Chapter 41

923 34 0
                                    

Chapter 41
Melchora’s POV

Hindi ako makatulog dahil sa lamig ng klima, mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa comforter ko. Kanina pa ako paikot ikot dito sa kama ko ngunit hindi ko magawang makatulog. Nang tignan ko pa ang wall clock kitang kita ko na mag-uumaga na ngunit hindi pa rin ako nakakatulog.

Nang matapos kaming magtungo sa big ben, nagtungo muna kami sa resto para kumain saka bumalik na rin kami sa hotel dahil gabi na. Tumayo naman ako nang hindi na talaga mapakali. Dala dala ko pa ang comforter ko. Hindi pa gumagana ang heater dito sa kwarto.

Nagtungo ako sa kabilang room, sa pinagtutuluyan ni Atlas. Nangingig pa ako habang kumakatok dito. Matagal bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Bahagya naman siyang nagulat nang makita ako.

“What’s wrong?”tanong niya sa akin. Kita niya naman ang panginginig ko at may hawak hawak pang kumot na nakapalupot sa katawan. ‘Yan, Chora, snow pa. Matitikman mo tuloy ngayon ang hinagpis ng isang niyebe. Charot.

“Pupwede bang makitulog? Sira ang heater.”ani ko. Mukhang nagising lang ‘to sa katok ko at wala pa sa wisyo. Tumango naman siya sa akin at pinapasok ako sa loob.

“I’ll brew you some coffee.”aniya sa akin. Agad akong umiling. Mas lalo lang akong hindi makakatulog kung ganoon. Kumuha naman siya ng mainit na tubig bago niya ako pinainom.

Inayos niya pa ang kama niya at doon na ako pinahiga habang siya naman ay nagtungo sa sofa sa kabila. Kasya naman kami rito pero hindi ko siya pipilitin kung ayaw niya. Kinuha ko naman ang pwesto ko rito. Nagawa kong makatulog ng gabing ‘yon.

Nagising lang ako kinaumagahan na mabigat ang pakiramdam. Kunot noo naman ako nang nagmulagat. Bahagyang nagulat nang makita si Atlas na siyang nakayakap sa akin. Nakasweater din ‘to at ang bango bango talaga. Ang unfair pa dahil bakit mukha pa rin siyang model kahit na tulog? Pumapangit ba ang isang ‘to? Bakit parang hindi? Napanguso naman ako sa sarili kong tanong at tinitigan pa siyang mabuti.

Wait nga, bakit ba magkatabi kami ngayon?

“Hoy!”sigaw ko sa kaniya. Pati pagmulagat ay ang gwapo pa rin. Hindi na siya nagulat pa nang makita niya akong kunot noong nakatingin sa kaniya. Nagawa ko pa siyang itulak palayo sa akin.

“Aba’t tiyansing ka naman masiyado!”ani ko sa kaniya.

“I’m not.”aniya na napanguso at kinabig pa muli ako para yakapin. Kinotongan ko naman siya at kinurot pa sa tagiliran dahil do’n.

“Ayos na na patayin mo ako pagkagising mo kaysa mamatay ka sa lamig.”aniya sa akin. Napanguso naman ako bago tinulak siyang muli. Natawa naman siya na lumayo na.

“You’re chilling last night, I don’t know what to do.”aniya. Naniningkit naman ang mga mata ko habang tinitignan siya ngunit mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya hindi na rin ako nagsalita pa.

Bahagya naman akong nagulat nang makitang 12 na. Ready na rin ang pagkain namin, mukhang nakatulog lang ulit ‘tong si Atlas. Pasubo na ako nang makitang may tumatawag sa messenger ko.

“Just eat first, Cho, mamaya na ‘yan.”ani Atlas. Tumango naman ako at ibinaba na muna ang phone at nagpatuloy na sa pagkain. Nagkukwentuhan lang naman kami ni Atlas tungkol sa kung ano ano. Balak naming itulog ang pamamasiyal ngayon. Dapat nga ay maaga kami kaya lang ay sobrang himbing daw ng tulog ko kaya iminove niya na lang.

Nang matapos ay saka ko lang sinagot ang tawag ni Bella.

“Girl! I miss you so much!”aniya mula sa kabilang linya.

“I miss you too!”nakangiti kong saad, napatingin naman sa akin si Atlas na may kausap mula sa labas ng pinto. Lumapit pa siya sa akin nang matapos ang usapan nila.

“Who’s that?”tanong niya. Nagkibit naman ako ng balikat kaya dinikit niya pa ang tenga sa tapat ng phone ko para makinig.

“Wait, sino yarn, Sis? May bagong bf ka na? Bakit hindi ka nagkukwento, huh?”tanong niya sa akin.

