Pang Limangpung Patak

9 3 1
                                    

AYUDA

Minsan kitang nadaanan sa may eskinita
Binigyan ng panahon para ikaw ay makilala
Nangangapa ka kasi na tila ba'y walang kasama
Sinamahan kita sa'yong pag-iisa

Ang galing mong magsalita
Nakuha mo agad ang aking loob ng walang kahirap-hirap
At hanggang sa nahulog na nga ako ng tuluyan
Parang pandemya ang aking hinarap

Kahit mahirap at nasasaktan
Patuloy na lumalaban kahit na ang hirap na talaga
Ang hirap magmahal taong parang isang politiko habang
Ang isang katulad ko ay isang mamamayan na naniwala sa mga binitawang salita

Bakit ganito? Ang bigat sa pakiramdam
Pag-ibig mo ba ay ayuda?
Hanggang kailan ako mag-hihintay para makatanggap?
Mahaba pa ba ang pila?

Kasi kung ganoon ako ay uuwi na lamang
Dehado na nga, naghintay pa sa wala
Sana hindi nalang pala kita nilapitan
At sinubukang makilala

Dahil pandemya nang ikaw ay aking makilala
Ang iyong pag-ibig ay ayuda
Ako ay nagpakatanga
Umuwing walang napala

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now