ASAR
Wala naman siguro akong maling nasabi
Sumabog lang dahil sa bugso ng damdamin
Dahil sa hindi nakakatuwang gawain
Na nagdulot ng sugat sa akin.Parang pinipiga ang aking puso nang mapansin
Na sobra pala ang lumalabas sa aking bibig
Kapag ako na mismo ang nagalit
At ito ako ngayon natatakot na baka mali ang aking naging hinaing.Ang bigat ngayon sa dibdib
Akala ko dapat iniintindi na mali ang naging gawi
Pero bakit pakiramdam ko masama na sa paningin
Dahil lang sa nasaktan ang aking damdamin.Humihikbi na naman ako kasi hindi ko lubos maisip
Na hindi mo ako kinikibuan matapos ko ihayag ang nasa aking dibdib
Pakiramdam ko tuloy mali na ang magsabi at makaramdam ng sakit
Mali nang isipin na mali ang ginawa ng kaibigang itinuring.Magwawakas na ba ang pagkakaibigan natin?
Wala na bang palugit?
Pwede naman kitang patawarin
Bakit hindi mo ako magawang kausapin?
YOU ARE READING
Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)
PoetryIto ay antolohiya ng mga tula na tungkol sa pagmamahal, pagkasawi, pagpapaubaya, pagpapalaya at paghilom. Ang bawat pagpatak ng luha ay may katumbas na isang tula. Nawa'y magustuhan at maantig ang puso niyo sa mga tulang ito. Magawa sanang mayakap a...