Pang tatlongpung isang Patak

13 3 0
                                    

TAMPO

Nakakapagtampo kang kaibigan,
Minsan na nga lang magkaroon ng oras para makapag-usap
Doon ka pa naghahanap sa iba
Gayong andito naman akong palaging sabik sa mga kwento mo kahit minsan walang kwenta.

Nakakamiss ang dati halos walang tulugan
Na usapan na wari ba'y hindi mauubusan.
Nakakamiss ang ang dating usapan
Na kahit walang kwenta ang paksa ay inaabot tayo ng madaling araw.

Miss ko na iyong kaibigan ko!
Iyong ngiti na ang mata niya ay abot.
Iyong halakhak niya na pang-aswang dahil nakakatakot.
Miss ko na iyong kaibigan ko na ako ang takbuhan kapag malungkot.

Bakit kailangan hanapin ang saya sa iba gayong nandito ako,
Kaibigan na palaging naghihintay sa'yo ?
Bakit kailangang kalimutan ako
At balutin ang sarili sa lungkot gayong pwede namang kasama mo?

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now