Pang dalawampu't apat na Patak

15 2 0
                                    

BITAW NA

Umiiyak ka na naman dahil sa kaniya.
Hindi ka na naman makatulog dahil sa kakaisip sa alaala
Na pinasaluhan niyong dalawa
At mga pangakong binitawan pero hindi natupad.

Umaasa ka pa rin sa pagbabalik niya
Kahit nasasaktan ka na ay siya pa rin ang gusto mong takbuhan,
Kahit nakatalikod siya ay pangalan pa rin niya ang iyong sinisigaw,
Kahit alam mong wala ng pag-asa at imposible ang iyong mga sana.

Bumitaw ka na sa pangakong hanggang ngayon ay pinaghahawakan mo.
Lumaya ka na sa alaalang gumagapos sa iyo.
Ito na ang pagkakataon mo para maghilom.
Para pagtuunan ng pansin ang sarili mo.

Alam kong nasasaktan ka na't kuta ka na sa sakit na dulot niya.
Palayain mo na siya at hayaang ikaw ay tuluyan ng makalaya.
Katulad niya, maging masaya ka na sana
At matutunang mahalin ang sarili mo muna.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