Pang Limampu't Isang Patak

10 3 1
                                    

SARADO

Tapos na ba?
Hanggang dito na lang?
Ito na ba ang wakas?
Akala ko pang-walang hanggan?

Nangako kang aalagaan mo ako
Mamahalin ng buo bilang ako
Maghihintay sa tamang panahon
Hindi mapapagod kahit abutin man ng siglo

Mahal kita, iyan ang palaging bulong mo sa akin tuwing gabi
Pangako, ilang beses kumawala sa iyong labi
Patawad, palaging sinasabi pero parang walang pagsisisi
Balang-araw, ang makasama ka ang palaging hinihiling

Hindi mabilang na paumanhin at pagpatawad mula sa akin
Ang aking iginawad bago mo naisipang bumitiw
Ilang saksak sa puso at gulo sa isip
Ang aking nakamit bago mo naisipang umalis

Panahon na siguro para akin nang isarado
Ang lahat ng pinto para hindi ka na muling makapasok
Wala nang babalikan ang isang katulad mo
Na magaling lang mangako at ako ay palaging binibigo

Tapos na. Wala na. Paalam
Sarili ko naman ang una
Pagod nang palaging ikaw ang inuuna
Sarado na at hindi ka na muling makakapasok pa

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant