako nang mag-utos nanaman ito, pinapakuha ang duffle bag niyang nasa labas at pati ang upuan niya. Masama man ang loob, sinunod ko pa rin ang utos nito. Pucha, daig ko pa ang utusan nito. Pagkakaalam ko’y make up artist assistant ang inapply-an ko pero why naman ganito?

Nang ibigay ko’y sinamaan ko siya ng tingin nang magbabalak nanaman siya sa aking mag-utos. Nagmadali na rin akong lumabas. Nanood na lang din ng ilang scene dahil retouch retouch na lang naman ‘yon.

Maya-maya ay lumabas na rin si Atlas sa kanyang lungga dahil scene na nila ngayon ni Grace, nakikinood naman na kami nina Ava dahil tapos na kami sa ginagawa. Infairness, ang galing talaga ni Atlas na umarte, ganoon din si Grace, parang makatotohanan. Bagay na bagay din naman kasi sa role niya si Atlas, asshole cityboy. Half joke.

“Gaga, wala sa scene ‘yong muntik ng kiss ahh!”ani Ava. Kunwari’y natapilok kasi si Grace at muntikan niya na talaga mahalikan si Atlas kung hindi lang ‘to umiwas. Nagawa naman nilang gumawa ng impromptu na dialogues. Napakibit na lang ako ng balikat doon dahil maganda naman ang kinalabasan, katunayan ay pinuri pa nga sila ni direct Kath dahil magaling ang pagkakaarte nila. Agad namang dumako ang mga mata ni Atlas sa gawi namin kaya halos maghampasan nanaman ang mga kaibigan kong mahaharot. Hindi ko na lang maiwasan ang matawa sa kanila.

Palapit na siya sa akin at dahil alam kong mag-uutos nanaman ‘to’y agad akong umalis sa gawi ko at nagkunwaring abalang abala sa pagmemake up kay Olin na tapos naman na ang scene.

“Girl, oks na ‘yan, para naman maganda ka sa ipopost mo sa ig.”pang-uuto ko sa kanya para hindi na siya magreklamo pa. Napapayag din naman siya. Naging abala na rin naman talaga ako nang makaalis si Olin.

“Chora, come to my room tomorrow.”nanlaki naman ang mga mata ko kay Atlas nang sabihin niya ‘yon. Napatingin pa ako sa mga tao, mukha namang walang nakarinig.

“Hoy, gago, hindi ganyan ang trabaho ko.”sambit ko kaya napakunot ang noo niya sa akin at bahagya pang natawa. Tinignan niya pa ang katawan ko na akala mo’y sinusuri, hindi ko tuloy mapigil ang sarili na batuhin siya ng kung ano. Mas lalo lang naman lumapad ang ngisi mula sa kanyang mga labi.

“Ulol mo,”ani ko sa kanya kaya nagseryoso na siya ng pilit.

“Help me with my luggage.”aniya. Aba’t ang dami dami niyang pupwedeng pakiusapan. Napairap na lang ako roon at tumango. May choice pa ba ako?

“Chora, patulong dito.”ani Jana kaya napatakbo naman ako sa gawi nila, ang ending ako rin ang gumawa ng patulong na sinasabi nito. Hindi na lang din ako nagreklamo dahil ako rin naman ang mali kung sakali. Naging abala na lang din ako roon hanggang sa sumapit na ang dilim.

Nasa kanya kanya ng hotel room ang mga kasama namin habang tinutulungan naman ako nina Ava sa pag-aayos.

“Bruhilda talaga ‘yang Jana na ‘yan.”ani Juls.

“Gaga, hayaan niyo na, kaya naman natin.”ani ko sa kanila nang tuluyan ng matapos. Napainat pa ako sa sobrang sakit ng likod. Nagtungo na rin kami sa hotel na pagtutuluyan.

Ramdam ko ang pagod at dahil na rin sa matagal na pagtayo plus masikip pa ang doll shoes ko. Nang alisin ko ang sapatos ay napatingin si Melly sa paa ko.

“Girl, bakit hindi mo pa palitan ‘yang doll shoes mo? Parang sobrang sikip na para sa’yo.”aniya sa akin.

“Oo, sis, sa next na sahod ko. Balak kong ipadala muna ang ngayon sa probinsiya.”ani ko kaya napatitig siya sa akin. Ngumiti lang naman ako at nagkibit ng balikat. Pumasok na rin naman ako sa cr kalaunan para maginhawaan. Nang matapos ay nagsusuklay akong naupo sa kama ngunit tiwanag ako ni Melly.

“Sis, tignan mo kung kasiya mo.”aniya sa akin at ibinigay ang bagong sapatos. Bahagya naman akong nagulat dahil mukhang bagong sapatos na mukhang kabibili lang.

“Hoy, gagi, saan ‘yan galing?”tanong ko sa kanya. Nagkibit lang naman siya ng balikat.

“Sukatin mo na lang, Girl, sa’yo na kapag kasiya mo.”aniya na tinulak pa sa paa ko ‘yon. Agad naman akong umiling dahil nakakahiya namang tanggapin ito.

“Girl, mura lang ‘yan.”sambit niya.

“Hoy, maalam din ako kahit paano sa mga branded, tigilan mo nga ako, Melly.”natatawa kong saad.

“Sukatin mo na kasi, Sis, dami mo pang sinasabi.”aniya kaya inirapan ko lang siya bago napagpasiyahan na sukatin nga ‘yon. Saktong sakto naman iyon sa paa ko.

“Wow, parang sinukat talaga para sa paa mo, huh?”nakangisi niyang saad.

“Sa’yo na ‘yan.”aniya bago nagtungo sa cr. Magsasalita pa sana ako ngunit ngumiti lang siya sa akin at pumasok na sa loob ng cr. Hindi ko naman maiwasang mapanguso habang nakatingin sa sapatos. Hindi ko mapigilang mapangiti bago ‘yon ibinalik sa box. Susuotin ko ‘to kapag uuwi na kami.

Akala ko’y magkakaroon pa ako ng oras para sumilip silip sa labas kaya lang ay hinihila na agad ako ng antok. Nang makahiga’y agad na akong dinala sa dreamland.

Nang magising kinabukasan ay ginising ko rin si Melly na mahimbing na mahimbing ang tulog.

“Girl, gising na, nalulunod na ‘yang unan ng laway mo.”panggugulo ko sa kanya. Maaga kaming tutungo sa fortune island resort, kakain muna sandali rito sa hotel bago magtungo roon.

“Sis!”halos itulak ko na siya’y wala pa ring balak magising. Nailing na lang ako at naligo na muna bago siya gisingin muli. Nagsusuklay na ako nang mapatingin sa may pintuan dahil may kumakatok. Isang beses ko pang tinapik si Melly na siyang gumalaw lang ngunit hindi rin nagising. Aba’t sobrang deep sleeper ng isang ‘to, kahit ata’y ihagis mo sa dagat ay hindi pa rin babangon.

“Teka lang, Sis, ang tagal magising ni Melly, ihagis na kaya natin sa po—“bago ko pa matapos ang sasabihin ay natigilan na ako dahil nakita si Atlas.

“Anong ginagawa mo rito, Loads? Iniistalk mo ba ako? Bakit alam mo ang room ko?”tanong ko sa kanya.

“Your friends said it to me.”aniya naman na napakibit pa ng balikat, walang pakialam sa sunod sunod na tanong ko.

“Come to my room now.”utos niya pa na naglakad na patungo sa room niya. Ni hindi pa nga ako kumakain, aba!

Ginising ko lang si Melly na siyang saka lang natauhan, halos hindi pa gising ang diwa niya nang nagmulagat na, nakatulala lang siya, hindi ko alam kung matatawa ba ako rito o ano. Ngayon ko lang kasi ‘to unang nakasamang matulog dahil madalas ay hindi naman ako sinasama sa mga ganito kaya nga excited na excited din ako nang sabihan nila akong isasama sa shoot dito sa batangas.

“Girl, mukha kang sabog.”naiiling kong saad sa kanya bago nagpaalam na aalis na.

Nagtungo naman na ako sa room ni Atlas na siyang nakaabang lang din naman sa akin sa tapat ng kanyang pintuan.

