Pang Apatnapu't Anim na Patak

11 2 0
                                    

"WAKAS"
Dedicated to JahricLago

Tuluyan na ngang nagsara ang libro nating dalawa
Tapos na ang pinagsamahang puno ng pagmamahalan
Hindi ko inakalang napakabilis lang pala
Ng maraming taon na akala ko'y walang katapusan

Sana nagawa pang madugtungan
Sana nagawa pang magpatuloy sa paglalakbay
Sana nagawa pa nating magsama ng matagal
Sana kapiling pa rin natin ang isa't-isa

Ngunit mali, ang aking mga sana ay hindi maaari
Ito na ang pinakahuli
Mahal ko, sinubukan naman natin
Ang magmahalang muli katulad ng dati

Ngunit ang pagmamahal ay parang pandikit
Kapag natanggal ay hindi na katulad ng dati ang kapit
Kahit idiin mo pa ito ay bibitiw pa rin
Kaya patawad mag-isa nalang akong tatawid

Kailangan nating magpunta sa kabilang dako
Ng mundo kung saan hindi na ako kasama mo
Masakit, malungkot at mahirap pa rin ang mawalay sa'yo
Pero alam kong kailangan natin ito

Madaya ang tadhanang nagawang ipagtagpo tayo
Nagsama ng matagal ngunit nagkaroon ng dulo
Naging masaya at malungkot ako sa piling mo
Wala na akong ibang hihilingin pa kun'di ang kaligayahan mo

Mahal, napatawad na kita
Sana ang sarili ko'y akin na ring mapatawad
Malaya ka na, Ikaw sana'y maging masaya
Maghilom sana ang mga sugat na natamo nating dalawa

Para pagdating ng panahon ay
Muli nating masaksihan ang ngiti at tawa
Na minsan nating minahal ng sobra't
Muling mayakap natin ang isa't-isa nang wala ng pagluha at matamong sugat.

Hanggang sa muli nating pagkikita
Hanggang sa muling pagtagpuin ng tadhana ang ating landas
Salubungin mo sanang muli ng pagmamahal
At sa huling pagkakataon, ito sana'y magtagal na

***
Inspired by #JaLukeNoMore ang sakit huhu feeling broken rin ako🤧🔪

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now