Pang Pitumpu't Limang Patak

3 1 0
                                    

BALLPEN

Nasaan ka na naman kaya?
Parang kanina lang ay hawak hawak pa kita.
Nilapag lang kita sa mesa
Ilang minuto lang ay nawala ka na.

Kahit saan dala-dala kita,
Kailangan kita, mahalaga ka,
Pero bakit bigla kang nawawala?
Ayaw mo ba akong kasama?

Binigyan pa kita ng pangalan
Para mayroon akong palatandaan.
Tapos makikita ko ngayon hawak ka na ng iba
At ayaw na sa aking ibigay

Sapagkat noong nalinga lang ako
Ay bumagsak ka pala at napulot niya.
Sana pala hindi na kita binitawan
Kung alam ko lang na ganito kasakit ang mapunta ka sa iba.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن