Pang Pitumpu't Pitong Patak

6 1 0
                                    

KANTA NATING DALAWA
Dedicated to Moira and Jason

Saan nagsimulang magbago ang lahat...
Tandang-tanda ko pa ang pangako mong ika'y magiging tapat
Pero bakit biglang hindi na ako sapat
At ang pagkukulang ko ngayon ay sinusumbat?

Ikaw ang matalik na kaibigan na minahal ko ng sobra
Hindi ko maisip na magagawa mong ako ay saktan
Mahirap na ba ngayon ang maging tapat?
Gayong ang sarili ko ay aking pinagkatiwala.

Hindi ko na alam kung para saan ang mga naging sumpaan
Dahil nagawa mong kalimutan at piliing ako ay saktan.
Akala ko panghabang buhay na ang pagmamahalan,
Akala lang pala ang lahat kasi nagkaroon na ng lamat.

Yung mga araw na tayo ay masaya at walang inaalalang problema,
May iba pala sa isipan at nalinlang lang ako sa iyong mga ginawa.
Akala ko kapag magkasama tayong dalawa ay walang iba
Pero mayroon pala at isang akala na naman.

Ang mga kantang isinulat natin nang magkasama,
Masasakit na karanasan ng iba na binigyan natin ng himig at musika
Ay hindi ko na muling makakanta o mapapakinggan katulad noong una
Kasi ngayon, dama ko nang para sa atin nakalaan ang bawat liriko na ating nalikha.

Ang mga kataga at katanungan sa kanta,
Ang bawat sakit at lungkot na ating nadama,
Ang lahat ng iyon ay mararanasan rin natin pala.
Nagawa natin ang mga kanta nang magkasama na para sa atin lang rin pala ginawa.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora