Chapter 22

837 39 2
                                    

Chapter 22
Melchora’s POV

Maraming event na ipinagdaos naming magkasama ni Atlas. Mga event sa school, sa lugar namin, holiday at kung ano ano pa.

Noong pagkatapos ng pasko, nabalitaan din naming namatay si Manong Toni, kaunti lang ang nakakakilala sa kanya kaya kaunti lang ang nakiburol noong araw na ‘yon, kami kami lang nina Indigo. Close din kasi niya ‘yon dahil madalas siyang tambay sa guard house. It was too sad dahil kahit paano’y tinuturing ko na ring isa sa importanteng tao si Manong, sa araw araw ko ba naman siyang nakikita tuwing umaga sa gate. Her daughter didn’t eve shed tears when we visited. Tulala lang siya sa isang tabi. Sayang at hindi niya naabutan ang anak niya na nakagraduate at natupad ang nga pangarap.

“Cho, tulala ka nanaman diyan?”tanong ni Atlas sa akin.

“Sobrang ikli lang talaga ng buhay no?”tanong ko sa kanya.

“Minsan hindi mo alam kung oras mo na, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Manong Toni, ang lakas lakas niya pa noong huling kita ko sa kanya.”hindi ko mapigilang sambitin.

“That’s right, so let enjoy our life in the fullest.”tumango naman ako roon.

“Atlas, Cho, practice na, tara na!”ani Carver na siyang niyayaya na kami patungo sa gym ng school. Magpapractice din kasi kami para sa cotillion. Nagtungo naman na kami ni Atlas doon.

Hindi ko siya partner sa sayaw dahil sakto lang naman ang height ko habang sila nila Indigo ang matatangkad dito sa classroom Partner ko si Thomas.

“Sorry.”nakanguso kong saad nang matapakan ko ang paa nito.

“Ayos lang.”natatawa niyang saad sa akin.

“Saan mo pala balak mag-aral niyan?”tanong ko sa kanya.

“Baka magtungo na ako sa abroad after graduation.”aniya kaya medyo nagulat ako.

“Ang dami niyong aalis! Huwag kang makalimot ahh, baka naman kahit chocnat lang kapag umuwi ka.”natatawa kong biro sa kanya.

“Oo naman, lakas mo sa akin e.”natatawa niya ring sagot sa akin. Inikot niya naman na ako para makipagpalit ng partner sandali.

“Oh, bakit busangot ‘yang mukha mo, Loads?”tanong ko kay Atlas na siyang nakasimangot akong sinalo.

“Thomas likes you.”aniya kaya napakibit naman ako ng balikat.

“Iba gusto ko.”ani ko naman na napakibit ng balikat.

“Sinong gusto mo?”tanong niya naman. Tumaas pa ang kilay nito, akala mo naman hindi kilala kung sinong gusto ko. Hindi ko na rin naman siya sinagot dahil lumipat na rin ako sa partner ko.

Natapos naman ang practice namin na sobrang sakit ng paa ko, kung hindi ko natatapakan ang paa ni Thomas, paa ko naman ang natatapakan niya dahil sa pagkakamali ko. Wala talagang hilig sa akin ang sayaw. Napatingin naman ako kay Atlas nang umupo siya sa tapat ko at tinapik niya ang likod niya.

“Huwag kang makapagreklamo reklamo kapag sumakay talaga ako diyan.”sambit ko sa kanya. Sumakay din naman ako agad, hindi na nagpakipot pa, aba, baka magbago ang isip.

Nang makarating sa kotse niya’y masamang tingin na agad ang binigay ko nang magsasalita siya.

“Ang gaan mo.”aniya at ngumiti pa kaya hindi ko mapigilan ang mapairap sa kanya. Alam kong iba ang gusto niyang sabihin kanina. Naging payapa naman ang byahe namin pauwi ng bahay, naihatid niya naman ako ng maayos.

Nang malapit na ang prom kanya-kanya na silang yaya sa mga gusto nilang kapartner habang hindi ko naman alam ang plano ni Atlas. Maraming nagyayaya sa akin kaso isa lang naman ang gusto kong makasama at mukhang wala pa ata akong balak tanungin

“Cho, may partner ka na sa prom?”tanong sa akin ni Mateo na kadadaan lang sa lamesa namin.

“Meron na.”sabi ko na napakibit ng balikat.

“Tatanong pa kasi, Mat, alam naman na.”natatawang biro ni Bella sa kanya.

“Yeah, I know, I just want to ask.”sambit ni Mateo at ngumiti pa sa akin. Nginitian ko lang siya pabalik. May mga lumalapit pa kina Bella para magtanong. Si Bella at Carver ang partner habang hindi ko naman kilala ang kay Bette dahil nasa kabilang strand. Tuluyan na talaga silang hindi nag-usap ni Bren pero wala silang choice kung hindi ang magsama dahil parehas ng circle of friends.

