Pangsiyamnapu't Apat na Patak

7 1 0
                                    

KATAMARAN NGA BA TALAGA?

Ako'y wala nang maintindihan
Mabilis nang mapagod dahil sa sistema
Naapektuhan pati ang katawan
Palaging pagod at walang gana

Kahit palaging nakahilata sa kama
Hindi bumabangon kapag hindi lumulubog ang araw
Hanggang sa hating gabi ay dilat ang mga mata
Pero pagkilos ay nalilimitahan

Wala na ang dating sigla
Hindi alam kung ano ang nararamdaman
Binabalot ba ng kalungkutan
O sadyang dinadalaw talaga nag katamaran?

Babangon para tumunganga
Tapos biglang luluha
Minsan ay ngangawa at magwawala
Hating gabi ay nagmistulang tanghalian.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now