Pang Animnapu't Limang Patak

9 0 0
                                    

BITAW NA

Mahirap bumitaw sa taong mahal mo pa
Isiping bibitawan mo na siya kasi tapos na
Ay parang pagguho ng mundo na hindi ka pa handa
At sobrang bigat sa pakiramdam pero wala kang magagawa para labanan.

Sabihin na nating nakalimutan mo na siya
Binura mo na sa iyong isipan
Babalik at babalik ang mga alaala
Pero hindi na ang presensya niya.

Mahirap at sobrang sakit na parang may nakatarak na punla
Hindi magagamot ng kahit anong medisina
Ni pampamanhid ay hindi tatalab sa dulot nitong pinsala
Hindi makakalimot ang pusong sobrang nagmahal.

Ang sarili ay palaging tinatanong
Kung may mali o nagawang nakapagpabago sa isipan mo.
Gusto kong panghawakan ang mga pinangako
Baka sakaling sa pagbalik ay matutupad na ang mga ito.

Kaso natuldukan na at tapos na
Wala nang magbabago
Wala nang matutuloy
At wala nang magbabalik para saluhin ulit ako.

Gabing malamig na puro hagulhol sa kwarto
Kailangan ko nang bitawan ang kamay mo
Pagluha na lang ang tanging magagawa ko
Ikaw ang naunang bumitaw at naglaho sa paglalakbay na ito.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now