Pang dalawampung Patak

18 1 0
                                    

KAIBIGAN LANG

Gusto mo pa rin siya,
Siguro nga ay wala talagang pag-asa.
Ang magkaroon ng tayong dalawa,
Iyong higit pa sa magkakaibigan.

Paano ko kaya mapipigilan ang selos
Sa tuwing siya ang paksa ng iyong kwento?
Paano ko kaya mapipigilan ang kilig
Tuwing ako ay iyong binabati?

Paano ko kaya mapipigilan ang hindi malungkot
Kapag ako ay tila limot mo
At siya ang kasa-kasama mo,
Hindi ako at wala ka sa tabi ko?

Paano ko kaya mapipigilan ang mag-isip ng mga bagay-bagay,
Mga pangarap ko na ikaw ang kasama ko sa buhay?
Paano ko kaya mapipigilan ang nararamdaman kong walang saysay

At hindi maaring matumbasan?
Dahil ako ay isang kaibigan lang
Taga-antabay sa mga kwento mo tungkol sa kaniya,
Tagapayo at takbuhan mo sa tuwing nasasaktan ka niya.

Kaibigan lang ako,
Iyon ang gampanin ko sa buhay mo
Wala ng hihigit pa doon
At hindi maaring matupad ang pangarap ko.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now