Pangsiyamnapu't Anim Na Patak

7 0 0
                                    

HANGGANG KAILAN?

H

indi bulag sa iyong bawat pagsulyap na palihim
Hindi bingi para hindi marinig ang mumunti mong hiling
Hindi rin ako manhid para hindi mabatid ang pinapakitang pagtingin
Pero hindi rin ako umaasang totoo itong aking napapansin.

Ikaw ang aking palagi at sa tuwina
Hindi ka nagbabago at palaging nasa tabi lamang.
Ayaw kong masanay sa iyong presensya
Dahil delubyo ang dulot kapag naisipan mo nang lumisan.

Ngunit kahit naguguluhan ay mananatili
Kahit hindi ka umaamin sa iyong damdamin
Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang aking sasabihin
O kung handa ba ako kung sakaling iyan ay mangyari.

Hanggang kailan mo kaya kayang maghintay?
Pansamantala lang ba ang iyong pinapakitang kabutihan?
Ayaw ko nang manghula at tadhana nalang ang bahala
Hiling ko kay bathala ay sana huwag ka nang mawala.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now