Hindi naman na ako mapakali dahil bali balitang madaming nag-aaya kay Atlas na maging prom date. Naglakad naman na ako papasok sa classroom at dire-diresto pang nagtungo sa kanya. Napatikhim naman ang mga kaibigan nito habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Nagtataka niya maman akong nilingon dahil do’n.

“Hoy, hindi mo ba ako yayayain?”hindi ko na napigilan pang itanong. Humalukipkip pa ako habang nakatingin sa kanya at maski ang kilay ay nakataas pa.

“Lakas talaga ni Chora.”natatawang biro ng mga kaklase ko. Inirapan ko naman sila at tinignan pa si Atlas.

“Ano ba ‘yan, Cho? May surprise siya kaya hindi ka pa niyayaya!”ani Indigo kaya agad siyang nakatanggap ng batok kay Carver at Bren. Hindi ko naman maiwasang matawa roon, kahit kailan ay dakilang panira talaga si Indigo, dapat pala’y ito na ang kinulit ko no’ng umpisa pa lang. Madaling utuin kaya madali lang din niyang masasabi ang plano.

“Bobo ka, Loads?”natatawa kong tanong sa kanya. Inirapan niya naman ako roon.

Napatingin naman kami nang makita si Atlas na nagtungo sa may lamesa habang ang mga kupal na si Carver, Bren at Indigo ay pakumpas kumpas pa ng kamay, nakapwesto sa likod. Halos mapahagalpak naman ako mg tawa ro’n. Natatawa rin ang mga nanonood sa kanila, paano’y ang lalaki ng mga katawan pero ang lalakas ng trip.

Natigilan lang ako nang magsimulang kumanta si Atlas. Malapad lang ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Narinig ko naman ang ‘sana all’ ng mga kaklase.

Maya-maya lang ay tumayo na ito at inabutan ako ng basket na punong puno ng cosmetic. Hindi ko naman mapigilan ang magulat at hindi pa sana gustong tanggapin ‘yon ngunit ipinagpilitan niya.

“Wala rin akong paggagamitan niyan, Chora.”aniya kaya napanguso na lang ako na tinanggap ‘yon. Naghihiyawan na rin kasi ang mga kaklase.

Cho, will you be my date?

-Atlas

Napangiti naman ako nang mabasa ang nakasulat sa gilid ng basket. Nilingon ko naman siya na siyang naghihintay ng sagot ko. Tumango naman ako roon.

“Syempre oo.”ani ko naman at malapad na ngumiti.

“Hindi man lang nagpakipot ng kaunti!”ani Indigo na siyang inirapan ko.

“Tagal na niyang nagpapakipot, wala pa ring balak sagutin si Atlas!”natatawang saad ni Bella. Inirapan ko naman sila dahil do’n. Saka ko lang din napatunayan sa sarili na hindi naman talaga ako nagsasawa. I mean, gusto ko lang tignan bago ko siya sagutin. I want a serious relationship.

And just like that, kami rin ang nag-isip kung anong kulay ang susuotin naming dalawa. Ang mga Mima ko naman, as usual sobrang supportive. Talagang nagdala pa ng designer si Mima sa bahay para lang ayusan ako.

“You look so pretty today, Trinity.”nakangising sambit ni Mima sa sikat na designer na si Trinity.

“Huwag mo akong bolahin, Joan.”sambit naman nito na inirapan pa si Mima. Napatawa na lang ako habang lumalapit kay Trinity, marami siyang design na dala ngunit may alam din naman ako pagdating sa mga gowns kaya sinabi ko ang tipo ko. Gusto kong ako ang magmake up sa akin ngunit mukhang hindi papayag ang mga Mima ko dahil talagang ready’ng ready na sila. Mas excited pa nga ang mga ito kaysa sa akin. Joke. Ako ang pinakaexcited sa prom dahil gusto kong sagutin si Atlas sa araw na ‘yon.

“Chora, aba, manang mana ka talaga sa Mima mo, ubod ng bagal kung kumilos!”ani Mima Sunny sa akin nang hindi pa rin ako tapos sa pagsusuklay at hindi pa rin lumalabas ng kwarto. Balak na kasi nila akong ayusan para sa magaganap na prom mamaya. Lumabas naman na ako at nagtungo na sa make up room.

Akala ko’y wala ng ipagbabago ang mukha ko dahil madalas naman na talaga akong magmake up saka ang sabi ng mga kaklase ko, ang mga inaabangan talaga sa ganitong prom, ‘yong saka lang lalabas ang ganda. Well, maganda na ako e, mas lalo lang gumanda nang ayusan ng tatlo kong Mima. Wala pa talaga ako sa kalingkingan ng tatlong ‘to. Someday, I’ll be able to surpass them and make them proud.

