Pang dalawampu't dalawang Patak

12 1 1
                                    

MAG-ISA

Nakakapagod lumaban,
Para kasing wala nang katapusan.
Puro pagluha na lang at lungkot ang kita sa mga mata,
Kailan kaya titila ang pag-ulan ng mga problema?

Nasanay akong palaging pinapagaan ang loob ng iba,
Takbuhan sa tuwing sila ay naaambunan ng kalungkutan.
Sa totoo lang, marami sila at hindi ko na lubos mabilang kung ilan
Pati pangalan nila ay hindi ko na matandaan.

Pero bakit pakiramdam ko ay wala akong kasama?
Kahit alam kong may sila na nandiyan ay
Takot akong tapikin ang kanilang balikat,
Tawagin ang kanilang pangalan para ako ay may mapagkwentuhan
At nang gumaan ang aking nararamdaman.

Sarili ko lamang  ang maaari kong asahan,
Kahit sarili ko lang ang gumagawa ng kalungkutan ko ay
Sarili ko lang rin ang makakapagpatahan
Sa puso kong napagod na sa kakaiyak.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon