Pang labing siyam na Patak

23 1 0
                                    

KAIBIGAN BA TALAGA KITA?
Dedicated to Saddygirlll

Ang kaibigan ay ang taong nakakasama mo sa lungkot at saya.
Nagpapatawa sa iyo kapag ikaw ay lugmok na lugmok na.
Karamay mo halos sa lahat ng bagay,
Isama na natin pati sa mga kalokohan.

Natagpuan ko iyan sa iyo,
Buong puso kitang tinanggap sa buhay ko.
Sa katunayan nga ay kapatid na ang tingin ko sa'yo.
Masaya akong nakilala ang katulad mo.

Pangako natin sa isa't-isa ay pagkakaibigan na pang walang hanggan.
Pangako natin sa isa't-isa ay walang iwanan, peks man!
Pangako natin sa isa't isa na sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin sa buhay.
Pangako natin na akala ko ay tutuparin nating dalawa.

Nagbabago ka na't tila hindi na ikaw ang kaibigan na aking nakilala.
Nagbago ka't tila ba ako ay iniiwasan.
Nagbago ka at ang dahilan sa akin ay nagmistulang palaisipan.
May nagawa ba akong kasalanan?

Unti-unti ka ng lumalayo,
Malabo na nga ang paningin ko.
Hindi na malinaw dahil sa pagdaloy ng luha sa mata ko.
Na hindi ko magawang pigilan kahit gustuhin ko.

Ano ang iyong dahilan?
Ako ba talaga sa iyo ay isang kaibigan?
Kung ganoon ay bakit ka nagkakaganiyan?
Nasasaktan ako sa kilos na iyong pinakakita.

Nararamdaman kong ako'y hindi mahalaga sa'yo
Kaibigan mo ba talaga ako?
O kaibigan lang kapag kailangan mo?
O kaibigan lang kasi ako ang palaging nandito?

Nasasaktan ako sa mga ideya na pumapasok sa aking isipan.
Pakilinawan naman ng hindi na ako masaktan ng matagal.
Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko sa katotohanang hindi naman talaga—
Kaibigan ang turing mo sa akin at ako lamang ang nag-iisip na ganoon tayong dalawa.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon