Pangatlong Patak

81 19 3
                                    

SAYA
Dedicated to Saddygirlll

Gusto kong sumaya pero hindi ko magawa,
Paano ako sasaya kung ikaw ang kahulugan ng nasabing salita?
Paano ako tatawa kung ikaw ang dating nagsilbing dahilan?
Paano ako magkakaroon ulit ng gana kung ikaw ang dati sa akin nagbibigay niyan?

Lubos akong nalulungkot sa iyong paglisan.
Ang saya na gusto kong maranasan ay iyong dinala.
Sa iyong paghakbang papalayo patungo sa kaniya
Ako'y nasa likod, lumuluha at nasasaktan.

Ito ba ang sa iyo ay magpapaligaya?
Ito bang nararanasan ko ay nakakapagbigay sa iyo ng ginhawa?
Paumanhin pero nagkakamali ka!
Isang libo't mahigit ang sugat na iyong nilikha.

Pagtulo ng luha at mahinang hikbi
Ang palaging kumakalawa sa akin sa gabi.
Sa madaling araw paghabi ng tula lamang ang sa akin humihili.
Kailan ko kaya magagawa ang ngumiting muli?

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now