Chapter 32

887 35 1
                                    

Chapter 32
Melchora’s POV

Rage. 'Yon lang ang makikita mula sa kanyang mga mata. Of course, Chora, ipinagtulukan mo siya sa ibang tao. What do you fucking expect? Anong karapatan mong ipamigay siya gayong hindi mo naman pagmamay-ari. Agad akong napatikhim at bahagya pang napalayo sa kanya ngunit hinapit niya ang baywang ko papalapit sa kanya.

Halos mawalan naman ako ng hininga habang sobrang lapit sa kanya. Dahan dahan ko pang pinikit ang aking mga mata nang unti-unti niyang ilapit ang mukha sa akin ngunit napahiya rin dahil walanh dumamping halik na hinihintay ko.

“Don’t act as if we know each other.”pabulong niyang saad bago ako binitawan at tumayo na. Natigilan naman ako sa kinatatayuan ko at punong puno lang ng kahihiyan dahil sa sariling kagagahan. Tanga tanga mo, Cho, pinauna mo nanaman ang kalandian gayong hindi naman talaga dapat. Ikaw ‘tong parang isang bagay lang siyang pinamigay ngunit kung makaasta ka’y akala mo walang ginawang kung ano. Akala mo’y ayos lang kayo. Of course, he won’t stay. Pinagtabuyan mo ng paulit ulit para sa Mama mong hindi mo sigurado kung kailan ka balak tanggapin but still sa lahat ng desisyon ko? Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko.

Matagal lang akong nanatili sa pwesto hanggang sa pumasok so Jana na nakataas ang kilay sa akin.

“Talaga bang mananatili ka na lang diyan? May trabaho ka pa baka nakakalimutan mo.”aniya sa akin kaya napatango na lang ako habang dala dala ang kit ko. Nagtungo lang ako sa pwesto kung saan inaayusan ang mga atrista, nag-iwas naman ako ng tingin nang mapatingin kay Atlas na siyang naghihintay na lang para sa kanyang scene.

After going through shits, I finally work in this industry para buoin ang pangalan ko. I want to be able to give back to Mima Sunny, utang na loob ko sa kanya ang lahat. Kinuha ni Lolo ang shop sa amin at pinalis din kami sa bahay dahil kay Mima Joan din ‘yon.

Pagod naman ako nang matapos kami roon, paano’y ako ang pinag-iinitan ni Jana, masiyado nga ata talaga akong maganda. Ang head kasi mismo namin ang pumili sa akin upang mapabilang sa team. Ang sabi kasi nina Jana, wala man lang daw akong natapos kaya akala nila’y may kapit kaya napasama. Hindi ko alam kung tinanggap ba ako dahil sa make up skill ko pero sa palagay ko naman ay ganoon nga. Sa palagay ko naman ay nagimprove na ako, kahit dalawang taon na ang nakalipas nang matapos ang pangyayaring ‘yon, nang mawala si Mima, hindi naman ako huminto sa pagmemake up.

“Cho, sabay ka na sa akin?”tanong sa akin ni Ava. Kaya agad akong umiling. Aba’t baka mamaya, wala pang ilang segundo’y nahuli na kami dahil wala naman siyang extra’ng helmet..

“Choosy pa ang gaga.”natatawa niyang saad kaya napairap naman ako sa kanya.

“Hindi choosy ang pag-iingat, gaga.”natatawa kong saad sa kanya. Napatawa naman siya at napatango.

“Ano? Magcacab ka na ba? Delikado na sa daan.”aniya kaya napakibit ang ko ng balikat. Kauumpisa ko lang sa trabaho kaya medyo hindi pa sanay sa oras pero nanghihinayang naman ako sa pamasahe. Magpupundar muna ako ng kahit isang maliit na salon lang para sa amin ni Mima Sunny.

“Oo, sige na, ingat!”ani ko at kinawayan siya. Ngumiti naman siya sa akin at kumaway din pabalik.

“Ingat, girl!”aniya bago tuluyang umalis. Ramdam ko naman ang pananakit ng paa ko sa sobrang pagod, ang tagal ko rin kayang nakatayo lang doon. Ni hindi man lang makaupo dahil makita ka lang ni Drakula na nakaupo, talagang sermon na ang abot. Punyeta. Pero sige, titiisin ko ang bruhildang ‘yon ngayon.

Paalis na ako nang may humintong sasakyan sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may van na tumapat, agad akong napatakbo sa takot na dadakipin ako nito. Bobo ka, Cho, para lang sa bata ang kumaw. Napanguso ako nang makitang nakasunod ang van. Lumayo ako nang kaunti sa kalsada at tumapat doon.

