Pang-apat na Patak

70 18 5
                                    

TULONG
Dedicated to Riiihiiina

Sinubukan ko namang iwasto ang pagkakamali ko
Pero bakit panghuhusga at masasakit na salita ang natanggap ko?
Nilayuan at pangmamata galing sa mga pinagkakatiwalaan ang natamo ko.
Tao rin naman ako nagkakamali at nabibigo, pero bakit ganoon?

Naglaho na parang bula ang kabutihang ginawa ko,
Nabura sa isipan ang mga tamang ginawa ko,
Nakalimutan na ako iyong sa mga laban sa buhay ay nananalo,
Nagkamali lang ako naging talunan na sa paningin niyo.

Hindi naman ako perpektong tao, wala naman kasing ganoon.
Nagkakamali rin naman ako, lahat naman siguro?
Nawawalan ng lakas ng loob, minsan ang sarap ng sumuko.
Pero bakit kung kailan ko kailangan ng tulong, sa akin kayo ay tumalikod?

Ako iyong palaging nandiyan para magpasaya ng mga tao.
Ako rin iyong tao na nagbibigay ng lakas ng loob para sila ay tumayo
Pero bakit ngayong ako ay lugmok na lugmok?
Mag-isa nalang ngayon sa isang sulok.

Sana'y marinig niyo ang paghingi ko ng tulong,
Sana'y mahanap rin ako sa madilim na gubat ng lungkot,
Sana'y may liwanag rin na sumilay sa akin dito sa kadiliman ngayon.
Ayaw kong manatili ng matagal sa pasilyong ito.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now