Pang Animnapung Patak

5 2 0
                                    

KATAHIMIKAN

Hindi kita gusto.
Wala akong pagtingin sa'yo
Pero bakit nalulungkot ako sa hindi mo pagkibo,
Nasasaktan ako sa hindi mo pagpansin sa presensya ko?

Narinig ko sa iba na ikaw ay mayroon nang gusto.
Biglang may pagkirot sa aking puso.
Hindi ko naman dapat maramdaman ito
Kasi magkaibigan lang tayo.

Pero bakit ganito?
Hinahanap ko ang pangungulit mo?
Ang boses mo at mga kwento mo?
Bakit kailangan mong magbago?

Tatanggapin ko naman kung pagsasabihan mo ako.
O kung hihilingin mo na ako ay lumayo.
Hindi yung ganito, sinasaktan mo ako.
Dapat ba na ganito ang katapusan ng ating kwento?

Oo magkaibigan lang tayo.
Pero karapatan ko naman sigurong may marinig mula sa'yo.
Hindi dahil sa makasarili ako
Kundi dahil nadudurog ako sa katahimikang ito.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now