“Ms. Chora, sabay na po kayo sa amin.”anang isang medyo may katabaang lalaki, ‘yong manager ni Atlas. Natigilan naman ako nang masilip si Atlas na siyang nasa likod niya, malamig lang ang tingin na ibinigay nito sa akin.

“Nako, hindi na po, runner ako, Sir,”ani ko kaya napatawa ‘to.

“Dali.”ani Atlas na hindi ko alam kung sino ang sinasabihan.

“Ingat po.”ani ko pa at ngumiti ngunit hindi pa rin sila umalis sa tapat ko.

“Will just stand there the whole fucking night? Sakay.”supladong saad ni Atlas na sa akin na ang tingin.

“Huwag mo akong utusan.”bulong bulong ko ngunit sumakay din naman dahil ang dami nang sasakyan na nasa likod, hinihintay na makaalis ang mga ‘to. Lumipat ang manager niya sa tabi ng driver kaya wala akong choice kung hindi ang tumabi sa kanya. Parang pinagsisihan ko tuloy dahil sobrang tahimik naming dalawa at masikip sa apartment na pinagtutuluyan ko lalo na sa daan. Mura lang kasi ang renta kaya pinatos ko na.

“Why are you running? You look stupid.”aniya kaya napatikhim ako at palihim na inirapan siya.

“Naging artista lang, yabang na.”bulong ko naman sa sarili ngunit agad ding napatikhim nang makita ko ang titig niya sa akin.

“Hehe, exercise.”ani ko at tumingin na sa labas. Napaisip naman ako kung bakit ako nandito. ‘Di ba ang sabi niya’y huwag akong umarte na parang kilala ko siya? Napapikit lang ako dahil sumasakit ang ulo ko kaiisip.

“Hala, nakalagpas na po tayo!”hindi ko mapigilang sambitin sa may driver.

“Pero huwag niyo na pong iliko, Manong, baba na lang po ako rito.”ani ko. Hindi naman niya pinansin ang utos ko kaya mukhang alam ko kung sino lang ang susundin nito. Napatingin ako kay Atlas na nakapikit lang sa isang tabi. Mukhang pagod din sa shoot niya. Hindi ko nga akalaing mag-aartista ito gayong ang alam ko, mayroon siyang cosmetic company. Cho Cosmetic, hindi ko alam kung sa akin ba kinuha ‘yon pero ang feeling ko naman kunh iisipin kong akin nga.

Maganda ang brand niya, halos lahat nga ng cosmetic na gamit ko ngayon ay galing sa company nito. Kapag ginagamit ko ‘yon ay hindi ko maiwasang maalala ang mga memories naming dalawa. Well, hanggang doon na lang ‘yon, tanga ka, Chora, e.

Ano rin bang malay ko kung carbohydrate pala ang meaning no’n? Pero ano namang connect? Ayy, ewan, bakit ba pati company name nito’y pinakikialaman ko?

“Stop staring me like that.”aniya sa akin nang nagmulagat ng mga mata.

“Bababa na ako, pakisabi sa driver mo.”ani ko sa kanya.

“Ms. Chora, manlilibre si Sir Atlas ngayon, sama na po muna kayo.”anang manager niya sa akin.

“Ahh, hindi na po, gusto ko na ring pong umuwi.”ani ko at napanguso. Napatingin naman sila kay Atlas na siyang sinenyasan lang silang magpatuloy. Imbis na magtungo sa loob ay bumili ng take out si Atlas. Mukhang pagod na rin kasi. Kalaunan ay nagmaneho na pabalik sa eskinita patungo sa apartment ko.

“Dito na po, Manong, salamat po.”nakangiti kong saad. Kita ko naman ang titig ni Atlas sa papasukan ko.

“Dito na ako, salamat, Sir.”ani ko kaya pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

“May bayad ang paghatid sa’yo.”aniya kaya pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

“Be my personal make up artist.”sambit niya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway.

“Huh?”tanong ko na kunot ang noo sa kanya.

“I didn’t know that you already have problem when it comes in hearing.”aniya na nagtaas pa ng kilay sa akin.

“Akala ko ba’y huwag umaktong parang kilala natin isa’t isa?”tanong ko sa kanya.

“Yeah. We don’t have to know each other for you to be my make up artist.”aniya naman kaya napairap ako dahil magulo siya kausap.

“I appreciate you as an artist.”sambit niya nang pababa na ako.

“Sorry pero mahal talent fee ko.”ani ko at bumaba na. Bukod sa ayaw kong saktan ang sarili dahil alam kong sila na ni Ginly, sa sobrang dami ko ba namang article na nababasa sa kanila, ayaw ko ring magkaroon pa ng relasiyon sa kaniya. Ayaw ko lang. Sinusubukan ko ng ayusin ang buhay ko kaya hindi pupwede. Hindi pupwedeng makahanap ng kahit na anong distraksiyon.

Habang papasok ako sa loob ng eskinita, kita ko na nanatili lang ang van doon. Mukhang talagang nakamove on na siya dahil wala lang sa kanya ang makatrabaho ang kanyang ex. Mukhang masayang masaya na ‘to sa girlfriend niya but still hindi ba magseselos si Ginly kung sakaling malaman niya? O baka masiyado lang ‘tong tiwala at hindi takot sa ganda ko. Pero hindi niya naman kailangan mag-aalala dahil hindi ko kailanman pinangarap na maging kabit.

Pumasok na ako sa loob ng apartment at naupo sa sofa habang dinadial ang number ni Mima ko.

“Kumusta? Medyo late ka atang nakauwi.”aniya sa akin.

“Medyo nga po, Mima, medyo nakakapggod po pero ayos naman.”ani ko habang inaalia ang doll shoes na suot, medyo luma na at masikip kaya siguro sumasakit ang paa ko katatayo. Napanguso ako nang mapansin pa ang pamamaga no’n.

“Sure ka bang kaya mo riyan? Sabi ko naman kasi sa’yo kahit dito ka na lang sa probinsiya.”aniya sa akin.

“Ayos lang po ako rito, Mima. Kayo po? Kumusta si Lolo Tasyo? Ayos na ba? Magpapadala ako bukas, kumain kayo at bumili ka na rin po ng mga gamit mo.”ani ko sa kaniya.

“Gaga, hindi na kailangan, alam kong marami ka ring pinag-iipunan, gamitin mo ‘yan para sa sarili mo, marami rin akong racket dito no, palagay mo sa akin?”tumawa pa siya ngunit napanguso lang ako. For 2 years si Mima Sunny lang ang nag-alaga sa akin.

Nang kunin ng pamilya ni Lolo ang salon, tinanong ang mga empleyado kung gusto pa raw bang manatili roon. Si Mima Sunny ang unang umayaw, hindi niya raw kasi maatim na magtrabaho sa pamilyang ‘yon lalo na’t simula’t sa umpisa alam niya ang napagdaanan ni Mima roon. Sa kanilang tatlo si Mima Sunny ang pinakamataas ang pride kaya naman nang pinili ni Mima Lena na manatili roon, hindi na sila nag-usap pa.

Hindi ako galit kay Mima Lena dahil alam kong may pamilya rin siyang binubuhay, hindi naman pupwedeng manatili siyang walang trabaho lalo na’t pinaghirapan niya rin ‘yon. Kahit na ganoon, hindi ko pa rin ‘to nakakausap dahil bukod sa mahirap ang signal sa probinsiya nina Mima Sunny, naging abala rin ako sa trabaho.

Gusto man akong pag-aralin ni Mima Sunny, hindi niya rin nagawa dahil malaki ang binabayad niya sa hospital para sa Papa niyang si Lolo Tasyo. Isa pa, may mga kapatid din siyang pinag-aaral kaya mas lalong hindi pupwede. Noong una nga’y nagalit pa sila dahil dagdag palamunin nanaman sa bahay ngunit kalaunan ay wala rin silang nagawa kung hindi ang tanggapin ako dahil si Mima Sunny ang bread winner nila.

Hindi naman ako naging pabigat dahil ginawa ko ang lahat ng makakaya para tumulong kasabay ng pagpapractice at pagsali sa mga contest para sa sarili kong pangarap. Nagsales lady ako sa isang cosmetic shop, hindi naman naging mahirap dahil may alam naman ako roon, sumubok din akong maggupit sa palengke at maski ang magmake up doon sa isang kaibigan ni Mima.

Nang makapagtapos ang isa niyang kapatid nitong taon lang na ito, napagpasiyahan kong magtungo na rito sa manila para naman sa mas malaking kita. Gusto ko talagang magpatayo ng kahit isang maliit lang na salon sa probinsiya namin at kung sakali’y gustong kumuha ng experience sa ibang lugar.

“Inaantok na ako, Mima, basta po, bukas, huwag na kayong mag-alala pa sa akin. Chora kaya ‘to.”natatawa ko pang saad at napakunot ang noo nang marinig na may kumakatok sa labas ng apartment.

“Osiya, ingat ka riyan, huwag kakalimutang maglock ng pinto.”aniya pa.

“Opo, Mima. Good night po.”ani ko bago tumayo para silipin ang kumakatok.

Natigilan nanan ako nang makita si Atlas na siyang nakatayo sa tapat ng apartment ko.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now