Pangwalumpu't Anim Na Patak

4 0 0
                                    

BALIKAT ANG KAILANGAN

Madaling magsabi na hindi masakit
Dahil hindi ikaw ang naiipit
Mahirap iwaglit sa aking isip
Kung patuloy na namimilipit sa hapdi

Hindi ko malaman kung masyado bang madamdamin
O masiyadong sineseryoso ang inyong mga sinasabi
Huwag mong diktahan ang mga dapat kong gawin
Sarili ko'y hindi rin kayang pigilin

Puwede mong samahan nang hindi dinidiktahan
Maaring pakinggan na walang halong panunumbat
Tumabi lamang at samahan ako sa aking kalungkutan
Dahil nangangailan ng masasandalan.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now