Chapter 11

955 42 1
                                    

Chapter 11
Melchora’s POV

“Bakit naghihintay ka pa rito, Cho?”tanong sa akin ni Mateo habang nakaupo lang kami rito sa isang gilid. Pinapanood din ang mga nagpapractice.

“Hinihintay ko crush ko.”natatawa kong saad kaya napatingin siya sa akin.

“Do you really Atlas that much?”tanong niya sa akin kaya ngumiti ako at tumango. Pansin ko ang titig niya ngunit hindi rin naman nagsalita. Pinanood ko lang kung paanong nagtawanan din sina Atlas at May kapag nagkakamali sa script.

Nakangiti ko namang kinakausap ang mga lumalapit para makipagkwentuhan. Nang lumipas ang oras ay natapos din ang practice.

“Cho, halika na, ihahatid na kita.”sabi ni Indigo na mukhang nagmamadali.

“Bakit?”kunot noo kong tanong.

“Pinapauwi ako ni Papa.”aniya na nakasimangot. Ayaw na ayaw pa man din ng isang ‘to kapag naroon ang Papa niya sa kanilang bahay.

“Mauna ka na, kasabay ko si Atlas.”ani ko sa kanya.

“Siguraduhin mong ihahatid ka niyan ahh, sorry kanina pa ako pinapauwi.”aniya kaya ngumiti ako at tumango. Kinawayan ko lang siya at hinayaan ng umalis.

Palapit na ako sa pwesto nina Atlas nang marinig ko ang tinig ni May na nagtatanong kay Atlas kung pupwede ba siyang isabay.

“Atlas, pupwede bang sumabay?”tanong ni May sa kanya.

“Sabay mo na, Atlas, tutal ay parehas lang naman ang way ng bahay niyo.”sambit pa nila sa kanya.

“Huwag kang papayag, please…”bulong ko sa sarili. He said na ako ang kasabay niya. Napayuko na lang ako at tumalikod.

“Cho, sabay ka na sa akin!”nakangiting saad ni Mateo.

“Hindi na, magbubus na lang ako.”sambit ko habang palabas na ng covered court. Ngumiti namam siya sa akin at sumunod pa rin.

“Sige na, Cho, delikado na, gabi na masiyado!”aniya ngunit umiling ako. Iba ang gusto kong maghatid.

“Una na ako.”ani ko at tinapik na lang siya sa braso. Tokis talaga ang Atlas na ‘yon, well, hindi naman talaga siya pumayag, Chora, ikaw lang ‘tong nag-akalang nagkasundo na talaga kayo kahit ikaw lang naman ‘tong nagdesisyon.

Naupo lang ako sa waiting shed habang naghihintay sa bus na dadaan. Napanguso naman ako nang makita ang orasan. 30 mins pa para sa susunod na bus. Ayaw kong magcab, sayang ang dagdag na pamasahe at gusto ko lang din talagang maghintay dito para magpahangin. Baka isipin pa nina Mima na may mali sa akin kahit na medyo pagod lang naman ako.

“What are you still doing here?”halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapatingin kay Atlas.

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba inihatid mo na si May?”tanong ko na nakataas ang kilay.

“What about you? I thought Mateo’s going to drop you off?”tanong niya naman pabalik. Malapad naman ang naging ngiti ko at tumayo.

“Tara na.”ani ko at hinila na siya. Sumakay na rin sa kotse nito. Ang mukhang nalugi kong mukha’y naging malapad ang ngiti ngayon. Habang nasa byahe’y kung ano ano lang ang kinukwento ko sa kanya. I love to talk and he love to listen, we really suit each other. Well, charot lang, hindi ko nga alam kung nakikinig ba talaga ‘to o hinahayaan niya lang talaga akong dumaldal, ano pa man ang dahilan, masaya ako na ihahatid niya ako ngayon.

“Thank you, Loads.”malapad ang ngiting saad ko nang makarating sa salon.

“Aba’t sino nanaman ‘yang kasama mo, Chora?”napatingin naman kami nang may magsalita sa gilid.

“Good evening po, late na pong natapos ang practice, pasensiya na po.”ani Atlas. Napangisi naman ako roon, aba’t mabait naman pala ang lolo mo kahit minsan lang. Napatawa naman ako sa naiisip kaya napatingin siya sa akin.

“Oh, akala ko naman nagdate na, sayang.”sabi ni Mima Sunny kaya napailing na lang ako at bahagyang tinulak si Atlas papasok sa kotse niya. Baka kung ano ano pa ang sabihin ng mga Mima ko.

“Good night! Bye!”kumaway kaway pa ako, nagpaalam pa siya ng isang beses kina Mima bago umalis. Kinurot naman ako sa tagiliran ni Mima Joan nang makaalis siya.

“Aba’t ang harot talaga!”natatawa niyang sambit. Lumipas ang gabing ‘yon na malapad na malapad ang ngiti ko. Kinulit ko rin si Esai na ibigay sa akin ang litrato. Ibinigay niya naman mga hating gabi na.

Cho @Dumcho: Good night sa crush ko! Suplado mo! Buti na lang gwapo ka hehe. Kyut ko here.

Hindi ko alam pero nakakaramdam na ako ng hiya sa kanya kaya sa private account ako nagtwitweet tungkol sa mga kaharutan ko. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito dati kaya hindi ko rin talaga gets ang sarili.

Makalipas ang mga araw, ganoon lang madalas ang nangyayari, hinihintay ko ito, talagang nakikipag-unahan pa ako kina May para lang magpahatid sa kanya kaya ngayon ay pinag-iinitan ako ng tropa nila. Well, wala naman akong pakialam do’n. Kahit silaban ko pa sila.

“May atribida kasing hindi naman gusto ni Atlas pero kung makahabol tila ba’y aso.”anito. Ngumiti ako sa kanya kahit na alam kong ako ang pinaparinggan nito.

“May mga feeling jowa talagang tahol ng tahol na wari’y mga aso no?”friendly ko ring tanong. Hindi naman talaga ako nakikipag-away dahil madalas na ang mga nagiging kaaway ay nagiging kaibigan ko rin pero hindi ko ba alam, nag-iinit talaga ang dugo ko sa isang ‘to.

Well, hindi rin naman ako jowa kaya ngunit hindi naman ako nagpaparinig o ano kapag nakikita ‘tong may kasamang ibang babae.

“Alam mo, Chor—“hindi niya pa natutuloy ang sasabihin nang sumabat na ako.

“Hindi pa,”ani ko na mapang-asar na tinignan siya. Kita ko naman ang iritasiyon sa mukha nito, mukhang napipikon na rin sa mga pinagsasabi ko. Napatawa naman ako ng mahina roon.

“Kaya hindi ka magawang magustuhan ni Atlas, asal kalye ka kasi.”aniya kaya ngumisi ako.

“Desisyon ka, Girl? Paano mo na say?”natatawa kong sambit kaya masama ang tingin niya sa akin. Isa ata sa pinakanakakainis na characteristic ko ay ang mapang-asar na mukha. Iniwan ko naman na siya roon at hinayaan siyang tumitili tili sa sobrang inis niya sa akin. Sobrang tinis pa ng boses nito.

“What did you do?”tanong ni Atlas nang lapitan ko siya at napatingin siya sa gawi ni May na inis na inis na tumitili.

“What did I do?”tanong ko naman pabalik.

“Pahiram lecture sa stats.”ani ko at naglahad ng kamay sa kanya. Pumasok naman siya sa room niya. Nakatambay kasi sila rito sa hallway.

“Pakagat, loads.”sambit ko kay Mateo nang dumaan siyang may dalang burger. Hinayaan niya naman akong kumagat sa pagkain niya.

“Ang takaw talaga, Loads.”natatawa niyang sambit bago ginulo ang buhok ko. Natawa lang ako roon at nilingon si Atlas na siyang lumabas na wala namang dalang notebook.

“Saan na?”tanong ko na nakalahad pa rin ang kamay.

“Wala, manghiram ka na lang sa iba.”aniya kaya napanguso na lang ako.

“Anong hinihiram mo, Cho?”tanong ni Mateo na nasa gilid ko pa rin, pinunasan pa nito ang sauce na nasa gilid ng labi.

“Lecture sana sa stats.”ani ko pero napakibit na lang ng balikat dahil balak ko lang naman titigan ang magandang numbers ni Atlas.

“Oh? Meron ako, teka, kunin ko.”aniya sa akin.

“Huwag na, ayos lang.”natatawa kong saad pero pumasok pa rin siya para kuhanin ‘yon.

“Chora, sino ba talagang crush mo? Hindi ko alam kung sino ba ang pinupuntahan mo, si Mateo ba o si Atlas?”natatawang tanong ni Michelle na siyang abalang abala sa pagcucurl ng buhok. Napatawa naman ako sa tanong nito bago siya nilapitan para ako na mismo ang gumawa no’n.

“Sino ba pa? Edi si Atlas.”nakangisi kong bulong habang inaayos ang buhok niya.

“Naalala ko noon, Cho, lagi ka ring sumisilip sa classroom namin para lang tignan si Mateo.”tawang tawa na saad ni Lin. Napailing naman ako roon.

Ganoon nga ang gawain ko no’ng grade 10 pero madalas na kapag uwian ko lang naman ginagawa. Well, madami rin akong crush sa section nila no’n pati si Vincent at Jack na siyang nasa stem na. Hindi ko naman na crush ang mga ‘yon dahil isa na lang ang gusto.

“Thanks, Mat!”nakangisi kong sambit sa kanya.

“Welcome, Cho.”aniya naman. Nang matapos ang break time, lumabas na rin ako sa room nila ngunit bago ‘yon ay inabutan muna si Atlas ng chonat na binili ko sa labas kanina. Tinanggap niya ngunit sinusungitan pa rin ako.

Nang bumalik sa room ay naging abala naman na ako sa pag-aayos ng palihim sa mga buhok ng mga kaibigan. Aba’t hindi man lang natakot ang mga gaga dahil alam na ako itong pagagalitan kung sakali.

Maya-maya lang ay lumabas din ako ng classroom para manghingi ng papel sa section nina Atlas. Naiiling na lang na natawa ang mga kaklase ko sa akin.

“Hay nako, Ms. Benavidez, hanggang ngayon ba naman ay talagang sinisilip silip mo pa rin si Mateo?”natatawang tanong ng guro nila, naging teacher din kasi namin noong grade 10 kaya madalas niya rin akong nakikitang nagtutungo sa room nila Mateo noon. Well, mabait ang guro at magaling din magturo kaya lang ay hindi talaga para sa akin ang history.

“Ma’am, manghihingi lang po ng paper kay Atlas.”ani ko at ngumiti. Sa totoo niyan ay sa akin nagpaayos ‘tong si Ma’am noon noong may prom ang grade 10 at 12.

“Ganoon ba? Mr. Atlas, excuse daw.”anito. Tumayo naman si Atlas na may hawak na buong papel. Iniabot niya sa akin, mukhang hindi pa ito nagagalaw. Malapad naman ang ngiti ko ng tanggapin ‘yon ngunit mukhang hindi na ito natutuwa sa kakulitan ko dahil masungit niya akong tinignan.

“Stop borrowing things.”inis niyang sambit sa akin bago siya pumasok sa loob ng room nila. Napanguso naman ako. Medyo nahihiya na rin naman ako sa kanya pero bakit ba? Gusto ko nga siyang makita!

Actually, ang dami na nga niyang gamit sa akin, lahat ng ‘yon ay hindi ko naman nagagalaw dahil hindi ko naman talaga ginagamit. Napatingin tuloy ako sa bag ko nang makabalik na, lahat ay nandito pa, pati ang mga ballpen niya, kapag isinasauli ko naman kasi’y hindi niya na rin naman tinatanggap.

Lumipas ang mga araw na ganoon pa rin ang gawain ko, it’s just my way of talking to him kahit na may mga naririnig na ako na salita mula sa schoolmate namin.

“Si Atlas?”tanong ko sa mga kaklase nito, naiiling na lang naman sila sa akin. Tumayo si Atlas just like every day ngunit talagang pikon na pikon na siya sa akin dahil ngayong araw at mukhang napuno na talaga siya.

Naglakad siya sa may pinakasulok kaya sinundan ko siya.

“Sino ba talagang pinupunta mo sa room?”iritado niyang tanong. Hindi ko alam kung bobo ba ito ano, natural, siya! Sino bang hinihiraman ko ng gamit? Aba’t siya rin naman!

“Stop coming in our classroom just to ask for things.”iritado niyang sambit na iniabot pa ang tatlong paper bag na punong puno ng school supplies. Mukhang tuluyan na siyang nairita.

“Or why don’t you just borrow things to your fucking boy toy, huh?”aniya na tumalikod nang bitawan ang school supplies dahil hindi ko tinatanggap. Iritado ko naman siyang tinignan dahil do’n.

“Bobo mo! Badtrip ka!”inis kong sigaw sa kanya ngunit hindi niya ‘yon pinansin dahil dire-diretso lang siya sa pagpasok sa kanilang classroom.

Kinuha ko naman ang paperbag na nagsilaglagan sa gilid. Mahigpit ang naging paghawak ko roon bago dire-diretsong nagtungo sa aming classroom. Kinuha ko lang ang mga gamit niyang nasa bag ko.

“Anong nangyari riyan? Mukhang badtrip na badtrip, huh?”tanong ng ilang kaklase ko. Dire-diretso lang naman ang lakad ko patungo sa classroom nina Atlas. Kita ko naman siyang nakaupo lang kasam ang mga kaibigan niya, napangiwi naman ako nang makita ko siyang nakangiti but still I know I’m really iritating kaya naman medyo guilty din ako.

“Here’s your things. Don’t worry, I won’t borrow things from you.”ani ko at tipid na ngumiti bago ibinaba ng maayos ang mga gamit niya. Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase niya sa amin ngunit nginitian ko lang sila, napakapeke mo, Chora.

Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon