Pangwalumpu't Dalawang Patak

6 3 0
                                    

PAGKAKAIBIGANG HINDI  NAISALABA

Kahit hindi na tayo magkaibigan
Gusto pa rin kitang batiin nang
Maligayang araw ng pagkakaibigan
Dahil minsan na rin kitang naging kaagapay.

Mahirap mang isipin dahil sa isang kamalian
Ang ugnayan natin ay bigla nalang nagunaw
Ang tanging kasama ko na lang ay puting papel na puno ng mga luha't
Naging tinta ang aking mga palahaw

Hindi ko alam ang iyong dahilan
Pero iintindihin ko nalang na ang lahat ay may hangganan
Isa kang kaibigan, kapatid at pamilya
Na ngayon hirap na akong makilala pa

Madami na rin kasing nagbago sa mga gawi mo na
Dahil sa paglipas ng panahon ay ako nalang ata ang hindi nagbabago at
Palagi pa ring nagtatago sa sulok ng kwarto ko,
Pabulong na sinisigaw ang pangalan mo.

Pero kailangan ko nang bumangon
Kailangan ko nang umahon
Kahit patuloy pa rin akong nilulunod
Nang mga bagay sa isipang nagmistulang bagyo

Kailangan ko na rin palang tumahan
Wala na akong magagawa sa iyong paglisan.
Patuloy kong dadalhin ang mga alala na ating pinagsaluhan
At ang mga pasang dulot pagkakaibigang hindi ko naisalaba.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now