“Hi,”malapad ang ngiting bati ko kay Atlas nang makarating siya sa bahay.

“Ganda mo.”aniya kaya malapad akong ngumiti.

“Ako lang ‘to, Loads.”nagtawanan naman kami roon.

“Parang gusto na lang kitang ipagdamot, huwag na kaya tayong tumuloy?”tanong niya kaya napairap ako.

“Huwag kang ganyan, baka matempt ako at sumama mga sa’yo.”natatawa kong saad sa kanya.

“Tara?”pabulong ko pang tanong.

“Luh, demonyita ka talaga.”natatawa niyang saad sa akin.

“Tara na, movies na lang tayo! Boring din ‘yon!”sambit ko pa.

“Hindi pwede, baka talagang tototohanin ng mga Mima mo ang banta.”aniya sa akin na naiiling pa.

“Wala ka pala e, hanggang salita lang.”bulong bulong ko pa sa kanya na hindi niya naman pinansin at tinawanan lang.

Nang makarating kami sa venue ay pakaway kaway lang ako sa mga nadadaanan, may mga kaibigan din ako sa grade 10 na siyang kasama namin ngayong prom. Marami namang may gusto no’n dahil ang iba sa amin ay nasa lowergrade ang mga gusto. Ihalimbawa na natin si Esai na hindi na mawala wala pa sa tabi ng bebe niyang si Asterin. Mukhang bantay na bantay amp. Napatawa na lang ako sa naisip at napailing na lang. Lumalayo pa ako, ganoon din naman ako kay Atlas.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang program, todo naman ang pangungulit ko kay Atlas na manood kami sa sinehan, aba, gusto kong abutan ‘yong movie na inaabangan ko. Alam kong showing pa ‘yon sa mga susunod na araw kaya lang ay bored na bored na ako rito sa prom at ayaw kong sumayaw mamaya. Paniguradong sasakit lang ang paa ko, isa pa’y talagang nakakatamad gayong isa lang naman ang gusto kong makasayaw.

“Fine, kapag katapos.”aniya pa kaya umirap ako.

“Hindi rin naman tayo mapapansin, saka isa pa may alam akong short cut.”bulong ko pa sa kanya. Hindi naman siya nagpademonyo sa akin. Ang ending tuloy ay wala akong nagawa kung hindi ang makipagsayaw sa mga kaibigang nag-aayaya.

“Ganda mo, Cho,”saan ni Mateo sa akin.

“Thanks. Gwapo mo rin.”sambit ko sa kanya.

“Cho, gusto ko lang sabihin na matagal na kitang gusto.”aniya kaya natigil ako habang nakatingin sa kanya.

“Oh, pasensiya na…”hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ay ngumiti na siya.

“Alam ko, ayaw ko lang patuloy na manghinayang dahil hindi ako umamin noong panahong may gusto ka pa sa akin.”aniya. Nginitian ko lang naman siya.

Maya-maya lang ay isinayaw na rin ako ni Atlas, ang tagal lang naming nanatiling ganoln hanggang sa matapos ang kanta, hinila ko na siya palabas. Hindi naman na kami halata dahil maraming nagsasayawan doon.

“Are you sure we’ll waych movie looking like this?”tanong niya sa akin.

“Bakit? Anong masama?”tanong ko naman at napanguso. Nasa bucket list ko ito kaya gusto ko rin talagang subukan. May ilan namang nakatingin sa amin habang papasok kami sa sinehan. Malapad lang ang ngiti ko sa kanila. Nilingon ko naman si Atlas nang hindi pa nagsisimula ang panonoorin namin.

“Tanungin mo na ako, Loads.”sambit ko kay Atlas kaya kumunot ang noo niya sa akin.

“Masarap ba ang pagkain sa prom, Cho?”tanong niya kaya halos tumirik na ang mata ko kakairap sa kanya.

“Alam mo wala kang kwentang kausap no?”tanong ko sa kanya kaya napatawa siya sa akin.

“Joke lang naman e, ano ba kasi gustong itanong ko sa’yo?”tanong niya na napahawak pa sa batok tila hindi talaga alam kung anong itatanong.

“Ayaw mo ba ng label?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Agad naman siyang napadiretso ng upo tila ba alam na kung anong sinasabi ko.

“Gusto, syempre gusto. Hindi lang kita gustong madaliin…”sambit niya pa.

“Cho, pwede bang maging tayo?”tanong niya sa akin. Hindi pa alam kung paano niya ako haharapin. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko dahil do’n.

“Pwede naman.”sagot ko nang natatawa. Napapikit pa ako nang halikan niya ako sa aking mga labi.

“Mahal kita…”pabulong na saad niya pagkatapos ng halik.

Love. Word that so deep but I know na kung ano man ang nararamdaman ko, hindi lang basta pagkagusto. It’s more than that.






Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now