Pang tatlongpu't anim na Patak

11 2 0
                                    

KAHILINGAN
DEDICATED TO Mr_Bimow

Nasasaktan ka pa rin at hindi pa makahakbang
Nang patuloy at palayo sa alaalang inyong pinagsaluhan.
Kailan mo kaya maiisipang itigil na't
Ikaw ay magpahinga muna?

Huwag ka ng maghintay sa pagbabalik niya.
Masaya na siya sa piling ng iba
At ikaw ay kinalimutan na nang tuluyan.
Hindi ka ba naaawa sa puso mong puro galos at pasa lang ang napala?

Sa pagmamahal niyang akala mo'y pangmatagalan,
Iyon pala'y sandali lamang .
Mapaglaro at nakakalungkot ang naranasan mong tadhana sa kaniya.
Ikaw ay sobrang nagdurusa kahit hanggang sa kasalukuyan.

Maaari mo bang hilingin ang humakbang ng pa-isang lakad
Palayo sa masakit na karanasan
At magtungo sa lugar na makakapagbigay sa'yo ng ginhawa't pagmamahal?
Kasi kung pwede lang na ako ang humiling para sa iyo ay iyan ang aking kahilingan.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora