Pang-Apatnapu't Pitong Patak

16 4 0
                                    

"NANGANGAMBA"
Dedicated to macyleeson18

Hindi ko alam kung tama ang nararamdaman
Nangangamba na baka isang maling akala na naman
Ang mga palaisipan na sa atin ay may namamagitan
O hindi kaya ito ay guni-guni ko lamang

Gusto kong aminin ngunit palaging may humamahatak sa akin
Pabalik sa puwesto kung saan kaibigan lang ang pagtingin
Palaging nagbabakasali at nagdadalawang-isip
Ngunit sa huli nakatikom lang ang bibig

Nangangamba ang puso kong sa huli ay mabigo
Matalo sa pagkakahulog
At sa pag-amin ay maging dehado
Hihilingin na sana hindi nalang pinagbigay alam gayong talo pa rin naman sa dulo

Pero paano kung tama ang akala ko
At parehas ang nararamdaman ng ating puso?
Kapag hindi ko nagawang umamin sa'yo
Ay tatalikod ka't ang nararamdaman ay magbago

Titingin na lamang ba dito sa gilid?
Hihintayin na may dumating
At mawala ka sa aking piling
Nang hindi ko nagagawang sa'yo ay umamin

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang pasya
Pag-amin sa nararamdaman ay nakakakaba
Nangangamba ako ng sobra
Hindi ko na alam kung dapat pa ba

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon