Pang labing limang Patak

20 3 1
                                    

Nilimot

Kinakausap niya ako,
Kinakamusta ang kalagayan ko,
Napapangiti niya ako
At masaya ako kapag siya ang kausap ko.

Pero bigla siyang nagbago,
Hindi niya na ako kinikibo,
Tipid na ang kaniyang mga sagot.
Alam kong hindi ako dapat malungkot

Dahil isa lamang akong estrangherong
Nakilala at nakausap niya na mula sa malayo.
Ayaw kong maramdaman ito
Pero nasasaktan ako sa bawat oras  na ako ay unti-unti mo ng nililimot.

Ganoon ba kadaling kalimutan iyon?
Matapos kitang makilala at mapanatag sa iyo
Ay mawawala ka't magtatago
Kahit alam mong takot akong maging mag-isa sa mundo.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon