Chapter 2

1.6K 57 3
                                    

Chapter 2
Melchora’s POV

“Tanga mo naman, Indigo! Assist sabi!”reklamo ko kay Indigo.

“Bobo,”sambit ko pa sa kanya.

“Pucha naman, Chora! Ikaw na kaya maglaro!”inis niyang saad sa akin dahil ang ingay ko.

“Lose streak ka ngayon.”sabi ko na nailing sa kanya.

“Paanong hindi natatalo? Ang ingay mo? Sarap tapalan talaga niyang bunganga mo kahit kailan.”reklamo niya pa sa akin habang sinisisi ‘yong mga bano niyang kasama.

“Sisisi ka pa, bano ka rin naman.”natatawa kong saad kaya sinamaan niya ako ng tingin. Pinataasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

“Akala mo naman talaga—“hindi ko na narinig ang sinabi nito lalo na nang mapatingin ako sa labas ng binatana. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ‘yon.

“’Yong crush ko!”malakas kong sigaw at nahampas pa si Indigo na siyang natawa lang sa akin.

“Iba nanaman? Ang dami mong crush.”sabi niya na naiiling na lang, nangalumbaba pa ‘to para silipin ang dadaan. Best friend ko si Indigo mula elem, nagkakasundo rin kasi talaga kami sa maraming bagay, isa pa regular customer din ang Mama niya sa salon. Parehas kaming mataas ang enerhiya kaya nasasabayan ang trip ng isa’t isa.

“Pst!”tawag niya rito, malapit lang kasi kami sa bintana kaya maririnig talaga kami. Napangiwi naman ako roon at kinurot ang tagiliran niya.

“Alam mo napakabrutal mong hinayupak ka.”pabulong na saad niya sa akin. Napatawa naman ako roon. Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang lumingon ‘yong lalaki sa salon sa akin. Hindi ako makapaniwalang dito rin talaga siya nag-aaral! Ang gwapo, Mhie! Ni hindi nakabutones ang uniporme niya.

“Hi, Crush!”nakangiti kong sigaw at kinindatan pa siya. Napakunot naman ang noo nito sa akin at nailing na umalis sa harapan ko. Napatawa naman ako roon. Mukha talagang suplado ang isang ‘to.

“Si Atlas pala? Nakalaro namin ‘yon noong isang araw sa court.”aniya sa akin kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

“Yayain mo ulit! Sasama ako!”sabi ko na naexcite agad habang nakatingin kay Indigo.

“Sige, ayain ko, anong kapalit?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay.

“Anong kapalit? Aba’t binuhat na kita’t lahat lahat sa ml nanghihingi ka pa ng kapalit?”tanong ko sa kanya kaya nginiwian niya ako.

“Huwag ka ngang magmafeeling diyan, Chora. Ako ang bumuhat sa’yo!”aniya kaya nagmake face na lang ako.

“Oo na, sige na, ililibre na lang kita sa palamigan diyan kina Aling Tessie.”ani ko. Hindi naman kasi ito maarte kahit na gaano pa kayaman.

“Sige na nga, samahan mo na rin ng pambara para naman sulit.”sabi niya kaya inirapan ko. Kahit na sobrang yaman nito, ubod ng pagkakuripot. Pangarap niyang maging producer kaya nag-iipon na dahil alam niyang hindi siya papayagan ng Daddy niya, gusto kasi no’n na business ang kuhanin niya dahil siya lang ‘tong kaisa isang anak nito at siya lang ang magmamanage ng business nila. Lagi niyang sinasabi na sobrang haba pa ng panahon, baka mamaya’y wala na pala rin siyang business na mahahawakan at hindi niya rin naman talaga gusto ‘yon.

Abm ang kinuha niya ngayong grade 11 kami kahit na gustong gusto niyang kuhanin ang art & design, ganoon din naman ako, gusto ko rin na kunahin ang kursong ‘yon kaya lang ay medyo magastos kasi, nahihiya naman ako kay Mima kahit paulit ulit niyang sinabi sa akon na ayos lang kuhanin ‘yon. Sa huli’y abm din ang kinuha ko. Hindi ko alam kung nagsasayang ba ako ng dalawang taon pero kasi dalawa ang gusto kong gawin, ang maging businesswoman o ‘di naman kaya’y magkaroon din ng sariling salon.

“Fine. Basta ahh, siguraduhin mong sasama ‘yon.”sabi ko na nanliliit ang mga mata sa kanya, baka scam-in ako ng hinayupak na ‘to e pero madalas naman na nagagawa niya rin.

“Oo na.”aniya na natatawa bago siya nagsimula nanamang magcellphone.

“Chora, anong mas maganda ‘tong pink o red? Ano sa tingin mong bagay sa akin?”tanong ni Bette sa akin, isa sa mga kaklase ko.

“Hmm, itong pink,”sabi ko at kinuha pa ‘yon sa kamay niya. Ako na mismo ang naglagay sa mga labi nito.

“Awwe, thank you, Chora!”nakangiti niyang pasasalamat.

“Welcome, Sis.”sabi ko naman na kinindatan siya.

Nagpatuloy naman ang araw namin, sawang sawa naman na ako sa pag-aaral, mas gusto ko pang tumambay sa salon kaysa ang tumambay dito sa classroom. Hindi naman talaga ako natalino kaya kailanman ay hindi ako magiging scholar sa pangmayamang paaralan, kung hindi dahil kay Mima ay wala ako rito. Well, utang na loob ko naman sa kanya ang lahat ngunit kailanman ay hindi niya ako sinumbatan.

“Kain na tayo, Cho,”sabi ni Indigo sa akin nang matapos ang klase.

“Libre mo?”nakangisi kong tanong.

“Ulol. Wala na rin akong pera.”sabi niya kaya napangiwi na lang ako at napairap sa kanya. Kahit na ang dami kong racket, sobrang mahal naman ng pagkain sa cafeteria, isang kainan lang ‘yon. Sumama naman kami sa mga kaibigan namin dito sa room. Mga galante kaya napapasabit kami ni Indigo, kahit paano naman ay marunong din kaming mamili ng kaibigan, ‘yong mapupuno ang tiyan mo. Half joke.

“Ako na ang bibili basta bigyan niyo akong pambili.”sabi ko sa kanila.

“Ang kuri po talaga, Chora.”natatawa nilang saad sa akin.

“Sasamahan ko na siya, pera?”tanong naman ni Indigo at naglahad din ng kamay. Isa pa ‘to. Napatawa na lang sila na naiiling bago nag-abot ng pera, katulad nga ng sabi ko barya lang sa kanila ‘yan, minsan nga kapag inaayusan ko ang mga ‘to kahit friendly gesture lang ay magbibigay sila ng bayad.

Kahit na gaano pa ako kawalang pera, hindi ko rin naman hahayaan na makarinig ng kung ano ano tungkol sa mga ito saka magalinh akong makisama, pinakaunang rule sa lahat. You can help them pero huwag mong hahayaang utos utusan ka nila. Sa panahon ngayon hindi naman na talaga dapat pang magdivide ang tao dahil lang sa social status e.

Bumalik naman kami dala dala ang ilang pagkain sa lamesa, agad kong nakita si Atlas na patungo ulit sa counter kaya agad kong hinarap si Bette.

“Bette, bibili kang tubig, hindi ba?”tanong ko.

“Ako na ang bibili.”nagmamadali pa akong naglahad ng kamay.

“Sino nanaman ‘yang natitipuhan mo, Cho?”tanong nila sa akin.

“Si Atlas.”si Indigo na ang sumagot kaya inirapan ko siya.

“Oh? Gago, crush ko rin ‘yan!”sabi ni Bella.

“Hati tayo.”natatawa ko namang saad kaya napatawa siya. 

“Hoy, selos na si Thomas!”natatawa nilang pang-aasar sa isang kaibigan namin. Nailing na lang ako at nagmadaling naglakad para abutan si Atlas. Agad ko naman siyang nakitang malapit na sa counter, sumingit pa ako sa ilang kakilala, pasimpleng pakikipagkwentuhan lang.

“Oopps, sorry.”natatawa kong saad kay Atlas nang nasa likod niya na ako. Malamig lang niya akong tinignan at hindi rin pinansin.

“Atlas, una ka na.”napaawang naman ang mga labi ko nang wala siyang kahirap hirap na nakapasok do’n. Agad akong napasimangot dahil ang saya ko pa kanina dahil mahaba ang pila, matagal tagal ko siyang makikita pero pucha halos ilang minuto akong mandito, ang init init pa! Kainis! Sana’y si Bette na ang pinapila ko.

“Oh, bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ‘yang mukha mo?”natatawang tanong sa akin ni Indigo habang ngumunguya na, napairap na lang ako sa kanya bago ako naupo sa tabi nito.

“Ang init!”inis kong sambit na iniabot pa ang inumin kay Bette.

“Sino ba kasing nagsabing bumili ka, Cho?”natatawa nilang tanong at napailing sa akin. Napanguso na lang ako bago ako sumubo ng isang pizza.

“Sino si Melchora rito?”napatingin naman kaming lahat sa babaeng padabog na tinignan kami ng masama.

“Si Timmy nanaman, ingat ka diyan, Girl, war freak ng taon, mukha pang clown.”pabulong na saad ni Bette sa akin. Napanguso naman ako bago tumayo.

“Hi, ako, bakit?”nakangiti kong tanong sa kanya.

“Ang kapal naman ng mukha mo, talagang ngingiti ka pa?”aniya na napangiwi pa sa akin.

“Mang-aagaw kang haliparot ka!”malakas na sigaw niya sa akin. Nakatingin na tuloy ang ilang estudyante sa amin.

“Nilalandi mo si James, hindi ba? You’re fucking disgusting slut!”sigaw niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako roon. Nasstress ako sa makapal nitong make up. Natatabunan ang ganda niya.

“Girl, halika rito.”sabi ko at hinila siya patungo sa bench palabas. Nagpupumiglas pa ito sa akin ngunit kahit paano’y malakas naman ako.

“Huminahon ka, Sis.”sambit ko habang hinahanap ang baby wipes sa akinh pouch.

“Paano akong hihinahon gayong mang-aagaw ka! Ikaw ‘yong kabit niya, hindi ba?!”malakas na sigaw nito. Napikit na lang ako, ilang beses ba ako masasabihin ng kabit. Sanay na sanay na akong may mga sumusugod sa akin na ganito, masiyado kasi akong maganda. Half joke.

“What are you doing?”inis niyang tanong nang ipahid ko ang baby wipes sa kanya.

“Ayusin natin.”sabi ko at nginitian pa siya. Magpupumiglas pa sana ito ngunit sinamaan ko siya ng tingin.

“Sino ba ‘yang boyfriend na tinutukoy mo, Girl?”tanong ko habang inaalis ang makapal na make up niya.

“Huwag ka ngang magmaang maangan! Alam kong kilala mo si James!”inis niyang saad.

“Ahh, ‘yong grade 12 na madalas kasama ni Indigo sa ml?”pabulong na tanong ko sa sarili pero mukha ‘yon nga dahil sumama ang timpla ng mukha niya sa akin.

“Sis, alam mo huwag kang nagpapadala diyan sa may mga may itsura lang.”aniko habang nagsisimulang maghanap ng babagay sa mukha niyang make up dito sa pouch na lagi kong dala. Masama ang tingin niya sa akin ngunit hinahayaan din naman ako sa ginagawa.

“Ang ganda mo kaya, Girl, huwag kang maghabol, hindi mo kailangang gawin ‘yon, kung nagawa kang lokohin, iwan mo. Self worth, Sis.”sambit ko, medyo kumalma naman siya ngunit nandoon pa rin ang sama ng tingin sa akin. Weh, Cho?

“Kung nagawa ka niyang ipagpalit sa iba, tanga siya. Hindi mo kailangan ng cheater, Sis, marami ka pang makikilalang iba, ang pretty mo kaya. Saka pwede ba, huwag sugudera, Girl? Nakakababa ng class.”sabi ko habang nilalagyan na ‘to ng eyeliner. Well, kung magkakaboyfriend man ako, hindi ko gustong makipagcat fight sa ibang babae no.

“Ano?”tanong niya na nginiwian pa ako. Nagkibit lang naman ako ng balikat kaya umirap siya.

“Hindi ka ba talaga niya kabit?”tanong niya kaya natawa ako.

“Ang ganda ko naman, Sis, para maging kabit,”napangiti pa ako nang dinedepina na ang matangos niyang ilong. Ang ganda niya.

“Kaunting aral lang, huhusay ka rin sa pagmemake up, ibagay mo sa mukha mo, para hindi ka nasasabihin ng mukhang clown.”sabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya at parang bubulyaw nanaman sa galit.

“Ano? Sinong nagsabi niyan?”tanong niya pa at tumayo pa na parang gustong sumugod. Agad ko naman siyang hinila at sinamaan ng tingin.

“Hindi pa tapos, balik.”sambit ko, nginiwian niya naman ako bago siya umupo muli. Nang matapos ako’y iniabot ko ang salamin para makita niya ang sarili. Nag-inat inat pa ako bago tumayo.

“Oh, pak, pretty.”nakangiti kong saad sa kanya. Napanguso naman siya dahil alam niyang maganda ang kinalabasan.

“Isa pang sugod mo sa akin babarilin ko ‘yang bungo mo.”banta ko na nakangiti pa rin sa kanya. Medyo natakot naman siya roon.

“Sorry, akala ko ikaw ‘yon.”sabi niya sa akin.

“No, we don’t consider cheaters in our group.”ani ko at ngumiti lang ng tipid. Napakunot naman ang noo ko nang makita ang ilang kamag-aral na nakatingin sa gawi namin, akala ata’y magsasabunutan kami. Napatawa lang ako roon bago tatakbo na sana para bumalik sa loob dahil hindi pa ako tapos kumain nang makita ko si Atlas na siyang nakaupo lang sa katabing bench na pinag-upuan namin ni Timmy kanina.

“Hi!”nakangiti kong bati rito, abala siya sa pagbabasa ng kung ano, stem student kasi ‘to, abm din ‘to, kabilang section nga lang, sayang. Nilingon niya lang ako sandali ngunit binalik din ang mga mata sa librong binabasa.

“Sungit.”bulong ko sa sarili ngunit hindi siya tinantanan.

“Bagay mo ‘yang buhok mo ngayon, mas lalo kang gumwapo.”nakangiti kong saad, nakaclean cut kasi ito, kumpara sa mahaba niyang buhok noon pero gwapo naman siya kahit saan do’n.

“Yeah, thanks to someone.”sarkastiko niyang saad kaya napanguso ako para pigilan ang ngiti, edi natatandaan niya rin pala ako!


Mask It With A SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon