Pang tatlongpu't limang Patak

15 4 5
                                    

ESPESYAL
DEDICATED TO lazyllyynn

Gusto kita!
Pero sa totoo lang, higit pa sa salitang gusto
Ang nararamdaman ng aking puso.
Ginulo mo kasi ang tahimik kong mundo,
Napukaw mo at nakuha ang atensyon ko.

Una palang, paghanga lang dapat ito
Ngunit naging pasaway ako't tinawid ang "paghanga lang" na espasyo.
At ikaw nga ay aking ginusto
At sa araw-araw ay mas lalo akong nahuhulog sa'yo.

Ang bawat pagtawa at ngiti mo ay kabisado ko.
Palaging sa mga kwento mong kahit paulit-ulit ako ay "on the go"
Ewan ko ba, sadyang kasama ka na sa sistema ko't
Hindi kumpleto ang araw kapag wala ang isang katulad mo.

Ikaw ay palaging nandiyan kaya malingat lang at mawala sa aking tanaw ay nababahala na.
Ikaw rin ay mabait at pinaparamdam sa akin na ako ay mahalaga.
Sino nga ba ang hindi kikiligin sa pasimple mong pagbanat?
Kahit wala itong nilalaman na pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan.

Palagi mo ring pinapaala ang mga ganito at ganiyan sa akin na siyang nakapagpataba sa aking puso ng sobra,
Ngunit sa sobrang tuwa at kasiyahan na nararamdaman ko sa iyong simpleng mga gawa,
Sa sobrang pagkahumaling ko sa iyong presensya ay inisip kong ako ay espesyal,
Hindi ko inakalang sa lahat pala ikaw ay ganiyan, walang matibo't ako nagpapantasya lamang.

Minsan ko ngang inisip na baka tayo ay posible,
Na tayo ay hahantong sa "next level",
Alam mo na, Iyong sinasabi nilang may "label"
Pero tama na ang pagdi-day dream, iyong kaisipan ay imposibleng mangyari.

Bakit nga ba ako umaasa na mayroon pang higit?
Gayong sa lahat naman ikaw ay mabait at palaging nakangiti.
Pasensya ka na! Siguro ay napasobra ang aking pag-iisip.
Ako ay isang kaibigan lang talaga sa iyong paningin.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon