"DISTANSYA"
Dedicated to Aishi_kawaiiNakakapanghinayang ang nangyari sa ating dalawa
Akala ko tayo ay magtatagal
Pinagtagpo tayo ng tadhana kahit magkaiba ang pinagmulan nating dalawa
At milyong kilometro ang layo natin sa isa't-isaHindi naging hadlang ang distansya sa ating pagmamahalan
Naniwala sa iyong mga salita at naging tapat
Bawat araw na lumipas sa aking buhay ang siyang pinakamasaya
Walang ibang hiniling kun'di ang balang-araw ay makasama kaSa bawat segundo ng aking buhay
Kahit malayo ka ay palaging nasa isipan
Pati ang puso ko'y ginawa mong tahanan
Kaba, saya at mga napakagandang pakiramdam ang hindi ko inasahanHiling na sana ang lahat ay walang katapusan
Ngunit mali ako ng inaakala
Nagising isang araw wala ng mensaheng natanggap
Naghintay at palaging nakapalong-babaHindi ko rin mapigilan ang pagtulo ng mga luha
Linggo na pero wala ka paring paramdam
Siguro nga ito na ang wakas
Kwento natin ay hindi na madudugtunganNapakasakit umibig at maiwanan
Ng taong mahal na hindi abot ang kinaroroonan
Ngunit sana sa tulang ito ang iyong puso sana'y mahawakan
Huling mensahe para sa aking minamahalHindi ko alam kung ano ang iyong dahilan
Pero ito ang aking munting kahilingan
Hindi mo man natupad ang iyong naiwang salita noong nakaraan na
"Balang-araw magiging isang abogado ako, at ikaw ay aking ipaglalaban."
Panghahawakang kahit ang iyong pangarap na lamang ang matupadHanggang sa muling pagtagpuin ni tadhana ang ating landas
Baka sa susunod ay makita na kita ng malapitan
Kuntento na akong malaman na ikaw ay nagtagumpay
Kahit sa panahong iyan wala ka na sa aking nararamdaman
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...