Chapter 37

925 36 1
                                    

Chapter 37
Melchora’s POV

That night, sobrang bilis ko lang nakatulog dahil na rin sa sobrang pagod. Maaga akong nagising upang maaga akong magtutungo sa dagat, habang wala pa ang mga asungot sa buhay ko. Ginising ko si Melly ngunit dahil late na ata silang natulog hinayaan ko na.

Saya naman ang bikini na dala ko kung hindi ko masusuot. Sinuot ko ‘yon agad at lumabas na ng cottage na pinagtulugan namin. Nagtungo naman na ako sa labas. Papasikat pa lang si haring araw. Hindi ko maiwasang mamangha habang nakatingin sa paligid. Malapad ang naging ngiti ko habang patakbong nagtungo roon. Hindi naman ako pupwedeng magpadala sa stress sa mga taong ‘yon no.

Malamig ang tubig ngunit hindi ko ‘yon inalintana, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang magtampisaw doon. Hindi ko mapigil ang ngiti kahit na mag-isa lang naman akong narito. Bahagya naman akong nagulat nang makita ko si Cruix na gising na at pakaway kaway pa sa akin.

“Hi! Ang aga mong nagising, huh?”tanong niya sa akin.

“Oo, last chance na ‘to, abala nanaman tayo mamaya sa set.”ani ko na ngumiti sa kanya.

“Ikaw? Bakit ang aga mong nagising?”tanong ko sa kanya.

“Anong maagang nagising? Hindi ako nakatulog, loads.”aniya kaya napatawa ako.

“Hindi ba’t ang sabi nila kapag artista ka’y madali mo lang mahahanap ang antok dahil laging puyat?”tanong ko naman sa kanya.

“Hindi ko rin alam.”sambit niya. Nagkwentuhan lang naman kami habang naliligo sa dagat. Natatawa pa ako habang nakikipagwisikan sa kanya.

“Mabuti na lang din pala hindi talaga ako nakatulog.”saad niya habang nakatingin sa akin.

“Bakit? Huwag mong sabihing crush mo na ako, huh?”natatawa kong biro sa kaniya dahil sa paraan ng tingin niya. Hindi naman siya nagsalita kaya iniba ko na lang din ang usapan namin. Mukhang kinuha niya pa ang props na bola mula kina Direk dahil ‘yon ang ginamit namin upang libangin ang mga sarili.

“Can we take a photo together?”tanong niya sa akin.

“Wow, may bayad ba ‘yan, huh?”natatawa kong tanong sa kanya. Tinawanan niya naman ako at napailing na lang din sa aking tinuran. Nanakbo naman siya patungo sa cottage nila at mabilis din na nakabalik dala dala ang kanyang phone.

Umupo naman kami sa buhanginan at kumuha ng litrato.

“Ang ganda ko no?”natatawa kong tanong dahil nakatitig siya sa litrato ko.

“Oo.”natatawa niyang saad kaya napairap na lang ako, mukha kasi siyang nagjojoke. Ibinalik niya rin ang phone niya sa cottage at bumalik para samahan akong maligo. Magaling makisama si Cruix kahit sa ibang mga staff. Kung ano ano lang ang pinagkwentuhan namin dahil marami rin siyang kwento.

Naglalaro lang kaming dalawa hanggang sa unti-unti na ring nagising ang mga kasama namin. Pakaway kaway naman ako sa ilang staff na siyang palapit, mukhang balak ding magswimming no’ng iba. Kita ko rin agad sina Ava na siyang nanliliit ang mga habang nagmamadaling magtungo rito.

“Aba’t bakit hindi ko kami ginising? Saka why mo kasama si fafa Cruix, akala ko ba si Fafa Atlas na, Sis?”tanong nila kaya natatawa maman akong napailing.

“Gaga, anong si Fafa Atlas ka riyan? Wala naman kaming relasiyon ni Atlas.”ani ko na nailing pa. Kanya kanya naman kaming harutan habang narito sa dagat. Kalaunan ay tinawag na rin kami nina Jana, salubong nanaman ang kilay niya. Aba’t inagahan ko na nga para hindi siya magwala.

Babalik kami sa fortune island ngayon para sa last shoot. Nagbihis naman na ako kalaunan bago tumulong sa pag-aayos ng mga gamit. Napatingin naman ako kay Atlas na busangot na busangot ang mukha, mukhang hindi nakatulog ng maayos. Ni hindi rin ‘to lumapit sa akin, seryoso lang siyang nakikipag-usap kina Kuya Franco.

“Duffle bag.”masungit na saad sa akin bago siya sumakay sa bangka na para sa kanilang dalawa ni Grace. Napasunod lang naman ako ng tingin sa kanila. Nakita ko pa ang paghawak ni Grace sa kanya na hindi niya rin naman inalis. Alam ba ni Ginly ‘yan? Aba. Ano rin naman ang pakialam mo, Cho?

“Ano, Chora? Tutunganga ka na lang diyan?”tanong ni Jana sa akin. Tinuro niya pa ang mga bibitbitin. Napanguso naman ako at kinuha ‘yon. Solo ko lang ang isang bangka dahil sa akin nilagay ni Jana ang mga gamit. Ayos lang naman sa akin kaysa kasama ko siya roon, hindi ba? Napatitig naman ako sa kalangitan. The sky is crystal clear today. It’s pretty. Ang repleksiyon ay makikita rin sa tubig.

“Noong 2006, nagsara ‘to, Ma’am, nawalan ho kasi ng fresh water kaya hanggang ngayon naman po. Noong nagbukas ay ganoon pa rin perp binibista pa rin talaga dahil nga hindi naman maipagkakaila na maganda.”ani Manong nang kausapin ko siya tungkol sa lugar.

“Totoo bang may mga ligaw na kaluluwa rito, Manong? ‘Yong sa shipwreck?”tanong ko sa kanya.

“Wala ho ‘yon, Ma’am, gawa gawa lang ‘yon. Hindi naman talaga totoo ‘yang mga multo multo na ‘yan.”aniya pa kaya naman napatango ako. Sang-ayon naman kasi talaga ako roon.

“Pero sabi nila’y may mga spirit daw na palipat lipat sa mga tent tapos kumukuha ng pagkain?”patanong na pagkukwento ko naman. Napatawa lang sa akin si Manong dahil do’n.

“Nako, Ma’am, huwag kayong maniwala roon, walang ganoon.”napatawa na lang ako dahil maski naman ako’y hindi talaga naniniwala sa mga kwento nilang ganoon.

“Ilang taon na po kayo nagtatrabaho rito, Manong?”tanong ko sa kanya, iniba na ang usapan.

“20 years na rin ako rito, Ma’am, naabutan ko pa ang kasagsagan ng kagandahan ng isla. Maganda pa rin naman po ngayon.”aniya kaya napangiti ako.

“Manong, kanina ka pa, Ma’am ng Ma’am, Chora na lang ho.”natatawa kong saad. Kinuha ko naman na ang mga gamit nang makarating na kami sa isla.

“Ang tagal mo, Chora!”inis na saad sa akin ni Jana kaya nagmamadali ko namang ibinaba ang mga gamit na siyang nasa bangka. Nagmadali na rin ako habang naglalagay ng base sa mga artistang isasalang na rin sa eksena mamaya. Naging abala naman ako sa ginagawa ko nang lumapit si Atlas sa akin.

“Chora, nasaan daw ‘yong duffle bag ni Atlas? Naroon daw ng lahat ng gamit niya pati phone and script.”ani Kuya Franco sa akin. Tinuro pa si Atlas na siyang salubong ang kilay sa isang tabi at simangot na simangot ang mukha.

“Wait lang po.”ani ko na lumapit pa sa mga gamit na dala ko ngunit agad na nataranta nang makitang wala roon.

Napatakbo naman ako pababa para tignan sa bangka. Hindi ko alam kung nailagay ko ba roon o ano. Doble doble naman ang kabang nararamdaman ko lalo na nang makitang wala na si Manong Peter.

Naghintay pa ako ng bangkang masasakyan para mahanap si Manong Peter. Hindi ko magawang pagmasdan ang paligid dahil balisa na ako. Kailangan na raw ni Atlas ang duffle bag and his phone. Lahat ng gamit niya’y naroon. Baka sa isang phone lang nito’y makapagpagawa na ako ng maliit na salon. Hindi ko mapigilan ang buntong hininga kaya napapatingin sa Manong sa akin. Hindi ko rin siya magawang kausapin dahil natataranta na ako.

Agad akong bumaba nang makarating sa fortune island. Nilibot ko naman ang mga nata para hanapin si Manong Peter.

“Manong, kilala niyo po si Manong Peter? Nakita niyo ho ba siya?”tanong ko sa isang nagbabangka rin.

“Ahh, pumalaot siya sa karatig, Isla, Hija, bakit?”tanong sa akin ni Manong.

“May naiwan ko kasi ako sa bangka niya.”hindi ko mapigilang sambitin.

“Ahh, ganoon ba? Babalik din ‘yon maya-maya, paniguradong isasauli niya rin kung ano ‘yang naiwan mo, mabait naman ‘yon.”aniya sa akin.

“Salamat po.”sabi ko at ngumiti. Naghintay lang naman ako rito sa dalampasigan. Pinaglalaruan ko lang ang aking mga kamay habang hinihintay siya. Hindi ko alam ngunit ang minuto’y inabot na rin ng oras. Mas lalo lang akong naging balisa, hindi alam kung babalik ba ako roon na walang dalang duffle bag o hintayin ang duffle bag upang mayroong maipaliwanag sa kanila kung sakali. Hindi naman siguro mapapansin ng mga ito na wala ako roon.

“Wala pa rin ba, Ineng?”tanong ni Manong sa akin. Umiling lang naman ako roon ngunit agad napatayo nang makita si Manong Peter na pababa na ng bangka.

“Oh, Hija? Hinahanap mo raw ako?”tanong niya sa akin, mukhang binalita agad ng mga kasama niya.

“Opo, Manong, naiwan ko po ata ang duffle bag sa bangka ninyo.”sabi ko kaya agad namang napakunot ang noo niya.

“Nako, Hija, wala ka namang naiwan mula sa bangka ko, agad ko ring ihahabol ‘yon kung sakali.”aniya sa akin. Tila bumagsak naman ang balikat ko dahil do’n.

“Subukan mong magtanong sa mga caretaker diyan, baka nasa lost and found. Halika, samahan kita sa anak ko.”sambit niya sa akin. Napatango naman ako at napasunod sa kanila. Palihim naman akong nanalangin na sana’y nakita nila.

“Anak, may napansin ba kayong duffle bag ba ‘yon, Neng?”tanong ni Manong sa akin.

“Opo.”tumango naman ako.

“Ito ba, Ma’am?”tanong ni Kuya. Halos maiyak naman ako sa tuwa dahil do’n.

“Salamat po!”hindi ko mapigilang sambitin at nag-abot pa ng kaunting pangmeryenda.

“Nako, huwag ma ho, Ma’am, trabaho naman po namin ‘to.”aniya sa akin ngunit umiling lang ako.

“Ayos lang po.”ani ko at ngumiti pa sa kanya.

Sana pala’y kanina pa ako nagtanong dito, kung hindi ka rin lang naman tanga, Chora. Bahagya naman akong nagulat nang makitang may ilang padating na bangka palapit sa amin. Kita ko ang galit na mukha ni Atlas habang nakatingin sa akin, ano? Alam niya ba na muntikan kong mawala ang bag niya? Ngunit bago pa siya makalapit ay mayroon nang humila sa akin palayo roon.

Iritasiyon ang bumungad sa akin mula sa mula ni Jana. Parang anytime ay bubulyawan niya na ako at nagpipigil lang talaga. Huminto kami sa hindi mataong lugar. Ang sama ng tingin nito’y akala mo anytime mumurder-in ka na.

“Ganyan ka ba kairresposable, Melchora? Pinalagpas ko ‘yang paglalaro mo kasama ng mga artistang narito, pero ‘yang pagliliban mo sa trabaho? Maling mali!”galit na sigaw sa akin ni Jana. Napakagat lang ako sa aking labi dahil do’n.

“Isaksak mo sa kokote mo na hindi ka naman talaga magaling.”aniya na dinuro pa ako. Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact roon.

“Natanggap ka nga lang dahil may kapit ka, hindi ba? Huwag ka masiyadong tatanga tanga. Hindi ka ganoon kaimportante.

“Sisante ka na.”doon ako tuluyang natigilan. Bakit?

Dire-diretso siya sa pag-alis habang ako’y natulala lang sa kinatatayuan. Ang tagal kong pinaghirapan na makapasok dito ngunit sa iisang mali lang ay parang unti unting naglaho ang lahat. I just can’t lose this job, hahabol pa sana ako nang mabangga ko ang isang lalaki. Si Atlas.

“Ano ba, Chora? Bakit bigla bigla ka na lang umaalis?!”galit na saad ni Atlas. Prinoproseso ko pa lang ang usapan namin ni Jana ngunit nakikisabay nanaman si Atlas.

“Is it really that good to use your power over me? Oo na, Atlas! Alam ko ng mas mataas ka pero putangina naman, ang tagal kong pinaghirapan na makapasok dito!"hindi ko mapigilang sa kanya ibulyaw ang frustration na aking nadarama.

Agad na lumambot ang ekspresiyon ng kanyang mukha nang makita niyang nangingilid na ang luha mula sa mga mata ko. Hindi ako mahina. Noon. Noon siguro dahil kapag nagkamali’y may sasalo, alam kong sasaluhin ako nina Mima but now? Wala na ‘yong taong hahayaan akong maglaro sa mundo. Bawat galaw ko ngayon kailangan walang mintis.

"I’m sorry.”aniya na susubukan pa akong lapitan ngunit hindi ko lang mapigilang sa kaniya isisi ang mali ko. Sana kasi’y hindi niya iniabot sa akin ang duffle bag, edi sana’y nanahimik lang ako. Sana’y hindi niya tinanggap ang project na ‘to, edi sana hindi ko siya nakikita ngayon!

“Make up artist ako, hindi katulong mo. Kahit nga katulong, hindi deserve ng ganoong trato.”ani ko pa sa kaniya.

"Ano pang magagawa ng sorry mo kung wala na akong trabaho?"tanong ko na matapang pa rin ang tingin kahit na pa medyo pagod na sa nangyayari ngayon. Para akong bulkan na tuluyan ng sumabog sa lahat ng nangyari nitong mga makaraang araw.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now