Chapter 52

1.2K 38 2
                                    

Chapter 52
Melchora’s POV

“Tara na, Mima?”tanong ko kay Mima. Tumango naman siya sa akin dahil do’n. Makikipagmeeting na kami sa attorney ngayon para mapuntahan na ang dating bahay namin nina Mima.

“Wait, Nak, gwapo si Attorney, malay mo naman.”aniya pa sa akin kaya halos mapahagalpak ako ng tawa. Nagpatuloy na lang siya sa pag-aayos hanggang sa matapos.

Nagtungo na rin kami kina Attorney kalaunan. Nagvideo call pa sila ni Mima Sunny habang nasa sasakyan kami. Imbis na pag-usapan nila ang mga ari-arian, mas pinagtuunan pa nila ng pansin ang gwapong attorney na sinasabi ni Mima Lena, hindi ko alam kung matatawa ako o ano lalo na’t magkakaiba pa naman kami ng taste nina Mima.

“Good morning po, Attorney.”bati namin sa attorney namin, nandito rin ang partido ng kapatid ni Mima pero sa amin naman naman na ang papeles, sa akin talaga nakapangalan ang halos lahat ng properties na naiwan nito at kahit magmakaawa pa sina Tita’y ipaglalaban ko ang mga ‘yon.

Kita ko agad ang matalim na tingin nina Tita habang dinidiscuss ni Attorney kung paano ang mangyayari roon.

“Ako ang nagpalago no’ng salon, Attorney!”malakas na sigaw ni Tita at masama ang tingin sa akin. Hinayaan ko naman siyang nagsisisigaw do’n.

“Sa pagkakaalam ko po’y kilala na ang salon bago niyo pa po hawakan.”nakangiti kong saad sa kaniya.

“Huwag kang makisabat.”aniya sa akin, hindi ko naman maiwasang matawa dahil do’n. Hanggang ngayon ay maldita pa rin pala talaga.

“Wala na pong mababago rito, Mrs. Ortigas, ang will po ni Mr. Benavidez ang masusunod,”anang isa sa partido namin. Napangisi na lang ako dahil lahat ng will ni Tito’y pabor sa amin.

“Kahit ‘yong salon lang, Cho…”paawa ni Tita nang palabas na kami sa meeting place. Bahagya naman akong napangisi dahil no’ng pumasok kami’y akala mo’y handa kaming murder-in.

“Hmm, sapat naman na po siguro ang 2 years lalo na’t kailanman ay hindi po kayo naging kapatid kay Mima.”sabi ko na matamis pa siyang nginitian. Agad sumama ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

“Masiyado kang mapagmataas! Babagsak ka rin! Isa ka lang naman anak ng rapist.”aniya sa akin. Ang ngisi sa mga labi ko’y tuluyang nawala. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga tao, sobrang hilig gamitin ang kahinaan ng ibang tao para lang manalo.

“Isa pang sabi mo niyan, kamao ko na ang katapat mo…”ani Mima Lena na nakangisi sa kaniya.

“Isa ka pa traydor!”ani Tita at sinubukan pang sampalin si Mima Lena na siyang nasalag naman niya agad.

“Matagal akong nagtimpi sa’yo, sa tingin mo ba’y hahayaan kitang lait laitin pa ang anak anakan namin?”tanong pa ni Mima na nakataas ang kilay. Nanggagalaiti naman si Tita at halos gusto ng saktan si Mima na siyang katapat niya kung hindi lang nahila ng panig nila.

“Hello, Loads?”patanong na sagot ko nang tumawag si Atlas.

“Kumusta? What happened?”tanong niya sa akin.

“Ayos naman, nasa amin na ang will ni Tito…”sambit ko at kinuwentuhan siya.

Noong umalis kami sa bahay nila kagabi, hindi naman na namin napag-usapan pa ang tungkol sa pinagsasabi niya sa Mommy niya dahil hindi naman na niya ‘yon inulit pa sa akin, inisip ko na lang din na nagbibiro lang ito kaya lang ay hindi naman na mawala sa isipan ko ang tungkol do’n. Siraulo talaga ‘to, lagi na  nambibigla.

“Ikaw? Tapos na shoot niyo?”tanong ko sa kaniya pabalik.

“Hmm, malapit na.”aniya naman.

Mask It With A SmileWhere stories live. Discover now