“Ang tagal mo.”reklamo niya kaya hindi ko mapigilang mapairap. Anong gusto niya nakasunod agad ako? Aba.

“Ano ba kasi ‘yon? Wala ka man lang bang pupwedeng magbuhat niyang mga bagahe mo?”hindi na mapigilan pa ang pagrereklamo sa kanya.

“Nagrereklamo?”tanong niya na nakataas pa ang kilay.

“Medj.”sagot ko naman na hindi niya rin pinansin.

“Let’s eat first, ang tagal mo, gutom na ako.”saad niya kaya napangiwi ako.

“Hawak ko ba kaldero?”tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin at pinapasok din naman sa hotel room niya. Parehas lang din sa kung ano ang disenyo ng kwarto namin ang kanya. Bakit ang sabi nina Olin ay nasa isang resort sila pinagstay ngayon? Bakit nandito si Atlas?

Marami ng pagkain ang nasa lamesa niya, well, hindi naman na ako tatanggi pa dahil gutom na rin naman talaga ako at extra bayad na rin niya sa pang-aalila sa akin no!

“What about your manager? Hindi mo ba yayayain?”tanong ko sa kanya dahil tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

“They are already eating in their rooms, nagpadeliver na ako.”aniya kaya napakibit naman ako ng balikat.

“Ang yaman mo na no?”kaswal ko pang tanong, himala na hindi kami nagtatalo ngayon. Aba’t sana kasi’y lagi rin siyang mabait. Hindi naman siya nagsalita sa pinuna ko, hindi siya nagyabang o ano. Natahimik naman na kaming dalawa, baka mamaya’y mapikon nanaman ‘to sa akin kung magdadaldal pa ako pero dahil hindi ko naman mapigilan ang sarili, nagsalita nanaman.

“Alam mo ba, nakita ko ‘yong litrato mo sa magazine, ang gwapo mo roon, hindi halatang isip bata.”sambit ko kaya halos murderin niya ako ng tingin.

“Hehe, joke lang, gwapo mo, Loads.”ani ko. Inirapan niya lang naman ako. Nang matapos kaming kumain ay buhay pa naman ako. Nagpalipas lang kami sandali ng oras sa hotel room niya dahil kakakain. Maganda ang view kaya hindi naman ako nabored.

Lumabas na rin naman kami habang dala dala ang kanyang mga gamit or should I say, dala dala ko ang mga gamit niya.

“Sabi ko na nga ba duda ako sa puchang ‘to e.”bulong bulong ko kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Hehe, wala, loads, laki ng katawan mo ngayon.”nakangiti ko pang puno. Baka gusto mong magbuhat, lodicakes. Nginisian niya naman ako tila alam kung ano bang gusto kong mangyari.

“Yeah, I’ve been working out lately.”aniya kaya hindi ko na tinago ang pag-irap. Ngumisi lang naman siya at nagpatuloy pa sa paglalakad. Parang gusto ko na lang talagang manakit. Walang awa ang kupal.

Nang pababa kami’y kita ko ang tingin sa akin nina Jana na para bang hinuhusgahan nanaman ako. Sus, inggit pa ata sila, sige, apply sila pagiging kargador, sobrang oks.

“Chora, ako na riyan.”ani Kuya Franco nang makita niya akong hingal na hingal.

“Oks lang po, baka Chora ‘to.”natatawa ko pang saad.

“Let her, Kuya, kaya niya raw.”ani Atlas kaya palihim ko siyang tinignan ng masama.

“Tulungan ko na kayo.”ani Grace na malapad ng ngiting lumapit sa amin. Ngumiti pa siya nang kuhanin ang isang bag sa akin, hindi ko naman na siya nabawal pa dahil masiyado akong maraming binubuhat. Agad namang kinuha sa kanya ni Atlas ‘yon. Palihim naman akong napasimangot, aba’t hindi nga siya nahihiya sa akin tapos ngayong nandito at kinuha ni Grace ang ilang gamit saka siya…

“Ano?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.

“Sa kotse na.”aniya pa na tinuro ang kotse na dala niya. Hindi ko naman na tinago ang pag-irap ko sa kanya bago dumeretso sa kotse niya.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now