Pang tatlongpu't apat na Patak

11 4 0
                                    

NILIMOT
Dedicated to Saddygirlll

Nakakabahala ang pagkawala ng iyong presensya,
Tila ba'y para kang isang bula na biglang nawala,
Parang sa isang kisap ng mata ay nawala nang tuluyan.
Bakit ka nga ba lumisan?

Paano na iyong pagmamahalan na pang walang hanggan?
Iyong pangakong sinabi mo na tutuparin natin nang magkasama?
Walang pasabi kang nawala't ako ngayon ay naguguluhan.
Ako ba ay may nagawa o nasabing hindi tama?

Maari ka bang bumalik at linawin sa akin ang mga nangyayari?
Ipaliwanag kung bakit kailangang itigil
At maintindihan kung bakit kailangan mo akong lisanin?
Naguguluhan at nasasaktan na kasi ako sa bawat gabing puro nalang ako paghikbi.

Nais ko lang namang malaman ang sagot sa mga bakit
Para ang pagtulo ng luha ay akin ng mapahid,
At ang sa puso at isip na nagpapahapdi
Ay tuluyan ng mawala at mawaglit.

—Writer_Lhey✍️

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Where stories live. Discover now