“Wala, si Atlas lang ‘to.”natatawa kong saad at tinulak pa si Atlas na nagpatulak naman nang mapagtanto na si Bella ang kausap.

Hinayaan niya na ako at bumalik na siya sa ginagawa. Nagphone siya at nahiga pa sa kama niya habang pakanta kanta. Nakakamiss ang tinig nito, nawala tuloy ang pokus ko rito kay Bella dahil sa kaniya.

“Hoy! Nakikinig ka ba sa tanong ko, Girl?”tanong pa ni Bella sa akin.

“Ano na ‘yon, Sis?”tanong ko pa sa kaniya.

“Tinatanong ko kung nagkabalikan na kayo?”tanong niya.

“Hindi pa-- I mean hindi.”sambit ko kaya rinig ko ang tawa ni Bella mula sa kabilang linya.

“Waiting sa comeback niyo! Punta kayo mamaya, huh?!”tanong niya pa sa akin.

“Bella… nasa london kami…”ani ko dahil chinat ko naman siya kaya lang ay mukhang hindi niya nabasa.

“Oh? Sayang naman! Miss pa naman kita, but it’s fine, kapag may oras kayo ni Bette ay g tayo! Bawal tumanggi!”aniya kaya napatango ako kahit hindi naman niya ako kita.

“Alright, see you.”nakangiti ko pang saad mula sa kabilang linya.

“See you, Cho! I miss you!”nang matapos ang usapan namin ay pinatay ko na rin ang phone ko.

“Babalik na ako room ko. Change outfit hehe.”nakangisi kong saad kay Atlas. Tinignan niya naman ako at tumango. Pinagtaasan niya pa ako ng kilay nang imbis na tuluyan na ngang umalis ay nanatili pa ako rito sa kwarto niya at naupo pa sa tabi niya.

“Kantahan mo ako, lodicakes.”ani ko sa kaniya. Umayos naman siya ng upo at kinantahan nga ako habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya. Hindi naman mawala ang ngiti ko dahil do’n. Ngayon ko lang ulit siya narinig kumanta. Ang tinig niya’y mas lalo lang lumamig. Ang sarap sa pandinig.

“I miss you…”pabulong na saad niya sa akin.

“Miss din kita.”ani ko na ngumiti pa sa kaniya. Hindi ko rin namalayan ang pagpikit nang ilapit niya ang mukha sa akin. Agad dumampi ang labi nito sa akin. It was still the same. Malambot at masarap. Parehas naman kaming namumula nang matapos ang halik. Tumikhim pa ako nang tumayo.

“Mag-aayos na ako.”sambit ko kaya at nagtuloy tuloy na sa paglabas. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso nang makalabas ako ng kwarto niya. Hindi ko mapigil ang ngiti ko nang makarating sa room ko. Pucha ka, Cho, ang landi landi mo talaga.

Habang nag-aayos tuloy ay hindi ko mapigil ang ngiti mula sa mga labi. Shocks, Chora, malala ka na. Tinignan ko pa ang labi ko nang nilalagyan ko na ng lipstick. Unti-unti namang namuo ang ngiti. Aba’t sobrang tagal kong nag-ayos ngayon dahil nagkulot pa ako. Nang matapos ay lumabas na rin dahil kanina pa ako kinakatok ni Atlas.

“Teka lang kasi, atat nito.”ani ko sa kaniya na inirapan pa siya para hindi mahalatang hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang halikan naming dalawa kanina.

“Your hair look extra nice today, your eyebrows too.”pamumuri niya. Alam na alam talaga ng isang ‘to kung paano ako pakikiligin. Napatikhim naman ako at pinigil ang ngiti mula sa mga labi.

“Alam ko, araw araw akong maganda. Easy ka lang baka mamaya’y crush mo nanaman ako.”natatawa kong biro sa kaniya.

Binati ko pa si Manong nang makasakay kami sa kotse para magtungo ngayon sa trafalgar square.

“Kina law ba ang pupuntahan natin?”tanong ko kay Atlas kaya kumunot ang noo niya sa akin. Natawa na lang ako dahil hindi niya ako nagets. Hindi ko naman na inexplain pa dahil hindi niya rin naman kilala ang tinutukoy.

Agad lumapad ang ngiti ko nang bumaba sa sasakyan kaya lang ay agad ding gininaw. Pangarap mo ang makapunta sa snow, huh? Naglibot libot lang kami roon at mukha na siyang nahihiya sa pinaggagawa ko. Paano’y nagawa ko pang kumanta ng theme song ng frozen. Napapatingin tuloy sa amin ang ilang nandito, mukha ata akong broadway singer.

“Cho, tama na, baka mamaya’y dalhin ka bigla kay Queen Elizabeth.”ani Atlas sa akin kaya nagtalo pa kami. Tinawanan niya lang naman ang pikon na mukha ko.

Pinagmasdan lang namin ang buong paligid hanggang sa magtungo sa isang resto na siyang nakakatanggal ng kaunting lamig.

Nagpatuloy naman kami sa pagtungo sa cathedral. Taimtim lang kaming nagdasal na dalawa.

Lord, kung siya na po talaga, huwag niya ng hayaang dumulas nanaman sa kamay ko.

Marami lang akong pinagdasal, hiningi ng tawad at pinagpasalamat. Nang palabas na kami’y nagkatinginan kami ni Atlas nang hawakan ko ang kamay niya.

“Malamig, huwag kang assuming.”sabi ko kaya napatawa siya sa tinuran at mas hinigpitan lang naman ang pagkakahawak ko sa kaniya. Hindi naman kami doon nagtapos. Nang makapagpahinga sandali ay nagtungo kami sa park. Hindi ko alam kung saan nakuha no’ng driver ang snowboard na gagamitin namin kapag magpapadulas sa niyebe sa parke ngayon.

Excited na excited naman akong lumabas at kinuha agad sa kamay ni Atlas anh snowboard. Natatawa na lang sa akin si Atlas habang nakasunod.

Nakipagsabayan pa ako sa isang batang nasa gilid.

“Let’s see who’s the fastest.”sambit ko sa kanila. Game na game naman ang mga ‘to. Ang ending ay ako ang talo dahil ni hindi ko man lang napaandar ang sinasakyan. Tinawanan pa ako ng mga ‘to na hindi ko naman pinansin.

“Atlas!”tawag ko kay Atlas na sinenyasan pa siyang lumapit sa akin.

“Gawa tayong snow!”malapad ang ngising saad ko. Tumango naman siya sa akin at tinulungan pa ako sa paggawa. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko dahil do’n. Nagpicture pa kami sa nagawa ko.

“Tignan mo gagawa akong angel!”sambit ko na hinubad pa ang makapal na jacket na suot at nahiga sa snow. Sinubukan ko namang gumawa ng angel. Pinapagalitan na ako ni Atlas ngunit sinasabihan ko lang ‘tong ‘kj’. Nang matapos kong gawin ‘yon ay tumayo naman na ako at nagawa pang kuhanin ang jacket sa kaniya kaya lang ay inatsing na agad ako. Mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin at hinila pa ako sa parteng hindi gaanong maniyebe.

“Ang kulit kasi.”suplado niyang saad bago ako pinainom ng mainit na tubig na siyang baon baon niya. Aba’t laging handa pala ang isang ‘to. Nilamig tuloy ako bigla. Yabang mo kasi, Cho, angel angel ka pang nalalaman, baka mamaya’y makakita ka agad ng angel sa kakulitan mo.

“Diyan ka lang bibili lang akong makakakain. Diyan lang, huh?”tanong niya pa na akala mo naman ay bata ako. Napairap na lang ako ngunit wala rin namang nagawa kung hindi ang maupo rito sa isang gilid habang sinusubukang painitin ang sarili gamit ang kape.

Napatingin pa ako sa phone nang may chat mula kay Indigo. Tinignan ko lang naman ‘yon habang hinihintay si Atlas.

Indigo Torre: Lodicakes, ikaw ba ‘to? May bagong chix bebe mo.

Sinend niya pa ang header ni Atlas sa twitter account nito. Bahagya naman akong nagulat nang mapagtanto na ako ‘yon. ‘Yong blurred na picture naming dalawa no’ng nakaraan. Hindi ko maiwasang mapanguso para pigilan ang ngiti dahil do’n.

“Bakit parang nagpipigil ka ng tae, Cho?”tanong ni Atlas na siyang may dala dalang hot potato. Nginiwian ko naman siya dahil do’n. Nakakainis talaga ang isang ‘to. Panira ng kilig.

“Tigilan mo nga ako.”sambit ko, nakisilip naman siya sa tinitignan ko sa phone bago ko pa malayo ay agad na niyang nahablot.

“Crush mo talaga ako, nako.”ani ko kaya napakibit siya ng balikat. Nginisian niya naman ako dahil do’n.

“So, kinikilig ka?”tanong niya.

“Hindi ko alam na may pagkafeeling ka rin pala no?”tanong ko na inirapan pa siya.

We ended our night in a lodge bar. It was really a good trip for me. Sobrang nag-enjoy ako lalo na’t kasama ko pa si Atlas na siyang hindi ko aakalain na makakausap ko pa sa ganitong paraan. I thought I will never be able to even look at him dahil sobrang layo niya na… sobrang taas na ng lipad nito samantalang ito lang ako, ni wala pang nararating sa buhay, minsan hindi pa tama ang mga nagiging desisyon. Wala e, ako lang ‘to si Chora.

Mask It With A SmileHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin