Pang Apatnapu't Limang Patak

10 3 0
                                    

"WALANG WAKAS"

Panibagong araw na naman
Hudyat ng pagsisumula ng paggawa
Ng panibagong tulang hindi pa sigurado kung ano ang magiging paksa
Magagawa kayang makatapos ng isang piyesa?

Para kanino na naman kaya ang mga salita at tugma
Ang hahabihin ng isang makata?
Para sa taong napag-alayan na ng hindi mabilang na dami ng tula?
O bagong tauhan sa buhay na sa kaniya naman ngayon ay gumagambala?

Alin man sa dalawa'y hindi sigurado siya
Sapagkat ano mang salita na kaniyang mapagtugma
Hindi nito magagawang pagtugmain ang kanilang nararamdaman
Hindi angkop sa isa't-isa kaya malabo ang nasabing palaisipan.

Gusto niyang magsulat ng panibagong tula
Ngunit mukhang wala na naman ata siyang mabubuo pagkatapos nitong araw
Dahil kahit siya'y hindi pa sigurado at ang mga nilikhang piyesa
Ay hindi tugma at palaging hindi nadudugtungan ng wakas.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora