Pang Pitumpung Patak Nang Tula

12 1 1
                                    

Kapayapaan Ng Isip

Muli ko na namang nahawakan ang aking pluma
Habang tinitignan ang blankong papel sa aking harapan
Nag-uunahan naman sa pagtulo ang aking mga luha
At kahit na mahirap ay sisikapin kong mabuo itong tula.

Napakataksil ng aking isipan
Kahit na may mga taong nakakasama at nakakausap
Tuwing may problemang kinakaharap
Hindi nito napapagaan ang aking pakiramdam.

Palaging bumubulong na may mali akong nagawa
Sinasabing hindi ako mahalaga o hindi kaya
Ay ako ang may kasalanan sa lahat ng bagay
Palaging may nga palaisipan na nabubuo para ako ay masaktan.

Yakapin man ako ng mga salitang nagsasabi na kasinungalingan lamang
Ang sinasabi ng isipan at huwag ko itong pakinggan
Pero taksil ang isipan kahit na ako ay magbingi-bingihan
Kailan kaya muling malalasap ang kapayapaan?

Yung hindi na kailangan pang mag-isip ng mga problema
Yung hindi na ako mag-aalala sa sasabihin ng iba
Yung hindi ko na tatanungin ang sarili kung sa akin ay may mali ba?
Palagi nalang kasing magulo at maingay ang aking isipan.

Gusto ko lang namang makatulog ng mapayapa,
Huminga ng maluwag.
Ang sarap siguro sa pakiramdam na wala kang inaalala
Hindi pilit ang bawat pagngiti at tawa.

Hindi ko na maalala kung kailan ko iyan huling naramdaman
Ngunit nais kong muling maranasan.
Sana magawa ko nang pahiran ang aking mga luha
Para magawa ko ang mga bagay na sa akin makakapagpapasaya.

Isang Daang Patak Ng Tula (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang