Pang Animnapu't Tatlong Patak

9 0 0
                                    

BAGYO

Akala ko maayos na ako.
Wala na ang sakit at pagkirot,
Wala nang pag-aalala sa puso
Ni pagluha sa mga mata ko.

Pero mali pala ako.
Akala lang pala ang lahat ng iyon.
Mabigat pa rin at ako ay parang dinurog-durog
Paulit-ulit hanggang sa ako magkapira-piraso.

Sabi nila itigil ko na ang pag-iyak ko
Pero hindi ko mapigilan ang pag-agos.
Sabi nila bitawan ko na at magpatuloy
Pero hindi ko naman alam kung paano.

Sabi nila huwag raw ako magpaapekto at iyon ay hindi totoo
Pero nasasaktan ako, sobrang nasasaktan pa rin talaga ako!
Kaya paano ko pipigilan ang emosyong nararamdaman ko?
Paano ko maibabalik ang dating sigla ko?

Gayong mga paano ay hindi ko masagot.
Kailan kaya titila ang bagyong
Gumugulo at pumipinsala sa pagkatao ko?
Magagawa pa kaya nitong huminto?

Nasalanta na kasi ako ng husto
Hindi ko magawa ang pagbangon
At nawawalan na ako ng pag-asang magpatuloy.
Gusto ko lang namang magkaayos tayo!

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now